Chapter 9I was in the meeting ng makatanggap ako ng tawag mula kay daddy.
"I'm in the meeting dad, what is it?"
"Go to manila right now, use the helicopter"
"What? Wait dad what's happening?"
"Si Ivan-"
"What happened to him?" Napatayo ako ng banggitin niya ang pangalan ni Ivan.
"His in critical condition right now baby!" He said. Para akong namanhid dahil sa sinabi niya.
"No!"
"Go to the rooftop now,Ryan is waiting for you. Take care !"
Nang mawala si daddy sa linya ay agad kung kinuha ang bag ko at nagmamadali akong lumabas ng conference room.
"Ma'am-"
"Ikaw na munang bahala dito, I need to go to manila". Sabi ko sa secretary ko at tumakbo ako papuntang elevator at nag pahatid ako sa rooftop.
Dad is right, kuya Ryan is waiting for me, agad akong pumasok sa helicopter. Walang tigil ang Pag alpas ng luha ko habang nasa byahe.
Subra subra ang kabang nararamdaman ko at natatakot ako ng subra.
Hindi nag Tagal ay lumapag ang helicopter sa rooftop ng hospital namin, tinulungan akong makababa ni kuya Ryan at patakbo kaming bumaba ng hagdan.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makita ko si daddy at mommy nasa labas sila ng ICU.
"Dad, mom where's Ivan?"
"His in coma right now baby!" Niyakap ako ni mommy kaya mas Lalo akong napaiyak.
Two days from now Sana ay lilipad kami papuntang London, kaya nag paalam siyang pupunta muna ng manila para pumunta sa isa niyang project bago kami umalis.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni mommy at napatingin ako sa pinto ng ICU kung saan nakikita si Ivan.
"You can go inside anak". My mom said.
Pumasok ako sa loob ng ICU after kong mag bihis at Lalo akong naiyak ng makita ko ang itsura ni Ivan. Ang daming sugat ng mukha niya at braso Pati kamay niya may mga sugat.
"H-hun " halos hindi ako makapag salita, subrang sakit makita ang taong mahal mo na ganito ang kalagayan.
Fighting hun! Please.
"Anak" sinalubong ako ni mommy at naupo kami sa malapit na waiting area.
Nagulat ako ng may inabot si mommy na isang maliit na box.
"Ibinigay yan samin ng mga pulis kanina. Ivan is going to proposed to you sana!".
Naiiyak na binuksan ko ito at tumambad sakin ang isang magandang engagement ring. It's a simple ring but it's really beautiful and elegant look.
"Mukhang gusto niyang mag proposed bago kayo pumunta ng london or balak niyang doon mag proposed".
Hindi ako kumibo at nanatili akong nakatitig sa singsing, kinuha ko iyon at dahan dahan na isinuot sa daliri ko. Pinahid ko ang Luha sa mga mata ko bago ako tumingin sa pinto ng ICU.
Hindi ako pwedeng maging mahina sa ngayon, kailangan kong maging malakas at magiging tatag for him.
_______
"Emerald anak, mag pahinga ka muna ilang araw ka ng walang tulog". Sabi ni mommy sakin.
Nanatili akong nakatitig sa walang malay kong boyfriend. Nasa ICU pa rin siya at wala pa din bago sa kondisyon niya.