My Pervert Ghost Girlfriend
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
-----Flashback----
18 years ago..
November 8, 2013 .
Masayang bumaba ako sa hagdan at
patakbong papunta kina mommy at
daddy.Mag-aalas siyete palang kasi ng
umaga pero excited na ako.
"Jam baby, dahan-dahan lang, baka madapa
ka".nakangiting saway ni mommy sa
akin.Ngayong araw kasi ay pupunta na kami
sa Maynila.
"Excited lang po ako mom".masayang sabi
ko.Doon kasi kami sa Maynila
magbabakasyon.
"Oo na baby,pero dahan-dahan lang". Bago
kasi kami aalis ay dadaan muna kami sa
bahay- ampunan.Birthday kasi ng kaibigan
ko ngayon kaya hindi pwedeng wala ako
doon.
"Mommy,punta lang po muna ako kay lolo
ha."paalam ko sakanya.Papa siya ni mommy
pero ayaw niyang tumira dito sa
mansion.Mas masarap daw mamuhay doon
sa malapit sa batis kasama ang mga alagang
hayop at mga halaman niya kaya hinayaan
nalang nina mommy.Ganun daw talaga ang
mga matatanda.Masyadong nasanay na sa
ganung pamumuhay.
"Sige baby,pero bumalik ka kaagad ha.Baka
abutan ka ng ulan.Medyo madilim kasi ang
kalangitan ngayon at baka malate
tayo.Magdala kana din ng prutas para kay
papa".bilin ni mommy.
Masayang tumakbo na ako papunta sa
tahanan ni lolo.
"Lolo, lolo.".tawag ko sakanya kahit malayo
pa ako.Mahal ko kasi ang lolo ko.Kapag wala
akong ginagawa sa mansion ay dito ako nag
lalagi sakanya.
"Oh naku,andito ka namang bata ka?o bakit
nakabihis ka ata?"galing siya sa likod ng
bahay at may hawak na itim na manok.Lahat
kasi ng alaga niyang hayop ay puro native.
"Pupunta po kami lolo sa Maynila, doon daw
kami magbabakasyon sabi nina mommy at
daddy.Lolo,ang dami pong anak ng mga
manok ninyo,akin nalang po ang
isa".tuwang-tuwa na hinabol ko pa ang mga
sisiw.
"Naku bata ka,sakto lang 'yan dalawang
buwan ata kayo doon.Pag-uwi mo,malalaki
na ang mga iyan.Pwede na nating
katayin".natatawang sabi ni lolo sa akin at
pinat pa niya ako sa ulo.
"E yung mga biik po pwede din po nating
katayin?"tanong ko uli sakanya.
"Oo naman,pag uwi mo sa fiesta makakatay
na natin 'yan sila.Oh, umuwi kana, baka
maulanan ka.Balita ko may bagyo
ngayon.Basta bumalik lang kayo dito sa
probinsya,hihintayin ko ang pagbalik
mo.Alam ko kasing paborito n'yong mag'ina
ang mga native na manok."sabi niya.
"Sige po lolo"masayang paalam ko.Medyo
malayo na ako nang tumigil ako at nilingon
siya.Nakangiti ito,nakaupo sa hagdan at
tinatanaw ako mula sa malayo.Yung tipong
tinitignan niya kung safe ako sa
daan.Kumaway ako sakanya at ngumiti.
"Babalik po kami dito lolo,PANGAKO".sigaw
ko,tama lang na marininig niya.
Masayang tumakbo na ako pauwi sa
amin.Ilang sandali pa ay lulan na kami ng
sasakyan papunta sa bahay-
ampunan.Birthday kasi ni Myra ngayon kaya
naisipan niya na doon na maghanda.
"Jam baby,Idaan ka muna namin doon
ha.Bibili lang kami ng dad mo ng
pasalubong sa mga kamag- anak natin sa
Maynila."sabi ni mommy.Gusto daw kasi
nina tita na magdala kami ng piaya at
biscocho.
"Sige po mommy,doon nalang po muna ako
maglalaro sa mga kaibigan ko."masayang
sagot ko.Mahilig kasi si mommy at daddy na
mag donate sa mga charity lalo na dito sa
bahay- ampunan sa bayan namin.
Doon ko din nakilala si Myra dahil
nagdodonate din ang parents niya doon.
Hindi na bumaba sina mommy at daddy kaya
patakbo akong pumasok sa ampunan.
"Oh hello Jam,ang cute mo naman hijo".bati
sa akin ni sister Carolina.Nasa 40plus na ang
edad nito.Mabait si sister at sobrang
maunawain.May pagka jologs din minsan
kaya okey siya sa aming mga bata.
"Goodmorning po sister,kamusta na po
kayo?".nag bless muna ako sakanya.
"Okey naman.Sus sa pagka gwapo naman
netong bata.Oh sya, pumasok kana dahil
kanina kapa hinihintay ng dalawang
iyon."alam ko kung sino ang tinutukoy
niya.Sila ang dalawang bata na naging
kaibigan ko dito sa ampunan.
"Sige po sister,maraming salamat
po."patakbo na ako na pumasok sa kanila sa
loob.
Ang daming lobo sa paligid.May mga ice
cream din at cakes.kung sabagay, mayaman
din naman kasi sina Myra kaya na nila na
bumili ng kung ano mang gustong ihanda.
Agriculturist kasi ang daddy niya,mahilig sa
mga hayop at mga gulay o kahoy.Sa bahay
nga nila ang daming prutas e.Pareho sila ni
daddy,mahilig din si dad sa mga puno.
"Jam,mabuti naman at dumating ka. Akala
namin ay hindi kana pupunta"sabi ng isang
batang lalaki na kasing edad ko lang.Siya si
Jm.
"Oo nga e,akala namin aalis kana papuntang
Maynila".masayang sabi ni Belen.
Pareho silang inabandona ng mga magulang
nila.Ang sabi nina sister ay mahigit isang
taon palang daw si Jm noon nang makita
nila sa isang basurahan na malapit lang dito
sa kumbento,at si Belen naman ay
magdadalawang buwan nang iwan dito sa
labas ng simbahan.
"Hindi ah,syempre aattend pa ako ng
birthday party ni Myra."sabi ko sa
magkapatid.Ang cute nilang dalawa na
parehong nakajumper na damit.
"Oyyy si Jam,may gusto kay
Myra,ayieee".tuksuhan nilang dalawa.
"Sssshhhh 'wag nga kayong maingay,baka
mamaya may makarinig sainyo e."bulong ko
sa kanila.Kahit bata pa ako ay nagkakagusto
din naman ako.Ayy,crush lang pala.Ang
ganda kasi ni Myra e,paglaki niya gusto
kong asawahin siya.
"Tara,laro muna tayo doon sa likod".yaya ni
Jm sa amin.May maliit kasi na playground sa
likod nitong ampunan para sa mga bata.
"Tara laro tayo ng habulan doon.Si kuya ang
taya".nauna ng tumakbo ang anim na taong
gulang na si Belen.Patakbo din kaming
sumunod ni Jm sakanya.
Nang mapagod kami sa paglalaro ay naupo
kami dito sa lilim ng punong
mangga.Mababa lang ito pero malaki ang
puno nito.
"Jam?diba matagal ka ng pumupunta sa
Maynila?"sabi ni Jm sa akin habang nakaupo
parin kami sa malaking ugat ng puno.
"Oo,doon kami laging nagbabakasyon nina
mommy at daddy".sagot ko sa kanila.
"Wow,ibig sabihin,nakasakay kana ng
eroplano?ano ang itsura ng
Maynila?".interesadong tanong ni Belen sa
akin.
"Oo, lagi kaming nag- eeroplano.Wala
naman, matataas lang na buildings pero mas
masarap pa rin dito sa Probinsya".nandito
kasi sila na mga kaibigan ko at syempre ang
crush kong si Myra.Mas tahimik dito kesa
doon.Kaya kahit anong mangyari,hinding-
hindi ko ipagpalit ang aming Probinsya kesa
sa Maynila.
"Talaga?gusto ko ding makapunta sa
Maynila.Tapos kakain sa Jollibee.Tapos doon
sa malaking mall,yung may malaking
bilog,diba kuya?yung may fireworks."sabi ni
Belen,tila nangangarap pa talaga ito na
makapunta sa lugar na iyon.
"Oo,yung nakita namin sa tv noong New
Year,ang ganda no'n"..sagot ni Jm.Live
telecast kasi ang sa tv noong new year at sa
MOA ine held ang new year's countdown.
"Wag kayong mag alala,paglaki ko dadalhin
ko kayo doon para makita n'yo din ang
Maynila".kapag maka trabaho na ako,
isasama ko sila.Kawawa naman sila,ako kasi,
naka ilang balik na sa Maynila tapos sila ay
wala pa.
"Yehey!promise Jam?".tuwang- tuwa na
tanong ni Belen.Nagniningning ang mga
mata nito na nakatingin sa akin.
"Oo naman,ano pa ba ang pangarap
ninyo?"tanong ko sa dalawa.Sila lang ang
mga matalik kong kaibigan dito sa amin.
"Ako?gusto kong maging pare,gusto ko
kasing magsilbi kay bro.Tapos tutulungan ko
din ang mga taong pulubi na nasa sa
lansangan,kawawa naman sila, walang
bahay" oo nga pala may pagka pare pala
'tong si Jm.Kahit bata pa ay para ng
matanda kung mag pangaral sa amin.
"Ako naman gusto ko lang maranasan na
may buong pamilya.Yung may tinatawag na
nanay at tatay,tapos makakain sa isang mesa
na kasama sila.Hindi ko pa kasi naranasan
ang gano'n"malungkot na wika ni
Belen.Ganun ba talaga yun?pasalamat nalang
pala ako kasi and'yan sina mommy at
daddy.Hindi nila ako pinapabayaan.
"Ganun ba?sige,sabihan ko sina mommy at
daddy na kunin nalang kayo dito para
magkasama na tayo sa bahay".wala naman
akong kapatid kaya okey lang siguro na
aampunin din sila ng mga magulang
ko.Tiyak,magiging masaya kaming tatlo.
"Talaga?yehey basta Jam dapat dalawa kami
ni kuya ha.Hindi pwedeng magkahiwalay
kami".wika ni Belen.Si Jm naman ay umakyat
sa punong mangga.Mababa lang kasi ito na
pwedeng maakyat naming mga mata.
"Oy baba kana dyan Jm mamaya mahulog ka
e".utos ko sakanya.Kahit kailan ay mahilig
talaga itong umakyat sa mga puno dito sa
paligid ng ampunan.
"Oyyyy andyan na si SUPERMAN yehey!"
Sigaw ng mga bata dito sa playground at
tumakbo papunta sa loob ng bahay-
ampunan.
Tumakbo na rin kaming tatlo
papasok.Medyo umaambon na kasi.Sabi nga
pala nina mommy kanina,may bagyo daw na
paparating ngayon.