CHAPTER 6

18 3 0
                                    

Ivianna Sandiova POV:

"You are."

Pfft. She's really cute. I want to pinch both of her cheeks but she's still talking to her.

"Hmmp, hindi nga sabi eh!" Naiinis na sabi ni Daisy pero blanko lang siyang tiningnan ni Lee.

Tahimik ko lang silang tinitingnan at nakikita ko kung paano humaba ang nguso ni Daisy habang humihingi ng tawad kay Lee daw. Samantalang tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ng kaibigan nito.

Naririnig ko pa nga kung ano ang sinasabi niya at mahahalata mo na kinakabahan siya. Bakit naman?

"L-lee, waaahhh! Sorry naman eh, 'di ko naman talaga sinasadya 'yun," sabi nito saka hinawakan ng dalawang kamay nito ay nakalagay sa braso ni Lee.

"The hell Daisy, let go of me." Malamig na sabi nito saka pilit na inaalis nito ang pagkakahawak ng kaibigan sa braso nito. Nagawa naman nitong maalis ang mga kamay na nakakapit sa kan'ya.

May nilapag si Daisy sa lamesa nito saka nagsalita. "Peace offering ko, hehe."

Tiningnan siya ni Lee saka ginulo ang buhok nito bago tumuloy sa pagkain. Ngumiti naman si Daisy sa ginawa nito sa kan'ya sabay sabi ng;

"Yehey! Thank you Lee!" parang bata niyang sabi.

"What do you think of her?"

Nabaling ang tingin ko kay ipis nang tanungin ako nito.

'What do I think of her? Hmmm.'

"Like what you've said, she's interesting," mahina kong sabi sa kan'ya saka tumingin ulit sa direksyon nila.

I want to know something about her identity. It keeps getting my curiosity, I know that curiosity can kill you but I can't help but to wonder.

"Where's your stick Iaina?"

Napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang malakas na boses na 'yun.

Pagkatapos kasi namin kumain ay lumabas kaagad ako ng cafeteria at dumiretso sa practice room ng billiard. Hindi ko naman alam na may tao sa loob nun, madalas ay ako lang ang pumupunta dito kaya nagulat ako nang may tao sa loob nung buksan ko ang pinto.

Napatingin ako sa banda niya at nakita ko itong nakaupo sa sahig habang naka-indian squat at tinatapon niya ang hawak na soccer ball sa itaas saka sinasalo. Nakatingin siya sa banda ko suot ang uniform ng soccer, white and black ang kulay. Ang buhok nito ay nakatali papusod na nagpadagdag sa kagandahan niya.

'Nakalimutan kong kasama ko pala siya.'

Nagtataka itong tumingin sa 'kin habang sinisipsip nito ang straw ng inumin niyang yakult. 'Teka, ba't ko ba nakalimutang dalhin 'yun?'

"Nasa locker ko, wala naman akong practice ngayon at saka wala akong gana," walang ganang sagot ko sa kan'ya.

She look surprised to my response to her.

"Wow, the MVP billiard player has no energy to practice billiard today? That's new," natatawang sabi niya sa'kin na siyang kinasimangot ko. "Eh, dati nga halos ikamatay mo na ang hindi pagpapractice tapos ngayon wala kang gana?!"

"Eh sa wala akong gana, at saka ngayon lang naman, 'wag kang oa diyan Xiandra."

"Bakit naman? May nangyari ba?" Umiling lang ako sa tanong niya. Nawala ako bigla sa mood, hindi ko rin alam ang dahilan. Kanina ko pa iniisip kung bakit kapag sinusubukan kong maghanap ng impormasyon tungkol sa kan'ya ay wala akong makuha.

Her Mysterious VoiceWhere stories live. Discover now