Chapter 12"Oh! May maganda pala akong bisita!" Nakangising bungad sa kanya ni Eric.
Naupo ito sa kanyang harapan at nangalumbaba sa lamesang nasa harapan.
"Balita ko magaling na daw ang fiance mo! May siyam na buhay ba siya?" Tumatawang sabi niya.
"Why did you do that?" Kalmado niyang tanong sa kaharap.
"Kasi gusto ko! Nag-iinit talaga ang ulo ko sa lalaking yon alam mo ba yon?siya ang sumira sa lahat ng pangarap ko at ngayon nandito ako dahil sa kanya!"
"Kapag nag karuon ako ng pagkakataon na makalabas dito ay papatayin ko siya -"
Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla niya itong sampalin ng malakas.kanina pa siya nag titimpi sa lalaking kaharap.
"I will make sure na dito ka mabubulok,hindi ako papayag na makalaya ang isang katulad mo! Tandaan mo yan!"
Humakbang siya paalis ng marinig niyang mag salita ang lalaki.
"Wag mong hahayaan na mawala sa paningin mo ang fiance mo! Nakaligtas siya nung una pero baka sa susunod ay hindi na! Kasalanan ng lalaking yon kung bakit nasira ang buhay ko pati negosyo ng pamilya ko ay nawala dahil na din sa pamilya mo! Kaya kong sayo lagi mong bantayan ang mahal mo sa buhay!" Tumawa ito matapos na sabihin ang mga yon.
Hindi na siya lumingon pa at tuloy tuloy siyang lumabas hanggang sa makapasok siya sa sasakyan.
"Alis na po tayo ma'am?"
"Opo"
Nang umandar ang sasakyan ay agad niyang tinawagan ang nobyo.
[Hello Hun?]
"Nasaan ka po?"
[Nasa site ako baby]
"Pupunta ako diyan, sabay tayong mag lunch"
[Okay baby,hintayin kita sa labas]
"Okay".
Nang mawala ito sa kabilang linya ay agad siyang nag pahatid sa site para puntahan ang nobyo.
Tahimik lang siya sa byahe hanggang sa makarating siya sa site. Nang huminto ang sasakyan ay agad siyang bumaba at nag lakad papasok.
"Baby" Tawag sa kanya ng nobyo.
"Hi,hun" niyakap niya ito." Lunch na tayo?"
"Sige". Sagot nito at hinawakan siya sa bewang at sabay silang nag lakad papunta sa nakaparadang sasakyan.
"Hun, uuwi kaba sa batangas mamaya?"
"Hindi po, bukas pa ako ng gabi uuwi e" sagot nito at hinarap siya." Why? Something wrong?"
"Can I stay with you hanggang makauwi ka ng Batangas?" Paglalambing niya rito.
"Something bothering you?" He ask kaya tumango siya.
"Natatakot akong mawala ka sa paningin ko"
"Because of Eric?" Tanong nito kaya napatingin siya rito. " Alam kong pumunta ka ron! Why did you do that? Pano kong may ginawa siya sayo!".
"Okay naman ako, I'm just worried na baka tutuhanin niya yong pagbabanta niya."
"Stop worrying hun,hindi niya ako magagalaw or kahit sino satin hindi ako papayag!"
"Alam ko naman e, pero nag aalala pa rin ako!"
"Tingin mo ba papayag si tito kavin na meron pa siyang masaktan isa satin? Hun, hindi ko lang sinasabi sayo pero alam kong may nag babantay sakin at sa pamilya ko 24/7 because of your dad." Hinawakan nito ang kamay niya.