My Pervert Ghost Girlfriend
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
"DADDY!huhuhu daddy ko"niyakap ko siya
ng mahigpit dahil tatakbo pa sana siya
papunta sa daddy niya.
"Daddy ko huhuhu.d-daddy
huhuhu.Superman ko 'yon e huhuhu."todo
iyak ni Myra. Yakap-yakap na namin siyang
tatlo habang umiiyak din kami.
"Daddy ko yon e huhuhu!".gusto ko siyang
iligtas at protekrahan pero paano?
May nakita kaming isang malaking boat
papunta dito sa amin.
"Salamat Diyos ko."sabi ni sister. Lahat kami
ay tuwang-tuwa dahil may mga rescuer.
"Sister bente lang po ang kaya nito.So, 20
na bata lang ang pwedeng mailigtas pero
wag po kayong mag-alala, parating na din
po ang mga kasamahan namin".sabi ni kuya
na nakasuot ng lifejacket na may pangalang
red cross. Lahat ng bata ay nag- uunahang
umakyat.Kaming apat ay nagyayakapan
pa,kino- comfort namin ang umiiyak na si
Myra.
"Sige,ang mga bata nalang muna ang iligtas
ninyo".sabi ni sister.
"Sister isa nalang po ang pwedeng
sumakay".sabi ng lalaki sa amin.Kaming lima
nalang pala ni sister ang naiwan.Hanggang
tuhod na namin ang tubig at medyo
tinutulak na nga kami ng alon.
Napatingin kaming tatlo sa isa't- isa habang
si Myra naman ay walang pakialam sa
amin.Iyak lang nang iyak.Isa lang ang ibig
sabihin,isa lang sa amin ang pwedeng
mailigtas.
"H-hindi ko pwedeng iwan si k-
kuya."umiiyak na sabi ni Belen at niyakap si
Jm.
'Hindi namin iiwan ang isa't isa.Kapatid ko
siya.Ikaw nalang Jam."sabi ni Jm sa akin.
"Mga bata, sige na decide na kayo."sabi ni
sister.
"Si Myra nalang sister.Kuya si Myra nalang
po".sabi ko kay kuya na itinuro si Myra na
umiiyak.Nangako ako sa kanyang daddy na
poprotektahan ko siya.
"No, ayoko! sasama ako kay daddy ko
huhuhu".iyak parin siya nang iyak.
Nangako ako kay tito
superman.Poprotektahan ko si Myra.Si
Batman ang bahala sa taong mahalaga kay
Superman ngayong wala na siya.
Tinulak ko si Myra at agad naman na binuhat
siya ni kuya.
"No ayoko!let me go!".pero naisakay na siya
ng mga taga Red Cross sa bangka.Umiiyak
na napatingin siya sa amin pero pilit na
ngumingiti kami sakanya kahit umiiyak.
Masaya kami dahil alam naming maililigtas
na siya.May isa sa aming apat na
makaliligtas.Subalit, lahat kami ay nagulat
nang biglang tumaob ang sinasakyan nila.
"MYRA!".sigaw naming apat nina sister
Carolina.Mas umiyak pa kami lalo.Bakit ang
saklap?wala na si MYRA.Wala na ang
babaeng pinangako kong poprotektahan.
Hanggang balikat na namin ang tubig.Kaunti
nalang at masasapawan na kami..Mahigpit
lang na nakapit kami dito sa pader kaya
hindi pa kami naaanod.
"Hihihi.sister,pssst sister hihihi".napalingon
kami sa baliw na nasa likuran
namin.Nakalutang siya sa tubig na may
salbabida.
"Salamat,isa sa inyo sumama sakanya na
lumangoy".sabi ni sister.Napatingin ang
magkapatid sa akin na nakangiti.Mas lalo
akong umiyak.
"No!ayoko huhuhu hindi ko kayo iiwan
huhuhu.I-ikaw nalang sister."sabi ko
sakanya.Magkaibigan kami,hindi kaya ng
aking puso kapag ako lang ang maililigtas sa
aming tatlo.
"Hindi ako pwede Jam.Masyado na akong
malaki, baka malunod pa 'yan.Isa
pa,kailangang isa sa atin ang
mailigtas"pangungumbimse ni sister.
"Okey lang 'yon Jam.Hindi ko pwedeng iwan
ang bunso ko, alam mo naman na mahal ko
si Belen".niyakap ni Jm ang kapatid.
"A-ayoko, sama-sama tayo.W-walang
iwanan e.F-friends tayo huhuhu".sabi ko sa
kanila.Medyo napapa atras na kami dahil sa
lakas ng tubig.
"Naintindihan ka naman namin Jam e.I-
kaw,may mommy at daddy kapa.M-
malulungkot sila kapag mawala ka."sabi
naman ni Belen ni napapasinok na sa
kakaiyak.Kung pwede lang sanang itigil na
ang bagyo.
"I-isa pa,friends naman tayo.
L-lagi ka naming babantayan basta m-mag
pray kalang lagi."umiiyak na sabi ni Jm.
"Basta Jam promise mo,kapag maka survive
ka,wag mo kaming kalimutan ha.Kasi
kami,hinding- hindi ka namin m-
makakalimutan ni kuya huhuhu.".niyakap nila
ako ng sobrang higpit.
"A-ayoko..M-magkasama tayo huhuhu".hindi
ako bumibitiw sa pagkakayakap sa
kanila.Hindi ko sila iiwan.Dapat makaligtas
kaming lahat.
"K-kailangan mo nang b-bumitaw.W-wag
kang mag alala Jam, lagi kang nasa puso
namin.B-basta mangako ka,lagi mo kaming
alalahanin ni k-kuya dahil hindi k-kalang
namin kaibigan kundi k-kapatid at
k-kapamilya ka parin namin bi kuya.K-kayo
ni Myra". nakangiting sabi ni Belen pero ang
mga luha ay hindi pa rin tumitigil sa
pagtulo.
"T-tuparin mo ang pangarap mo,lagi mong
tandaan na kung saan man kami p-pumunta
ay masaya kami doon.L-lagi lang kaming
nandyan para s-sayo."sabi ni Jm sa akin.
"Hijo,wag mong kalimutang kausapin kami
bawat gabi at nasa tahanan lang kami ni
bro. Wag mo kaming kalimutang bisitahin
kada linggo.Aabangan ka namin".nakangiti
ding sabi ni sister pero umaagos na ang
mga luha.Nasa leeg na namin ang tubig at
ilang sandali pa ay mahuhulog na kami sa
building na inaapakan namin dahil sa
pagkakatulak ng tubig.
"S-sister,a-ayoko po."pero nagulat ako nang
tinulak ako ni Jm at Belen papunta sa baliw
na nasa salbabida.Hinawakan ako ng
mahigpit ng baliw para hindi maanod at
ipinahawak ang dalawa kong kamay sa
salbabida.
"I-ingat J-jam.Iligtas ka ni bro.
W-wag mo kaming kalimutan k-
kaibigan"..sigaw ni Jm na nakangiti at
umiiyak. nagyayakapan pa silang tatlo nina
sister na nakatingin parin sa akin.
Iyak ako nang iyak nang makita kong
hinampas sila ng malakas na alon ng tubig
at lumubog.Siguro nahulog na sila sa
building na inaapakan.Wala na sila,wala na
ang mga kaibigan ko.
"Hawak ng mahigpit señorito
hihihi".nakangisi na sabi nitong
baliw.Sumusunod lang kami sa agos ng
tubig habang hinahawakan niya ako ng
mahigpit para makasigurado na hindi ako
bibitaw.
Ilang oras kaming palutang- lutang.May
mga sugat na nga kami dahil may mga
kahoy na humahampas sa amin at kung anu-
anong bagay,pero kahit na sugatan na si
kuya ay hinahawakan niya ako ng
mahigpit.Siguro isang araw kaming gano'n.
Sobrang hina na namin, hanggang sa
humupa na ang tubig at naanod kami sa
gilid ng ilog.Hinang-hina na ako at gutom
na.Ang baliw na binata ay ganon na din.
Nahiga ako sa batuhan.Sobrang daming
patay na hayop at mga tao sa paligid
namin.May mga bata at matatanda,at halos
lahat ay kakilala ko dito sa bayan.Pero
pakiramdam ko ay mamamatay ako sa
gutom.Tanging tubig ulan lang ang pinipilit
kong iniinum para magkaroon ng lakas dahil
ang dumi na ng tubig.
"Hihihi papay señorito?"nanginginig na sabi
ng baliw at iniabot sa akin ang isang
cupcake.Ito ang inilagay niya sa plastic at
itinali sa bewang niya kaninang umaga sa
birthday party ni Myra.
"S-salamat po."sabi ko sakanya at inabot
ang cupcake.Nakaisang kagat palang ako
nang mawalan na ako ng malay.- ---------End of flashback-------
Umiiyak ako ngayon habang nasa
eroplano.Wala din akong pakialam sa katabi
ko na nagtataka.Pagkatapos ko kasing
maalala ang lahat ay nagpa book ako agad
para umuwi sa Iloilo.
Si lolo siya, ang matandang nakita ko na
malapit sa batis.Si Jm at Belen,sila ang
batang magkapatid na kaibigan ko noon.Si
sister Carolina.Lahat sila ay mga kakilala ko
pero hindi sila nagpakilala.
Wala akong amnesia pero pagkatapos ng
trahedyang 'yon ay sadyang binura ko sa isip
ang mga taong iyon at ang masaklap na
nangyari noon dahil hindi ko kaya.Hindi ko
matanggap na wala na sila.Defense
mechanism yun ng tao.Ang ayaw niyang pag
usapan ang nakaraan,ayaw niyang alalahanin
at sadyang
kinalimutan niya ang lahat ng masamang
nangyari sakanyang buhay.
Pagkatapos kong mailigtas ay doon na ako
sa Maynila nag aral.Bumalik lang ako nung
nag high school na ako.Ang sama
ko.Nangako ako kay lolo na babalik ako pero
hindi ko manlang siya naalala nang magkita
kami.
Nangako ako sa magkapatid na hindi ko sila
kakalimutan pero ilang araw na kaming
magkakasama ay hindi ko talaga sila naalala
o ayaw ko lang maalala?kaya pala nung
nakita ko sila ay may mga putik sila sa damit
dahil biktima sila ng bagyong yolanda.
Si sister, ang tugon niya sa akin na
magsimba at magdasal ay hindi ko
nagawa.Ni hindi ko sila nakayang bisitahin sa
tahanan ni God kada linggo kahit sinabi
nilang hihintayin nila ako dun.Yun sana ang
bonding namin.
Tapos kahapon sinigawan at pinaalis ko pa
sila.
Ang baliw,ang baliw na hinuhusgahan ng
mga kababayan ko at natatakot ang mga
bata kapag makita siya.Ang baliw na
nanghihingi ng tinapay para may makain
araw-araw.Ang baliw na pinalayas ko sa
bahay.Siya ang taong nagligtas sa akin
noon.Siya ang taong nagbigay sa akin ng
tinapay para mabuhay.
"God,what i have done?".napahilamos ako sa
mukha.
Si Myra.Bakit hindi ko siya nakita?bakit si
Khira ang nakita ko?A/N;
Hi guys......special tribute ko po ang story
na ito sa mga biktima ng Bagyong
YOLANDA. bagyo na kumitil sa buhay ng
libu-libong PILIPINO.Salamat po sa mga
nagbabasa..hindi pa po tapos..dont worry
may two chapters pa po..salamat...hehehe.