CHAPTER 8

29 2 0
                                    

Daisy Kambler POV:

Arghhh!!!

Pesteng hangover 'yan. Ang sakit ng ulo ko.

Napahawak ako sa ulo nang sumakit ulit. Naparami ata ang inom ko kagabi. Naglalakad ako ngayon patungong clinic para humingi ng gamot sa hangover. Iniwan kasi ako ng napakabait kong kasama sa bahay.

Add the sarcasm there, hmph.

'Hindi lang man ako hinintay. Kahit kailan talaga walang puso.'

Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang binabalanse ang sarili na 'wag matumba sa daan.

'Pero teka, kung wala siyang puso ibig sabihin dapat patay na siya! Eh bakit buhay pa siya?'

Sumakit lalo tuloy ang ulo ko sa kaiisip. Isang malaking peste talaga!

'Di kaya, multo 'yung kasama ko sa bahay?'

Waaaahhh!!!

'Ano ba Daisy! Kung ano-ano ang iniisip mo diyan eh, mukha bang patay na si Lee?'

Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakapagsimulang maglakad ay napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

"Do you need something?" Tanong ng taong nasa likod ko. Boses babae.

Waaaaaahhhh!!!! Gago multo! Ayaw ko sa multo!

Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng lab gown na may mantsa pa ng dugo. Hawak-hawak din niya ang isang injection sa kanang kamay niya habang nakapamulsa naman ang kan'yang kaliwang kamay sa bulsa ng lab gown niya. Naka messy bun ang buhok niya at may suot na round shape eyeglass. Matangkad at maputi rin siya. Idadagdag mo pang maganda siya na nakakatakot dahil sa itsura niya ngayon.

"Waaaahhhh! Multo! Multo! May multoooooo!!!" Naghehesterikal kong ani sa harap niya. Tila nataranta naman siya kaya agad niya akong hinawakan sa kamay.

Napaigtad ako sa gulat, gago.

"T-teka iha, huminahon ka nga, saka asa'n ang multo na pinagsasabi mo?" malumanay niyang banggit sa akin.

"I-ikaw ang multo! Minumulto mo ba ako? May nagawa ba akong masama? P-pero mabait naman ako eh! Huhuhuhu! Ni hindi nga kita kilala eh!" Tinuro ko pa siya habang umiiyak sa harap niya.

'Good girl kaya ako.'

Nang marinig niya ang sinabi ko ay napapoker face siya saka napahawak sa sintido niya. Mukha siyang stress sa lagay niya ngayon.

Napabuntong hininga muna siya saka tumingin sa akin bago magsalita.

"Ikaw talagang bata ka, ako multo? Eh kung injection-an kaya kita nang mabawasan 'yang mga kalokohan mo." Tinuro niya ako gamit ang injection kaya napaatras ako ng konti.

"Tapos ano pang sabi mo kanina? Hindi mo ako kilala?"nakataas ang kilay nitong tanong na siyang ikinanguso ko.

"Pektusan kaya kita nang makaalala kang bata ka, kaaga-aga pinepeste mo 'ko Daisy," napanguso naman ako lalo. Ang haba ng sinabi niya tapos sinermonan pa ako, sumakit tuloy lalo ang ulo ko.

"Eh kasi naman, ba't may mantsa ng dugo ang lab coat mo? Mukha lang namatay na doktora tapos minumulto ako," depensa ko pang saad sa kan'ya at tumingin naman siya sa damit niya.

Her Mysterious VoiceWhere stories live. Discover now