Chapter 11

4 1 0
                                    


Chapter 11

Lumipas ang mga araw at tuloy pa rin sa pagpapagaling si Ivan. Nakalabas na siya ng hospital at naka uwi na din siya sa bahay nila.

"Hi ate Em"

"Hello Alex, ang kuya mo?"

"Natutulog po,kakatapos niya lang po uminom ng gamot e! Akyat na lang po kayo sa kwarto niya ate."

"Thank you, uh here pala oh pasalubong! Ahm si tita pala nasaan?"

"Salamat po dito, si mama po kasama po ni ma'am Nica ate " kinuha ni Alex ang dala kong box.

"Oh! I see, sige akyat na ako ha?"

"Sige po".

Umakyat ako sa second floor ng bahay at pumasok sa kwarto ni Ivan, simple lang ang room niya at sakto lang din ang laki nito. Pero malinis at maaliwalas tapos nasa ayos lahat ng gamit.

Lumapit ako sa kama at naupo ako sa gilid nito, Dahan dahan kong pinag landas ang daliri ko sa kanyang mukha bago ko siya ginawaran ng magaang halik sa labi dahilan para magising siya.

"Baby?" Paungol na sabi nito kaya ngumiti ako sa kanya.

"Hi"

"Kanina kapa?"

"Hindi naman,kakarating ko lang! How are you hun? Hindi na ba sumasakit ang paa mo?"

"Hindi na po, I'm okay na pwede na nga akong Bumalik sa trabaho e. Kaso ayaw pa ni mama at tito kavin tapos Sabi ni tita nica mag pahinga daw ako!"

"Yon naman talaga ang dapat mong gawin ang mag pahinga at mag pagaling! "

"I miss you " bulong nito at niyakap siya" ang boring dito sa bahay e!"

"Kasi hindi ka sanay na walang ginagawa kaya ka naboboring "

Hinaplos ko ang kanyang pisngi, wala na ang mga galos niya sa mukha pati sa ibat ibang parte ng katawan niya ay nawala na din. Bumalik na sa dati ang balat niya.

Tama ako ng pumasok sa isip ko na posibleng may kinalaman si Eric sa nangyari kay Ivan.

Siya mismo ang bumangga sa kotse ni Ivan ng araw na yon! Gusto ko man siyang kausapin pero hindi pa ako ni daddy pinapayagan na makalapit sa kanya hanggang sa hindi pa ako kumakalma.

Baka kasi Kong anong magawa ko sa lalaking yon kapag nakita ko. Muntik na akong mawalan ng minamahal ng dahil sa kanya kaya baka hindi lang sapak ang abutin niya sakin.

He's in jail now pero hindi pa rin ako kampante, kilala ko si Eric hindi talaga siya basta basta magpapatalo dahil taon na ang lumipas mula ng maudlot ang panliligaw Niya sakin ay hindi pa rin siya tumitigil.

"Hey?"

Napakurap ako ng hawakan ni Ivan ang mukha ko.

"What are you thinking?" He ask me.

"Wala naman po, hun can I sleep here tonight?" Lambing ko sa kanya at agad naman siyang tumango.

"Pero paalam muna tayo kina tita"

"Tatawag ako sa bahay mamaya, saka nasa legal age na tayo hun, para ka namang bata e!" Natatawa kong Sabi sa kanya.

"Alam ko naman na nasa tamang edad na tayo baby, Pero kasi I have promise sa parents mo diba po. Baka anong isipin nila".

"We're engaged na nga e !" Nakanguso kong sabi sa kanya kaya natawa naman siya at kinuha ang kanyang cellphone.

[ Hello, tito? Ahm! Magpapaalam lang po sana ako kung pwede pong matulog si Em dito sa bahay po namin?]

You're The One For Me Where stories live. Discover now