Sorry matagal naupdate, continue supporting! Please do vote and comment! :*
Chapter 10
Jack's POV
"What the f*ck is happening on you bro? Babae ba yan ha? Hahaha. Sa wakas tinamaan na ni kupido ang puso mong bato. Hahahaha!" Tawanan nila sa sinabi ni Art.
Kinwelyuhan ko sya. Galit ako, at pag galit ako alam nilang wala dapat kumalaban sakin.
"Easy bro. Kilala mo naman ako, walang preno bibig ko." Sabi ni Art na parang natatawa pa.
Lalong humigpit ang hawak ko sa kwelyo nya ng awatin ako ng iba ko pang mga kaibigan.
Nandito kami sa bar ni Ed ngayon dahil nag aya ako, paano kasi galit ako sa nangyari kanina.
Sino ba kasi yung walang kwentang gagong yun?!
Flashback
"Pare, diba sabi niya bitawan mo sya!" Sigaw saking ng isang lalaki sabay tulak.
Sino ba ting gagong to!
Hindi ko sya pinansin at tiningnan ko ulit si Anne, umiiyak sya.
Hindi ko alam pero naguilty ako.
Hindi ako ito, hindi ako nakokonsensya sa mga maling bagay kong nagagawa pero iba to dahil seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko.
"Anne." Tawag ko sa kanya.
Hinawakan ko sya sa balikat kaya't akmang susuntukin ako nitong lalaking to pero pinigilan sya ni Anne.
"K-ken wag!" Sigaw nya. "Tara na Ken, tara na, hayaan mo na sya." Dugtong pa nya.
Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa pag aya nya sa gag*ng ken na yun paalis.
Umalis sila ng di man lang ako nililingon ni Anne.
Then dun ko lang narealize na nagpapakatanga akong magsorry sa wala. At bakit nga ba ako dapat magsorry? Hindi ako ito!
At sino ba sya sa akala nya, isa lang syang tangang tao na gumulo sakin.
Hindi dapat ako makonsensya, hindi dapat.
End of Flashback
"Pare, kung lovelife man yan, hindi ka matutulungan ng alak. Ayusin mo sarili mo at ayusin mo yang problema mo, hindi yung nagpapakalasing ka." Sabi ni Ed.
"Tang*na mo! Hindi to lovelife gago! Isang pesteng katangahan ko lang to." Sabi ko at nilagok ang alak sa harap ko.
"Sabi mo eh. Pero pare hindi yan madadaan ng alak, chicks lang yan! Hahaha." Sabi niya habang natawa.
"G*ago wag mo akong igaya sayo!" Sabi ko habang naiiling.
Maya maya lang ay umalis siya at pumunta sa dance floor, may nakita nanamang babae yun. Pati na rin ang iba kong kaibigan ay nandoon din na may kasayaw na babae.
Iba ako sa kanila, hindi ako babaero pero hindi din ako nagseseryoso.
May lumapit na babae sakin. Hindi ako natinag dahil hindi naman sya kagandahan.
"Are you alone?" Tanong nya.
"Nah." Sabi ko.
"Hard to get huh?" Sabi niya.
"Hindi din. Never been get and never will be owned." Sabi ko at umalis na si kinauupuan ko.
Nagtxt ako kay Ed na uuwi na ako dahil madaling araw na rin at alam kong nag aalala na si Chel sa akin.
Nakita ko rin na may sampung missed calls na ang kapatid ko, damn sisigawan nanaman ako noon.
Nag green light na at pinaharurot ko ang kotse ko ng magring ang cellphone ko.
09********* calling.
Unregistered number? Sino ba to?
Sinagot ko ang tawag.
"Hello. Sino to?" Tanong ko.
"..."
"Sino ba to? Madaling araw na nambubulabog ka pa! Joke ba to?" Tanong ko.
"Jack..."
Napapreno ako sa boses nya. Sht. Si Anne?
"A-anne?" Tanong ko.
"Oo. Uhmm, si Anne to. Ano kasi..." sabi niya.
"Bakit ka tumawag?" Tanong ko.
Saan nya nalaman ang number ko? Kay Chel?
"Ahh. Wala." Sabi niya at inend ang tawag.
"Dammit!" Sigaw ko.
Hinampas ko ang manibela sa galit.
Bakit pa sya tumawag?! Wala naman palang kailangan. T*ngina naman oh!
Tsaka bakiy ba ako nagkakaganito? This is insane!
Iniliko ko ang sasakyan ko at nagpunta sa pinakamalpit na bar.
Bahala na kung hanapin ako ng kapatid ko.
____________________________________
A/N: Sorry sa matagal na update!
XoxoMOTL
BINABASA MO ANG
Upside-Down
RandomThe Real Me series no.2. Anne Cruz is my name, known as playgirl. W...