Chapter 9- Say sorry.

24 0 0
                                        

Chapter 9

Jack's POV

"Wag mo akong kausapin. Hindi tayo bati." Sabi ni chel sakin.

T*ngina naman oh! Magkagalit parin kami dahil dun sa nangyari sa party.

At aaminin ko guilty ako sa nangyari.

Hindi ko din alam kung bakit pakiramdam ko ay mahalaga sakin si Anne.

Noong gabing yun, fck.

Flashback

"Well, Happy Birthday Jack. May you have a good party and a good night!" Sabi niya.

At nilapag nya sa may sink.ang cellphone ko at isang box.

"F*ck! Ano ba tong ginawa ko?!"  Sigaw ko.

Bakit pakiramdam ko dapat ko syang habulin at magsorry?

Kinuha ko ang cellphone ko doon sa may sink at hahabulin ko sana sya ng makita ko ang box na ipinatong nya din doon kanina.

Napahinto ako at kinuha ko iyon.

May ribbon ito. Regalo?

Binuksan ko yun at tumambad sakin ang isang note.

'Happy Birthday Jack, sorry about last time! Peace offering at

birthday gift ko na to para sayo!

-Anne- '

Yan ang nakalagay sa note at nakita ko ang isang personalize na bracelet pang lalaki na pwede ring anklet.

"P*tngina! Anong ginawa ko? Sht." At sinuntok ko na ang pader.

Put* kaylangan kong magsorry sa kanya sa mga nasabi ko.

Sht. Hindi ko sinasadya.

End of flashback

"Chel. Magsosorry na nga ako . Samahan mo ko kung gusto mo." Sabi ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa dining table at kumakain ng breakfast.

Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng party ko at pagkatapos ng nangyaring iyon.

"Huwag kang magsorry sa kanya dahil magkagalit lang tayo. Bahala ka! Nakakainis ka." Sabi ni chel at padabog na tumayo.

"Nawalan na ako ng gana." Sabi niya at padabog na umalis.

"Chelsy huwag kang bastos kumakain tayo!" Sigaw ko.

Pero narinig ko ang pagbukas ng gate at siguro pumasok na yun papauntang school.

Paano ba ang gagawin ko?

Hindi pa naman ako maalam magsorry! T*ngna! Bahala na.

Anne's POV

"Vacant ko na. Ikaw ba?" Sabi ko kay Chel.

Buong umaga puno ang schedule ko. Haist. Nakakastresa pala ang college life. Tama si ate, pero dapat kong ayusin ang pag aaral ko.

"May class pa ako Anne. Nakakainis naman! Gutom pa naman ako." Sabi ni chel at nagdabog.

"Ano ka ba! Sige na pumasok ka na sa klase mo at baka malate ka pa!" Sabi ko sakanya.

At yun umalis na din sya. Kaloka talaga tong si Chel. Masyadong isip bata. Hahaha.

Makakain nga muna. Nakakagutom.

Ang hirap hirap ng college. Jusme! Aral dito aral doon. Daming sauluhin.

"PUSANG KINALBO NG KABAYO!" Sigaw ko.

Ano ba yan! Nabangga pa. Nahulog tuloy mga libro ko.

"Anak naman ng putspa oh! Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo. Mag ingat ingat ka naman!" Sabi ko habang nililimot ko ang mha libro ko.

Noong una ay hindi niya ako tinutulungan pero tinulungan nya rin ako.

"Baka gusto mong mag so--" sabi ko.

Natigilan ako nang makita ko kung sinong nabangga ko.

Sa lahat naman ng tao, ikaw pa at ngauon pa talaga!

"Pambihira naman." Sabi ko.

Pabalag kong Kinuha sa kanya ang mga gamit ko at umalis sa harapan nya.

"Anne! Wait lang." Sigaw nya at hinawakan nya ako sa kamay ko.

Naalala ko bigla ang pagkaladkad nya sakin nung gabing yun, at hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at pumiglas ako sa pagkakahawak nya.

At naglakad ulit ako sa direksyon papuntang cafeteria. Please lang lord. Wag po ngayon, palayuin nyo sya sakin.

Pero hinabol nya parin ako ay hinwakan naman nya ako sa siko ko.

Napapikit ako ng mariin at pinipigilan ko ang luha ko.

"Bitawan mo ako." Sabi ko sa kanya ng pabulong.

Pero hindi nya ako binitawan.

Pumiglas ulit ako sa pagkakahawak nya at tatakbo na sana ako.

Nang bigla nyang hinapit ang bewang ko dahilan para mahulog lahat ng gamit ko at mapalapit ako sa kanya.

I stiffened.

Naramdaman ko ang kakaibigang kabog sa dibdib ko.

Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa buhok ko.

"Sorry. I am sorry. Please forgive me or else i'll be crazy. Mababaliw ako pag hindi mo ako pinatawad. Please Anne." Bulong nya sa tenga ko.

Hindi ko napigilan at tumulo na ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang alam ko...

Hindi ko dapat maramdaman to. This can't be, hindi pwede.

____________________________________

A/N: Ano yung hindi dapat maramdaman ni Anne? Continue reading and supporting! Please vote and comment!

I will just update this again pag may nagvote na and comment!

xoxoMOTL


Upside-DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon