My Pervert Ghost Girlfriend
By: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 2
Nakaupo ako ngayon dito sa veranda
habang nagkakape. Ang sarap talaga ng
simoy ng hangin.
Alas sais palang ng umaga kaya makikita mo
pa ang fog sa paligid. Hindi ko pa nga
makikita ang mga bundok na nakapaligid
dito sa aming lugar.
Nakita ko si Yaya sa baba, nagwawalis sa
bakuran. Ganito ang mga tao sa probinsiya.
Hindi na kailangan ang alarm clock dahil alas
kwatro palang ng madaling araw ay kusa
nang nagigising dahil sa tiktilaok ng mga
tandang na manok.
Umuwi lang ako dito sa probinsya dahil kaka
donate ko lang ng kidney sa tatay ng
kaibigan ko. Mas maganda daw sabi ni Doc
na mag unwind muna ako at kumain ng mga
fresh fruits and vegetables.
May kidney failure kasi siya at kailangan
nang operahan. Both kidneys are not
functioning kaya tinanggal na pareho.
Dalawa naman ang kidney natin kaya pwede
pa kahit isa lang ang nagpa function. As
long na healthy ito ay ingat lang sa mga
pagkain na nakakasira sa kidney.
Malaki kasi ang utang na loob ko sa tatay
nun dahil ito ang tumulong kina Mommy at
Daddy noon sa company namin noong
bumulusok pababa ang kompanya ng
pamilya.
"Tatay, 'di ba linggo ngayon? Tara na, simba
na tayo." Masayang sabi nitong katabi ko na
nakaupo sa maliit na upuang gawa sa narra.
Lintik na batang 'to! Mula nang malaman
kong multo ito ay halos hindi na ako
nakatulog. Minsan kapag nakahiga na ako ay
nakikita ko sa kisame na nakalutang o kung
saan mang sulok ng aking kwarto.
Minsan naman ay pasirko-sirko pa pero
madalas ay nasa itaas ng puno. Si Yaya lang
ang nakakaalam na nakikita ko siya.
Naniniwala naman siya sa akin dahil ang lolo
daw niya noon ay may third eye rin.
"Magsimba ka na mag-isa mo!" nakakapikon
din kasi 'to e. Iniiwasan ko na lang na
kausapin siya pero sobrang ingay naman.
"Huhuhu. Huhuhu!" ayan, nag-umpisa na
naman siyang umiyak. Tumayo ako at
pumunta sa banyo. Maliligo ako para
makagala naman. Kinuha ko ang tuwalya sa
wardrobe para makaligo na.
"Huhuhu. Huhuhu".nasa itaas ng shower ang
bata, nakabaliktad pa ang katawan nito.
Todo sa pag iyak. Mabuti na lang at naka
boxer pa ako. Haay, naku! Ang hirap ng
sitwasyon ko. Pagkatapos kong maligo ay
lumabas na ako sa shower room.
Mag-a-alas siyete na pala nang tumingin
ako sa maliit na alarm clock na nasa ibabaw
ng aking mesa dito sa tabi ng uluhan ng
aking kama. Bumaba na ako.
"Pwede ba? Huwag kang umiyak, nakakarindi
na! Ano ba ang gusto mo?" sigaw ko dito
dahil patuloy parin siya sa pag iyak na
nakabuntot sa akin habang pababa ako sa
hagdan.
"Simba po tayo, tatay. Huhuhu"
Iyak parin ito nang iyak.
"Magsimba kang mag- isa mo!"naglakad na
ako papunta sa sala. Nasa labas pa si Yaya.
Hindi pa yata tapos sa pagwawalis.
"E tatay, gusto ko po talagang magsimba
kaso hindi pwede. Dapat kasama ka po,"
reklamo niya tapos naupo na rin sa tabi ko.
"Pinagsasabi mo d'yan?" Magsisimba lang e
kaylangan pa talaga akong isama.
"Kasi po tatay, hanggang nandito lang po
ako. Kung saan po kayo pumunta doon lang
din po ako." Kumunot ang noo ko. Hindi ko
siya maintindihan.
"Kasi po tay, gusto ko po magsimba kaso
hindi ako makakapunta doon na hindi ka
kasama. Kahit gustuhin ko man ay hindi po
talaga pwede. Parang ikaw po ang tulay ko
para makapunta sa isang lugar pero kapag
ayaw n'yo po ay wala akong magagawa.
Dahil kung nasaan ka, nandoon din po ako."
Mahabang paliwanag niya sa akin.
"E ayaw ko ngang magsimba. D'yan ka na
nga!" umiyak na naman siya.
"Sa isang linggo, isang araw lang naman po
ang hinihingi ni papa God sa'yo hindi mo pa
kayang bisitahin siya sa tahanan niya kahit
isang oras lang? Huhuhu." panenermon nito
sa akin tapos pati sipon ay tumutulo na.
"Haist, nakakainis! Oo na. Sisimba na
tayo.Tumahimik ka nga lang d'yan!" Umakyat
na ako sa taas para magbihis.
"Yehey!" tuwang tuwa naman ito.
Pagkatapos kong magbihis ay nakita kong
nasa sala siya at naghihintay sa akin.
"O, magbihis ka na nga d'on." utos ko sa
kanya. Ganun parin kasi ang damit niya mula
pa kahapon.
"Hindi po pwede tatay, ganito na po talaga
ang damit ko. Kapag magbihis po ako e ang
makikita ng tao ay ang damit lang na
nakalutang." sumasakit ang ulo ko. Ibig
sabihin ay makakasama ko ang mukhang
pulubi na multo na 'to.
Nagdadrive ako ngayon gamit itong pickup
na'to. Katabi ko ang pulubing multo.
Ipinarada ko ang sasakyan sa gilid ng
kalsada sa labas ng simbahan.
Wala namang gaanong sasakyan dito dahil
kung hindi man tricycle ay single na motor
ang gamit ng mga tao dito.
Give thanks with a grateful heart
Give thanka to the holy one
Give thanks because he's given Jesus Christ
his son
Kakapasok lang namin dito sa simbahan at
iyan ang naabutan naming kanta. Ewan ko
ba, pero nang marinig ko 'yan ay bigla
nalang nanayo ang aking mga balahibo.
Kelan ko ba huling narinig ang kantang 'to?
Hindi ko na maalala. I'm so busy doing some
important matters para pumasok pa sa
simbahan.
And now let the weak say,i am strong
Let the poor say i am rich,
Because of what?
The Lord has done for us...
Ewan ko kung ano 'tong naramdaman ko
pero nang marinig ko ang kantang 'to bakit
ba parang pinipiga ang aking puso. Yung
tipong na gu-guilty ako.
Ganito ko na ba nakalimutan ang Diyos? Na
kahit magpasalamat sakanya sa tinamong
blessing ng pamilya namin ay hindi ko pa
magawa?
Heto parin kami sa simbahan. Pasimple kong
tinitingnan 'tong bata na naka focus sa
pakikinig sa pare tapos ang iingay pa ng
magkasintahan na nasa tabi ko.
Nagbubulong- bulungan at may tinitingnan
pa sa cellphone. Halatang mga high school
palang ang mga ito.
"Tatay, 'wag mo po silang pansinin. Nandito
po tayo para magsimba,hindi para
magbantay sa ginagawa ng iba." Nakatingala
na ito sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama. Yung tipong
sinasabi kong "tumahimik ka" .
"Tatay, sawayin mo sila. Hindi naman po
tama ang ginagawa nila. Sana po hindi na
lang sila pumasok at nagsimba kung hindi
lang din po sila makikinig sa salita ni Papa
God," tapos tumingin na ito sa pare.
Sumusobra na ang batang to ah! Pinilit na
nga akong magsimba tapos ganito pa ang
sabihin sa akin?
"Hoy, bata! Huwag mo akong utusan!" Galit
na sabi ko.
Napatingin ang mga tao sa akin. Medyo
malakas kasi ang pagkasabi ko. Aist, multo
pala ang kasama ko kaya hindi nila nakikita.
Tumingin ako sa magkasintahang nasa tabi
ko.
"I mean, kayong dalawa. Ayoko naman
sanang maging bastos at makialam pero
nasa simbahan tayo. Pwede bang wag n'yo
munang gamitin ang cp ninyo? Kahit isang
oras lang? At 'wag kayong maingay kasi
may mga nakikinig. Kung ayaw ninyong
makinig, lumabas na lang kayo," mahina
kong sabi sa kanila. Sakto lang para hindi
marinig ng iba.
Ang mga nakatingin sa akin kanina ay
nakinig na muli sa pare nang maisip nila na
itong magkasintahan ang kinakausap ko.
"Sorry po kuya, bebs, mamaya nalang 'yan.
Makinig nalang muna tayo kay father.
Marami pa namang time e,e off mo muna
'yang cp mo mamaya na kayo magtxt ng
barkada," saway ng babae sa girlfriend niya.
Mabuti naman at sumunod na ang
magkasintahan.
Todo ngiti naman ang multong 'to na nasa
tabi ko. Pahamak talaga! Ako ang
mapapahiya sakanya e hindi naman siya
nakikita ng mga tao.
Palabas na kami sa simbahan at hinawakan
pa ako nitong bata sa kamay. Ang lamig
naman ng kamay nito. Hindi ko na tinanggal
baka isipin na naman nila ay baliw ako.
Pabalik na kami sa pickup ko nang may
nakita akong babae na naka white pantalon
at white na tshirt. Nakaduty uniform ito ng
isang nurse.
"MISS, TABI!" Sigaw ko sa kanya na agad
naman siyang tumabi.Grabe ang kaba ko!
Akala ko masagasaan na siya.
Paglingon niya sa akin, shit! Ang ganda.
Mahaba at medyo maalon ang buhok, pati
pilik mata ay mahahaba din at medyo tsinita
ito. Siguro mga 5'3" ang height, medyo
heart shape ang mukha at mapupula ang
mga labi.
"Salamat ha" nakangiti niyang sabi sa akin
habang palapit sa pwesto ko.
"Walang ano man. Ahm, I'm Jam... Jam
Fabriga, and you are?" inilahad ko pa ang
kamay ko sa kanya.
" I'm khira. Pauwi na ba kayo?" simpleng
sagot niya pero hindi pa rin inaabot ang
kamay ko kaya binawi ko na lang.
"Ahhh. Oo. Sa san Enrique lang kami. Eh,
ikaw?"
"Doon din ako," ngumiti siya sa akin ng
sobrang tamis. Damn, she's so pretty. Tsk!
Kakalabas ko lang ng simbahan napapamura
na ako.
"Ganun ba? Sige, sumabay ka na sa akin,"
Sabay panalangin ko na sana ay pumayag
siya.
"Sige!" Tapos nauna pa itong sumakay sa
sasakyan ko.
Crush ko siya! Para naman akong high
school nito pero na love at first sight ata
ako sa kanya. Tsk, so gay!
Nandito kami sa front seat habang ang bata
naman ay tahimik na nakaupo sa likuran.
Tiningnan ko itong babae na nasa tabi ko
habang nagdadrive. Nagiging eratiko na ang
tibok ng puso ko.
Ang dami namang babae sa Maynila na
magaganda pero ang isang 'to ay kakaiba
ang ganda. Simple lang pero alam kong
marami ang mahuhumaling kahit sa ngiti pa
lang.
"Nurse ka pala. Saan ka nagtatrabaho?"
tanong ko sa kanya at nagiging malikot na
ang batang sa likod namin. Binuhat pa niya
ang bola na kinuha niya kanina sa bahay.
Nakalimutan ko, multo pala ito at kapag
may nahawakan siya ay ang makikita ng
normal na tao ay ang gamit lang na
nakalutang.
"Dyan lang sa bayan. Uy bata, 'wag mong
paglaruan ang bola. Baka tumilapon dito sa
amin ni Jam." saway niya sa bata. Ibig
sabihin nakikita din niya ito?
"Nakikita mo rin siya?" tanong ko kay Khira.
Sa wakas, may taong makakarelate sa akin.
Compatible na siguro kami.
"Oo naman. Kasama ko siya kahapon." sagot
ni Khira na nakangiti pa habang nakatuon
ang mga mata sa unahan ng kalsada.
"Shit!" Bigla akong nagpreno. Nang
tumingin kasi ako sa babae ay nakaupo ito
pero nakaangat ang katawan sa upuan.