CHAPTER 9

27 3 0
                                    

Third Person POV:

Napailing na lang si Lee sa inasta ng kaibigan niya. Inubos na lang niya ang kinakain niyang ice cream saka dumiretso sa sala para i-off ang tv.

Agad din siyang napatigil agad nang maramdaman niyang nasa unang palapag na ang taong kanina pa niya hinihintay. Kanina pa niyang gustong tumaas pero mas pinili niyang hintayin itong bumaba.

Kaya bago siya lumabas ng kusina ay siniguro niyang kumuha siya ng maliit na kutsilyo at isinilid sa bulsa niya.

Naabutan niya ang lalaking nakaitim dahil sa suot nito-- na nakatukod ang kamay sa lupa dahil sa pagtalon niya galing sa bintana ng kan'yang kwarto. Sinamantala 'yun ni Lee at agad siyang sumugod.

Samantala, ang lalaki naman ay napainda sa sakit sa pagtalon niya. Hindi niya naman kasi inaasahan na mapapansin ang pagpasok niya sa bahay na nasa harapan niya. Akmang tatayo na siya nang bigla na lang siya ulit napadapa sa lakas ng pagsipa sa kan'ya mula sa likod.

Napaubo pa siya ng mahina. "Arghh."

Pinunasan niya ang bibig nito at nakita niyang may bahid na ito ng dugo. Nairita siya sa isipan niya. 'Ang lakas ng pagsipa ng kung sino mang gago ang sumipa sa akin sa likod, humanda ka sa aking hayop ka!'

Nang babangon na siya sa pagkakadapa ng may matulis na bagay na nakatutok sa leeg niya. Nakaapak din ang paa ng taong sumipa sa kan'ya sa likod nito at mas lalong idinidiin 'pag gumagalaw siya.

Gusto niyang bumangon, gusto niyang bumawi pero napakalakas ng pwersa na ibinibigay ng taong umaapak ngayon sa likod niya kaya mas lalo siyang napadaing sa sakit. Ramdam din ng lalaki ang makakakilabot nitong awra at hindi niya maiwasan na matakot.

Mas lalo siyang nakaramdam ng takot nang marinig nito ang boses na napakalamig at kulang na lang ay isipin na niyang sinusundo na siya ng sugo ni kamatayan.

"Scared already?"

'Yun lang ang sinabi nito pero talagang hindi niya maiwasan na isipin ulit kung tama ba na desisyon niya na tanggapin ang misyong ito.

Nakakapanindig kasi ng balahibo ang boses lalo na ang awra nito. Napalunok tuloy ito ng mariin.

"I was wondering who has the guts to enter my property and it turns out that it's just a rat of 'that' group."

Huminga muna ng malalim ang lalaki bago sumagot.

"H-how did you know?"

Napatawa ng mahina ang misteryosong babae bago ito sumagot sa kan'ya.

"You don't need to know."

Nagdadalawang isip tuloy ang lalaki kung itatanong niya pa ang katanungan na namumuo sa isip niya o hindi na. Masyado na siyang nadadala ng takot dulot ng babaeng nasa likuran niya.

Pero bago pa man niya mapigilan na sarili, nasabi na niya.

"Are you one of us?"

"No."

"You liar, fucking bit--" hindi pa natatapos magsalita nang sipain ulit siya ng taong nasa likod nito na siyang kinaubo niya ulit at napabuga ng dugo.

Naiinis na si Lee dahil napakaingay nito at baka makahalata si Daisy kaya tuluyan na niyang ginilitan ito sa leeg saka tinawagan ang isang kakilala niya upang linisin ang bangkay.

Pumasok na ulit siya sa bahay saka inayos muna ang sarili bago dumiretso sa kwarto nito. Naabutan niyang tila may inaayos ang kaibigang maingay sa loob ng kwarto niya, nakatalikod kasi ito sa kan'ya kaya hindi siya nito napansin. Hindi niya ring maiwasan ang magtaka kaya tinanong niya ito.

Her Mysterious VoiceWhere stories live. Discover now