Chapter 2
Anne's Pov
Shet. Traffic pa oh! Nagmamadali po ako!
"Kainis naman oh! Traffic pa. Bakit ngayon pa lord!" Sigaw ko at hinampas ko ang manibela.
Magiinquire ako ngayon sa UST kung anong kailangan na mga requirements sa pagpasok ko.
Nakapagexam nanaman ako at sa talino ko shempre eh natanggap ako. Ako pa?
Dala ko pa ngayon ang bago kong kotse, Audi A3 na black, graduation gift ni Mommy sakin.
Gusto ko sana ng Mazda na matte black ang color. Kaya lang yung ate ko umeksena at chinika nya sa nanay namin na ang safest car daw ngayon ay ang audi, kaya ang nanay ko ayun naniwala at ito ang binili.Jusme.
Pero maganda naman to kaya ayos lang. :)
*beep beep*
Ayy umusad na pala, nabusinahan pa tuloy ako.
Langyang yun, jusko po konti lang ang iniusad kung makabusina.
Nakakainis talaga sa Maynila. Haist.
Aly's Pov
"Paano tayo makikipagbati nyan kay Anne?!" Sabi ni Andrea na alalang alala.
Isang linggo na matapos yung nangyaring party at pag aaway namin at pag wawalk out niya.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Lia, at nag iisip kung paano makikipagbati sa bruha.
Aaminin ko may kasalanan ako pati din naman si Katrina! Eh.
"Kung puntahan kaya natin sa bahay nila sa Ayala? Tapos dalhan natin ng pagkain, yung paborito nya na red velvet crinkles, tayo na lang din ang magbake. Di ba Andrea hobby mo magbake? O tara na magbake!" Sabi ni katrina.
"Oo tama ka! Tara na dali! Sa bahay mo Andeng bilis!" Sigaw ko.
Pero kami lang yata ni Katrina ang sang ayon sa suggestion na.
"Hindi lang ganoon kadali na makipagbati dun, kilala nyo si Anne pag may ginawa sya pinaninindigan nya. Ginalit nyo sya at alam ko na nung araw ng party na nagwalk out sya, paninindigan nya na galit sya satin." Sabi ni Lia.
Naguguilty na lalo tuloy ako.
"Ako may kasalanan nito wh, kung hindi ko sya sinabihan ng ganoon di sana sya galit ngayon. Akala ko kadi joke joke lang lahat yun eh." Sabi ko sa kanila.
Naiiyak na talaga ako. Akala ko talaga kasi joke lang yun.
Nung naghiwalay kasi sila ni Ken Sales naging mailap sa lalaki sa Anne kung dati rati buwan buwan may boyfriend sya hindi na nung naghiwalay sila ni ken. Si Ken lang din aat ang lalaking tumagal kay Anne. 3 1/2 months ata. Oo matagal na yun sa lahat ng naging relasyon niya.
Naghiwalay sila dahil dare lang pala yung relasyon nila. Yung tropa daw kasi ni Ken dinare sya na ligawan si Anne at yun napasagot nya tapos naging sila sabi pa nung kaibigan ni Ken, 1 month lang pero pinatagal ni Ken para daw mas masakit.
Sa lahat ng naging bf ni Anne si Ken ang pinakaminahal nya ng sobra, alam ko yun.
Anne's Pov
*beep beep*
*beeeeeeep*
Aba lintik na to! Kanina pa ako binubusinahan ng hayop na to ah.
Paano kasi tuwing uusad eh pinagmamadali ako. Aba lahat naman kami nagmamadali.
Bumaba na ako dahil hindi ko na matiis. Kinopya ko muna yung platr number niya sa notepad sa cellphone ko at kinatok ko ang bintana nya.
"BUMABA KA DYANG HAYOP KA! KANINA MO PA AKONG BINUBUSINAHAN HA?! AKALA MO DI KO NAHAHALATA! ABA LINT---" natigil ako, binaba nya kasi ang bintana ng kotse nya at..
Shet. My gulay ang gwapo nya makalaglag panty ang mukha. Todo sa hottness. May abs kaya ito? Baka nam-- wait galit ako diba? Galit ako!
"Bakit kanina ka pa busina ng busina ha!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh, ang bagal mo kasi Miss! Nagmamadali ako!" Sabi niya. Aba sya pa ang galit.
"Lahat tayo nagmamadali! Wag kang nagmamarunong, akala mo kung sino kang makabusina! Sayo ba itong daan ha!" Sigaw ko ulit sa kanya.
"PASENSYA NA NGA DIBA! NAGMAMADALI NGA KASI AKO.Alin ba ang hindi mo maintindihan doon! Bobo." Sabi niya.
Nakita ko namang umusad na ulit ang traffic.
"NAINTINDIHAN KO ANG SINABI MO, HINDI AKO BINGI AT LALONG HINDI AKO BOBO! BAKULAW KA!" Sigaw ko at sinipa ko ang kotse nya.
Magkagasgas sana yun!
Pabalik na ako nang bigla syang sumigaw.
"PATAY KA SAKIN PAG NAGKITA ULIT TAYO! BAGo PA NAMAN TONG KOTSE KO! UNANO KA!" Sigaw nya.
Ako daw Unano? Aba lintik talaga to.
Sumakay na ako dahil medyo wala ng traffic at umusad na. Medyo maluwag na yung daan.
Patay din sya sakin pag nagkita ulit kami. Papatayin ko sya! Arggh.
Gwapo na sana eh. Mayabang at antipatiko nga lang! Haist! Ano kayang name nya?
____________________________________
A/N: A year after na po ito ng The Real Me. Graduate na sila ng High school. Sa ibang school po nag 4th year si andrea same date lang yung grad. Nila! Continue to support this! Thank you!
xoxoMOTL

BINABASA MO ANG
Upside-Down
De TodoThe Real Me series no.2. Anne Cruz is my name, known as playgirl. W...