Chapter 4
Hila hila ko si Ivan hanggang sa makarating kami sa pwesto namin ni iris kanin. Pero wala na doon ang kaibigan ko dahil abala na ito sa Pag lalaro ng golf.
Napatingin ako Kay ivan na hanggang ngayon ay tulala pa rin, namumula ang buong mukha at tenga niya pati na din ang kanyang leeg.
"Okey ka lang?" Tanong ko sa kanya pero tiningnan Niya lang ako na para bang ang laki ng kasalanan ko.
"What? Tititigan mo na lang ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"W-why did you kiss me? First kiss ko yon? Ninakaw mo panindigan mo yon!"
"If that's you're first kiss edi pareho lang tayo " Saad ko at naupo. " But I don't believe you na first kiss mo yon, hindi ka man lang ba nagka girlfriend?"
"Busy ako sa Pag aaral at sa Pag buhay sa pamilya ko. I don't have time para sa Ganyan " sagot Niya sakin at naupo sa tabi ko..
"So it's true that I'm your first kiss?" Tanong ko sa kanya at nahihiya naman siyang tumango. Cute
"Are you mad?" Tanong ko muli sa kanya at mabilis naman siyang umiling. " I am not saying sorry for kissing you then."
"Do you like me?" Deritso niyang tanong kaya tumitig ako sa kanya.
"What if yes, anong gagawin mo? "
"Kahit kailan hindi pwedeng bumaba ang langit sa lupa, ang langit ang mga bituin at ang buwan mananatili Silang nasa taas at never bababa sa lupa, at ako ang lupang yon na habang buhay na titingala sayo "
"Are you rejecting me Ivan?"
"No! I'm just saying the truth "
"Kaya kong bumaba sa lupa at kaya kitang kunin kung gugustuhin ko."
"Emerald -"
"What is this? Bakit parang ako ang nag coconfess ng feelings ko sayo?" Asik ko sa kanya kaya napayuko siya.
"Ang cute mo Alam mo ba yon?" Sabi ko kaya naman napaangat siya ng tingin.
"Relax will you, di naman kita agad pakakasalan but always remember that you are mine " dagdag ko na ikinangiti niya.
"P-pwede kitang ligawan?" Bulong niya.
"What? Wala akong marinig!"
"Can I court you?"
"Ikaw bahala " tumayo ako at mabilis na tumalikod at nag lakad ako palayo sa kanya.
Anong kape ba ang ininom mo emerald bakit ang tapang mo? Gaga!!
"Wait Hun" napahinto ako ng marinig ko ang itinawag Niya sakin. " Hun?" Ulit Niya Pero diko siya pinansin." Uyy hun?"
"What?"
"Wala naman Hun" he tease me kaya muli akong nag lakad Pero hinabol Niya ako at hinawakan sa Kamay.
"From now on yon na Tawag ko sayo, is that okey hun?" Malambing niyang tanong sakin.
Hindi ako nakapag salita dahil sa lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa lalaking kaharap ko. Sa subrang lambing ng boses Niya ay ramdam ko ang mga paru paru sa tiyan ko.
"Hun?"
"What?"
"Is that okey?" Tumango ako kaya naman ngumiti siya at hinawakan ang Kamay ko. " Ahm, uuwi kana ba? Hatid na kita "
"Ahm! No! Mag lalaro ako ng golf. Wala Kang work? "
"Sabi ng dad mo day off ko today e"
"Okey, come on let's play "