CHAPTER 11

22 2 0
                                    

Sebastian Jace's POV:

'Kailan nga ulit ang birthday ko?'

Baka kasi hindi na ako maka celebrate dahil nararamdaman ko na ang nalalapit kong kamatayan. Nandito na kasi ang anak ni Satanas eh, sinusundo na ako.

'Nakuha mo pang magbiro sa kalagayan mo ngayon, Sebastian 'no?'

Napalunok ako ng mariin nang marinig ko ang nakakapangilabot at malamig nitong boses.

"Hey dude, he's asking you," narinig kong bulong ni Alistair sa akin habang mahinang tumatawa dahil sa sitwasyon ko ngayon.

"Alam ko gago, hindi ako bingi." Kinakabahan kong sagot sa kan'ya na pabulong pa rin. Takte, kailangan niya bang manakot ng gan'yan?

"What's up?"

Nabasag ang nakakatakot na tensyon nang may narinig kaming sumingit sa usapan namin.

Napatingin kami dun at nakita kong si Fricton lang pala.

"Hey, Fricton, help me out of here dude!! He is planning to kill me," sabay turo sa leader naming kanina pa pala nakatingin sa'kin ng masama.

Nakakatakot, kalma lang boss hehe.

"I see, so when when will you be buried then?" Walang pakialam nitong tanong sa akin bago umupo sa tabi ni Vander. Napatulala na lang ako sa sinabi niya.

"Seryoso tol, wala ka bang awa man lang sa akin? Talagang gusto mo nang mamatay ang pinakagwapo mong kaibigan?" Pagdadrama ko sa kan'ya kaya nandidiri siyang tumingin ulit sa akin.

"BWAHAHAHAHAHA dude, rest in hell na lang sa'yo, bawal ka sa langit eh, ang sama mo kasing nilalang," saka tumawa ulit ng malakas si Alistair. 'Ta mo, nagmamalinis amp.

"Fuck off dude, so disgusting." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Fricton dahil makikita mong diring-diri na siya sa pinaggagawa ko. Lt amp.

"Don't be like that to me babe-- aray!" naputol ang pagdadrama ko nang may bumatok sa akin.

"Gago, ano bang problema mo ha? Ba't nambabatok ka bigla diyan Vander ha?!!" Pasinghal kong sabi kay Vander na napairap na lang dahil sa akusa ko sa kan'ya.

"Ang ingay ingay mo kasi, saka anong planning to kill me ka diyan, may itatanong lang sa'yo 'yung tao, advance ka naman masyado," nakaupo na siya ngayon habang nakahalukipkip, masama ang tingin sa akin.

'Inggit lang ang mga 'to sa kagwapuhan ko eh.'

"Hindi mo ba nararamdaman ang awra niya ha? Parang papatayin na ako sa sama ng tingin niya sa akin. Magtatanong na nga lang ang sama pa tumingin, oh ano ha?! Gan'yan ba talaga magtanong ha?!" Pagdedepensa ko pa sa sarili ko habang nakaturo sa kinatatayuan ni Luke.

"Mamatay ka na talaga kapag hindi mo pa sinagot ang tanong niya sa'yo, Jace. Tsk tsk." Napailing na lang si Alistair habang nakatingin sa akin.

"What is happening, really?" Clueless na tanong ni Fricton sa amin at nang akmang sasagot na ako ay marinig kong nagsalita ulit si Luke.

Oo, si Luke ang leader naming anak ni Satanas dahil sa sobrang pagkademonyo kapag nagalit.

"Cut the nonsense, now talk Jace." Malamig nitong suway sa amin saka binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Kita niyo na, dito na talaga ako mamamatay.

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

"Well, you're right about the info you gave to me but I lost my track on her the moment I took off my gaze on her in a second bro. BROO!! IN. A. SECOND." Napaupo ako sa hingal saka nagpatuloy sa pagsasalita.

Her Mysterious VoiceWhere stories live. Discover now