Chapter 8

9 1 0
                                    

Chapter 8

Maaga akong umikot sa manggahan namin to check everything. Harvest ngayon kaya naman kailangan kong umikot dito ng maaga.

"Sir, ready na yong mga mangga na dadalhin sa resort" Sabi ng isang tauhan kaya naman sinipat ko ang mga mangga na nasa basket.

"Pati po pala yong mga buko sir isasabay na rin ho namin sa Pag deliver "

"Sige, salamat  po "

Three years ago ng mag simula kaming maging supplier ng EHAR. Mula sa fresh mango nasundan ng buko at fresh pineapple.

It's a big opportunity para sa pamilya ko ang ginawa ni tito kavin na kunin kami as new supplier kahit na marami namang mas malalaking farm compare samin. Mas gusto kasi ni tito kavin na personal niyang kilala ang mga supplier ng resort.

Bukod dito sa resort sa batangas ay nag hahatid din kami ng mga prutas sa emerald hotel sa maynila Pati na din hospital na Pag aari ng pamilya ni tita nica.

Matapos kong personal na ayusin ang mga idedeliver  na prutas ay nag tungo naman ako sa bayan to buy flower bago ako pumunta sa bahay ng mga Santillan.

Dala ang binili kong bulaklak for my Hun ay nag drive na ako papunta doon, madali lang naman akong nakarating dahil hindi naman ito kalayuan sa bayan.

"Gandang Umaga sir Ivan " bati sakin ni manong guard ng pumasok ang kotse ko sa mataas na gate ng mansion.

Ipinarada ko ang sasakyan sa malawak na garahe ng bahay bago ako bumaba dala ang binili kong bulaklak ay nag lakad ako papasok ng bahay.

Kung mabilis kang mapagod ay talagang mapapagod ka habang nag lalakad sa hallway papasok ng bahay galing garahe.

Nang makarating ako sa nakabukas na pinto ay agad kong nakita ang napakaganda kong girlfriend. Naka pantulog pa ito at mukhang katatapos lang mag almusal.

"Hun" Tawag niya sakin at kaagad itong tumakbo at yumakap sakin.

"Morning hun, here for you " inabot ko sa kanya ang binili kong bulaklak at nakita ko namang namula ang maputi niyang pisngi.

"Thank you " dinampian niya ako ng halik sa labi bago ako hinila papuntang kitchen area.

"Mom, Ivan is here"  nakita ko naman si tita Nica na nag aayos ng cupboard nila at agad itong ngumiti sakin.

"Good morning po tita nica" nakipag beso ako sa kanya bago ko inabot ko ang dalang cupcake na binili ko kanina.

"Thank you Ivan" matamis siyang ngumiti at inilagay ang box sa counter.

"Si tito kavin po pala?"

"Maagang pumunta ng planta to check the wine packaging, his waiting for you right?"

"Yes po tita, pupunta na lang po ako ng doon ngayon " tumango naman si tita.

"Sama ako, change lang ako hun"

"Sige po "

"Come with me "

"Ha?"

"Come on, parang takot na takot kang pumasok sa room ko !" Nakairap na sabi nito kaya napatingin ako Kay tita nica na tumatawa habang nag pupunas ng cupboard.

"Let's go, mom don muna kami "

"Sure baby"

Wala akong nagawa ng hilahin ako ni emerald paakyat ng hagdan at papasok sa kwarto nito.

"Upo ka muna diyan " utos niya sakin kaya naupo naman ako sa sofa. Pinanuod ko siyang ayusin ang dala kong bulaklak, inilagay niya iyon sa malaking flower vase at ipinatong sa glass table na nasa harap ko.

You're The One For Me Where stories live. Discover now