Chapter 10"Hana"
"Yes ma'am?"
Inabot ko sa kanya ang mga folder na pinapirmahan niya sakin.
"May schedule ba ako bukas?"
"Opo ma'am,lunch meeting po yon with the investors and nakapag pa reserved na din po ako sa restaurant for tomorrow "
"Thank you Hana ".
"Si sir Ivan ma'am kumusta na po siya?"
"Hindi pa rin siya nagigising! I'm so worried about him "
"Kausapin niyo lang siya ng kausapin ma'am,naririnig po kayo niyan!"
"Yeah"
"Ay sige po ma'am aalis na po ako"
"Okay, call me if you need anything "
"Opo"
Nang makaalis si Hana ay nilapitan ko si Ivan.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon."Hey, wake up tama na ang beauty rest subrang gwapo mo na e".
Mula ng nailipat siya sa private room ay dito na ako natutulog ako ang nag babantay sa kanya 24/7.
Dito na din ako nag tatrabaho, dinadala lang ni hana ang mga papeles na kailangan ko.
"I miss you so much hun " I'm crying again.
Naiiyak ako kapag naiisip ko ang nangyari sa kanya.
Under investigation pa rin ang nangyari sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang tunay na may ari ng kotseng bumangga sa kotse ni Ivan habang nakaparada ito sa tapat ng isang flower shop.Sa kuha ng cctv na malapit sa area na yon ay kitang kitang na sinadyang banggain ang sasakyan ni Ivan at sa subrang lakas nun ay muntik ng tumaob ang kotse niya.
Nakuha man namin ang cctv footage ay hindi naman namin malaman kong sino ang nag mamay-ari ng kotseng iyon dahil hindi registered ang plate number.
"W-water "
Napakurap ako ng marinig ko ang mahinang boses na iyon.
"Hun?"
"W-water please"
Mabilis kong kinuha ang tumbler ko na may straw at itinapat iyon sa bibig niya, halos maubos niya ang laman nitong tubig!.
Agad naman na dumating ang doctor ni Ivan ng pindutin ko ang emergency button.
Pinanuod ko lang siya habang tinatanong siya ni doc, nakatayo lang ako sa may gilid ng kama while looking at him.
"Well, you're totally fine. Wala namang problema maayos naman ang vital signs mo. You need to rest and eat healthy foods."
"Thank you doc " mahinang sabi ni Ivan.
"Don't mention it, so pano I'll go ahead ha! Mag pagaling ka".
"Thank you po doc " sagot ko at tumango naman siya sakin.
Nang makaalis si doc ay nanatili akong nakatayo sa gilid ng kama. Natatakot akong lapitan si Ivan sa dahilang hindi ko alam.
Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay iniikot ang tingin sa buong silid.
Gustong gusto kong umiyak hindi ko kasi alam kong anong gagawin ko,natatakot talaga ako.
"Hey" biglang sabi ni Ivan kaya napatingin ako sa kanya. " Come here " tinapik niya ang space ng kama.
Dahan dahan kong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. At dahil medyo na adjust na ang bed niya ay bahagya na siyang nakaupo.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig siya doon.
"Bagay talaga sayo" bulong niya sabay haplos sa engagement ring na suot ko.
Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya,mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak ako ng umiyak.
"I miss you so much love". Umiiyak na sabi ko at ramdam ko na hinahaplos niya ang likod ko.
"Sorry kung pinag alala kita! I miss you more baby". Sabi niya kaya mas lalo akong naiyak.
"Thank you for coming back!"
"I'm always coming back to you mahal ko".
"I'm so worried about you hun, akala ko iiwan mo na talaga ako!" Niyakap niya lang ako ng mahigpit hanggang sa marinig ko ang pag bukas ng pinto.
Sina mommy ang pumasok kasama si tita ang kapatid ni Ivan na si Alex.
"Anak! Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo ha?". Tita Amalia is crying.
I'm happy watching them, alam kong subra din silang nag alala kay Ivan pati na din ang parents ko.
Hinayaan ko muna silang kumustahin si Ivan hanggang sa lapitan ako ni mommy.
"Baby, can we talk?"
"About saan mom?"
"Babalik ka sa pagkakaruon ng bodyguard".
"What? Why?"
"Hindi sinabi sakin ng daddy mo ang buong detalye, mag usap usap daw Pag balik niya ".
Nasa London kasi si daddy kasama si kai, ilang araw na siya don at hindi ko alam kong kailan sila babalik.
Sanay naman ako na merong bodyguard e, but that's was before. Simula kasi nung nag college ako hanggang sa magtapos ako ay wala ng nakabantay sakin. Well hindi naman talaga sila nawala e. Alam kong pinapabantayan pa rin ako or kami ng mga kapatid ko. Knowing dad hindi siya basta basta susunod sa mga request namin sa kanya.
Tuluyan lang akong nawalan ng bantay ng maging kami ni Ivan.
But now mukhang babalik sa dati dahil sa nangyari sa kay ivan."I think dad have an idea kung sino ang may kagagawan ng nangyari kay Ivan".
Same ba tayo ng iniisip dad?