CHAPTER 5

27 3 0
                                    

Daisy Kambler POV:

Nandito kami ngayon sa field at kasalukuyang naka-upo sa ilalim ng puno habang nakasimangot akong nakatingin sa kasama kong umiinom lang ng chuckie habang nakasandal sa puno. Tagatak ang pawis niya sa laro kanina, ang galing niya pa rin talaga. Pero hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa harap ni Luke.

'Hindi pala mukha lang, talagang wala 'yang pakialam sa paligid niya, hmmp.'

"What's with that face?"

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kan'ya kaya tumingin siya sa'kin ng nagtataka.

I did not like what she did in front of Luke. What if Luke ordered his men to punish her? E 'di namatay na 'ko sa niyerbiyos kanina?!

Eh ito naman kasing si Lee eh, nasobrahan sa pagkawalang pakialam sa paligid.

"Imbecile."

Mas lalo akong sumimangot sa itinawag niya sa 'kin. 'Mukha ba talaga akong baliw? Hindi naman ah!!!'

"Ehh ikaw kasi eh! Kung ano-ano ang ginagawa mo!" kita kong nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko pero agad din naging blanko ang tingin nito sa 'kin.

"What did I do?" bored na tanong niya sa akin sabay inom ulit sa chuckie na iniinom niya. Adik talaga 'to sa chuckie, pareho na sila ng ugali ni Chuckie doll, ugaling demonyo.

"What did I do ka d'yan! Eh, 'yung sa pag-asta mo sa harap ni Luke lang naman po kamahalan," sarkastikong pagkakasabi ko sa kan'ya pero bagot lang niya akong binalingan ng tingin saka bumalik sa pagkakasandal sa puno at uminom ulit ng paborito niyang inumin.

"Luke?" nagtataka niyang tanong.

"Delikado ang inakto mo sa harap niya, alam mo ba 'yon ha?!!!" Naghehesterikal ko pang dagdag saka hinawakan ang balikat nito at niyugyog kaya natapon ang iniinom niyang chuckie. Oops...

'Did I just... wake her demon? Stupid Daisy.'

Nabitawan ko ang balikat nito saka dumistansya sa kan'ya. Mamamatay na siguro ako nang maaga, eh pa'no ba naman, kulang nalang ilibing na 'ko ngayon dahil sa sobrang sama ng tingin niya sa 'kin. Weird kasi itong babae na 'to eh, mawala na ang lahat 'wag lang ang paborito niyang inumin.

LUNOK.

Waaaaaaahhhhhh!!!!!

Daig ko pa si The Flash na umalis sa tabi niya at tumakbo papalayo sa kan'ya. Nang mapatingin ako sa banda niya ay hindi naman niya ako sinundan, nakatayo lang siya doon habang masama ang tingin sa gawi ko.

Huhuhuhu.... 'di ko naman sinasadya eh!

Tumigil ako sa pagtakbo at saka itinaas ang dalawang braso ko at pinagdikit ang palad ko at ibinaba rin ito saka nag bow ako sabay sabing.

"Sorryyyy!!!!!"

Nag-peace sign pa ako sa kan'ya para dama niya na hindi ko sinasadya 'tapos kong tumayo nang tuwid.

Pero nanatili pa rin ang masamang tingin niya at huli ko nang namalayan na tumakbo siya papalapit sa pwesto ko at nakalapit na siya sa akin. Napasigaw na lang ako sa gulat.

"WWAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!"

- - -

"Class dismiss."

Mabilis akong lumabas ng room nang marinig ang sinabi ni prof.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng classroom para puntahan si Lee. Kahapon pa niya ako hindi pinapansin ng dahil lang sa chuckie. OO! DAHIL LANG SA CHUCKIE!!

Her Mysterious VoiceWhere stories live. Discover now