My Pervert Ghost Girlfriend
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
Kakatapos lang ng fireworks pero si Khira ay
wala pa rin.Saan na naman kaya nagpupunta
ang multong 'yon?alam kaya niya ang
umuwi?haist!naglalakad na kami pabalik sa
sasakyan.
"Kuya, ang ganda pala dito sa Maynila noh?
at ang ganda pala ng fireworks.Dati kasi ay
sa tv ko lang 'yon nakikita".sabi nitong
batang babae.
"Oo nga e,ang ganda,tapos 'yong sa ferris
wheel at sa skating skating, ang galing
nila".dagdag din ng lalaki.Kanina kasi ay
pumasok pa talaga sila do'n sa skating area
at nakipaghabulan pa sa mga bata.Lagi nga
silang nadudulas e.
"Tatay?salamat pala ha"sabi ng babae.
"Oo tatay,salamat po ha,dahil sa'yo natupad
na namin ang pangarap namin."masayang
sabi ng batang lalaki.Nakakatuwa naman
kapag ganito.
"So, paano 'yan?pwede na kayong umalis?or
umakyat sa taas?"tanong ko sa kanila.Ewan,
bigla nalang akong nalungkot.
"Siguro po,depende!".nakahawak kamay pa
ang dalawa habang naglalakad.
"Ano ba ang ibig ninyong sabihin?"
"Si bro lang po ang bahalang mag dedecide
tatay, kung hanggang kelan kami dito sa
lupa".inosenteng sagot ng batang babae.
"Oh hijo, ayan na pala si Khira oh!"turo ni
sister.Makasalubong namin si Khira at
tang'ina,sino na naman yang kasama niya?at
nakahawak pa siya sa braso nito.
"Sino 'yan Khira?"galit na tanong ko.Bakit ba
parang ang saya ata niya?
"Hmp!wala kana dun".sagot niya sa akin.
"Tang'na naman! sasagutin mo ako o
hindi?"galit na sabi ko.Mabuti nalang at
konti lang ang tao dito.Wala din akong
pakialam kung nagmumukha na akong baliw.
"Boyfriend ko.Si superman" proud na sagot
niya.
"Hi pare."nakangiting sabi ng lalaki.Mukha
namang magsasaka 'to,may putik pa ang
mga paa.Mukhang kagagaling lang sa
pagtatanim ng palay.
Hindi ko na pinansin ang lalaki at naiinis na
pumunta sa parking lot.Ewan, pero aaminin
ko, nagseselos ako.May itsura naman kasi
ang lalaki at makisig din. Magkaedad lang
ata kami nito.
Tahimik lang ang dalawang bata na nakaupo
sa backseat kasama si Khira at ang boyfriend
daw niya.Si sister ay dito sa frontseat na
katabi ko.
Kanina lang,ayaw niyang paupuin si sister
dito,pero ngayon ay siya pa talaga ang nag
offer ng upuan dito sa harap para kay
sister.Para lang makasama ang lalaking
magsasaka?
Naiinis ako!lalo pa at pareho silang multo.
"Ang pogi mo naman superman".napa preno
ako.Paano kasi,nakita ko na niyayakap niya
ang katabing lalaki.
"Magalit ang boyfriend mo".todo ngiti na
sabi ng magsasaka.
"Hmp!si sister ang gusto n'yan, hindi
ako".pwede bang pumatay ulit ng patay?
sumusobra na ang babaeng 'to e.
Pagkadating namin sa bahay ay naabutan ko
si Dina.
"Hi babes" bati niya,sabay halik sa aking mga
labi.Nakita ko si Khira,nakasimangot lang.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"nagtatakang
tanong ko.Hindi naman siya pumupunta dito
sa bahay,pero bakit ngayon ay nandito ang
babaeng ito?
"Wait lang Dina,maliligo muna ako.Dito
kalang" paalam ko at pumanhik na sa
taas.Pagtingin ko sa veranda ay nakita ko
ang mga bata sa baba kasama si Superman
na nagtatanim ng mga puno sa garden,si
sister naman ay masayang nanonood sa
kanila.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako
sa banyo.
"Anong ginagawa mo dito
Dina?".nagtatakang tanong ko sakanya nang
paglabas ko ay nakaupo siya sa kama.
"Bakit may masama ba langga?"mukhang
kilala ko 'to ah.
"Khira,ano ba! lumabas ka nga d'yan sa
katawan ni Dina!".galit na sabi ko sakanya.
"Hmp ayaw,dito nalang ako para pwede na
tayong mag churva- churva habang
buhay".lumapit siya sa akin at siya mismo
ang kusang humalik sa mga labi ko.Gusto ko
siyang itulak palayo pero hindi ko kayang
magawa.Hinapit ko siya sa bewang para mas
madiin ang paghahalikan namin.
Bakit ganito?katawan naman ito ni Dina
pero bakit iba ang pakiramdam ko?totoo
pala na kahit katawan man 'to ng iba,ay
nakikilala parin ng puso ko si Khira.hindi
totoong physical na attraction lang ang
nararamdaman ko sakanya.
Nagmamadali kaming naghubad ng
damit,lalo na siya.Halatang sabik na sabik sa
akin.Ang mga kamay niya ay kung saan-saan
na naglalakbay at pinipisil ang abs ko.
"Khira wait, hindi pwede".tinulak ko siya at
nagbihis.Wala na din akong pakialam kung
nakahubad ako sa harap niya.
"Bakit hindi pwede?andito na oh,nasa
katawan na ako ng tao huhuhu bakit hindi
pwede Jam?nagmahal ako ng iba..pinilit
kong mahalin si Superman pero hindi
e,huhuhu ikaw talaga ang laman nitong lintik
na puso ko".sabay turo sa dibdib niya
habang umiiyak.
"Khira makinig ka ha,kapag may mangyari sa
amin ni Dina, siya ang mabubuntis at hindi
ikaw. Katawan niya 'yan e."pag eexplain ko
sakanya.Hindi ko kayang pakasalan ang
katawan ni Dina dahil hindi naman siya si
Khira.Hindi habang-buhay ay manghiram
lang siya ng katawan ng iba.Magsasalita pa
sana ako nang may narinig kaming parang
nababasag sa baba kaya dali-dali akong
lumabas.
"Shit!sino ang may kagagawan nito?
sino?"galit na sigaw ko.Ang isang cabinet na
puno ng figurin na collection ni mommy ay
natumba at nabasag ang lahat ng laman.
Ang dalawang bata ay tahimik lang at
nakayuko.Siguro nabasag nila habang
naglalaro kanina.
"Wala na ba talaga kayong gawin sa buhay
ko kundi puro ka bwesitan?Pwede ba umalis
na kayo?kayong dalawang bata,lahat ng
gusto ninyo ay naibigay ko na,kaya pwede
na kayong lumayas sa bahay na'to lalo na sa
buhay ko.Namemerwesyo na kayo sa
akin".sobrang galit na ako.Mahal kasi ni
mommy ang mga figurin, dahil sa ibang
bansa pa niya binili.
"Naku hijo,tama na.Natatakot na ang mga
bata".saway ni sister na katabi si Superman
daw.
"Isa kapa sister,ikaw ang mas matanda kaya
ikaw ang dapat na magdisiplina sa
kanila.Hindi 'yong e kunsinti mo pa ang mga
kamalian nila" pati si sister ay
napagbuntungan ko na ng galit.
"Ano ba ang nangyayari dito?".nagtatakang
tanong ni Khira habang pababa ng hagdan.
"Ikaw din Khira,wala ka ng ginawa sa buhay
ko kundi ang mang bwesit.Pwede ba
lumayas na nga kayo.Gusto ko na ng tahimik
na buhay".lahat sila ay halatang nagulat sa
mga sinabi ko at sa lakas din ng
pagkakasigaw ko.
"Yun ba talaga ang gusto mo Jam?ang
umalis na kami at hindi pa magpakita pa
sa'yo?".malungkot na sabi ni sister.Si khira
naman ay umiiyak na tumakbo palabas dito
sa bahay.
"Oo, at sana bukas, paggising ko ay wala na
kayo sa harap at paningin ko!".umakyat na
ako sa taas.Si Dina pala, kailangan ko pang
bihisan 'yon bago magising.