Chapter 1
Anne's Pov
"Siguro 4 years ftom now, professionals na tayo, Ako i'll take over sa bakeshop namin plus siguro dentist na ako. Si Andrea naman, mamamana nya yung kompanya nila tapos doctor pa sya. Ikaw naman lia, dentist din. Si Aly, Architect tapos si Katrina, interior designer. Hay. Nakakainis magkakaiba tayo ng school. Walang kalimutan ha?" Sabi ko sa kanila.
"Ano ba namn Anne, ang drama mo. Gumraduate lang tayo eh. Tsaka pareho naman tayo ng school diba?" Sabi naman ni Lia.
"Langya. Ang drama mo, para namang mamamatay eh!" Sabi naman ni Aly, wait parang paiyak na sya eh.
"Eh bakit paiyak ka na ha! Si Aly, paiyak na!" And we all laugh.
"Mamimiss ko kasi kayo eh, nakakainis! Kailangan ko nanamang maging friendly sa papasukan kong school para may makasama ako." Umiiyak na sabi ni Aly.
"Aly, bibisitahin ka namin every month, okay ba yun? Wag ka nang umiyak." Sabi ni Andrea.
And yun nag-group hug na kami.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Andrea, kahapon kasi yung graduation kaya nagpaparty sya para saming lima, kasama yung families namin. Nagulat nga kami kasi may tigi-tigisa pa kaming tarpaulin, isama mo pa ang pagputok ng party pooper pagdating namin pati flowers at gifts na bigay ng Mommy nya samin. Iba talaga pag mayaman.
Oh, by the way highway, alam ko namang kilala nyo na ako pero papakilala ulit ako. I am Anne Cruz, graduate na ng high school, soon to be dentist, we own a bakeshop na pinapalago ng Mommy ko. My father is an Engr. Pero hiwalay sila ng Mommy ko. We are a broken family in short. Tatlo kaming magkakapatid, si Ate Joyce na panganay tapos ako and si John na bunso.
Kahit na hiwalay ang mga magulang ko pinalaki namn kami ng Mommy ko ng ayos.
Hindi din kami mayaman, tama lang.
"Hi girls! Are you enjoying the party?" Sabi ni Tita Leslie, mommy ni Andrea.
"Ofcourse Tita! Sobra nga pong bongga eh. Thank you po talaga!" Sabi ni Katrina.
"Yes tita, katrina is right we are really enjoying." Sabi naman ni Lia.
"That is good to hear, just call me if may kailangan kayo, i just need to rest. Medyo may jetlag pa kasi ako. Aright?" Sabi niya na mukhang antok nga.
"Yes tita! Tatawagan ka po namin pag ubos na yung mga pagkain at pag gutom pa po ako. Hihi." Sabi naman ni aly. Kahita kailan talaga si Aly. Haist.
Hindi ko naisip na mabilis pala talaga ang panahon at darating ang araw na ito ang matapos ko ang high school at ngayon magcocollege na ako.
"Anne! Madaming pogi sa UST naku tiba tiba ka nanaman, ang ganda ng view! Hahahah." Sabi ni Aly. Kahit kailan talaga hindi finifilter ni aly yung sinasabi nya.
"Uy Aly, nagbago na yang si Anne. Remember isang taon nang walang boyfriend yan e dati buwan buwan yata may boyfriend!" Sabi naman ni Katrina.
At lahat sila tumawa
"Magkakabago ulit yan sa Ust, baka maka sampu yan! Pustahan?" Sabi naman ni Aly.
"Ewan ko sayo Aly mga lima la--" sabi naman ni katrina pero pinutol ko ang sasabihin niya.
Hindi ko na kasi kaya.
"Tigil tigilan nyo nga ako! Kayo talagang dalawa porket bigo kayo sa lovelife eh ako ang nakikita nyo. Oo nagbago na ako alam nyo kung bakit? Kasi sa ating lima, kahit sabihin mo pang iniwan ka ng boyfriend mo katrina, nagtagal kayo. At ikaw naman Aly, ikaw ang nang iwan. Eh ako? Natanong nyo ba ako kung ayos lang ako nung mga panahong iniwan ako ng mga ex ko, hindi diba? Kasi ang sasabihin nyo 'yaan mo na Anne sanay ka nanaman diba' o kaya naman 'o sinong sunod na bibiktimahin mo Anne try mo kaya si ano yummy yun' ganyan naman kayo eh. Akala nyo naglalaro lang ako. Okay pwedeng lahat sila maaring nilaro ko , pero kahit papano lahat sila minahal ko pero hindi ko alam kasi iniiwan talaga ako eh. Wala talagang nagtatagal sakin. Sa ating lima ako ang laging kawawa. Lintek na pustahan yan nakakagago!" Nagwalk out na ako bago pa ako maiyak.
Paglabas ko ng gate nila, ayun pumatak na ang ulan kasabay ang pagpatak ng mga pesteng luha ko.
"Walangya!! P*tngina! Ang sakit sakit pa rin Ken! Ang sakit sakit parin!"
______________________________________
Please continue supporting! :)
xoxoMOTL

BINABASA MO ANG
Upside-Down
AcakThe Real Me series no.2. Anne Cruz is my name, known as playgirl. W...