LET Review Tip #6

71 0 0
                                    

More references, more chances of passing the exam.

Huwag kang magsettle sa isa lang. Hindi ito love life na kailangan ng loyalty.

As much as possible, kung may budget lang din bumili ng maraming review books sa iba't ibang publisher.

Sa specialization na Social Studies/Social Science, recommended ko ang Lorimar Publisher. Legit. Ang daming lumalabas sa exam na galing roon. Available sa national bookstore. Ang mga items nila, wala sa ibang reviewer. Worth it ang presyo.

Kung kinakailangang bilhin mo ang review books ng iba't ibang review center, gawin mo.

Kasi iba-iba sila ng way of teaching. May mga review center na table-table lang ang pagbigay ng knowledge. Meron namang naka bullet lang. Meron namang katulad ng sa exam: may tanong at choices. Meron namang may kasamang explanation or rationalization.

Whatever it is, ang mahalaga mabasa mo ang nilalaman. Hanggat maari babawasan mo ang mga unexpected na tanong sa araw ng exam.

Maximize mo ang lahat ng resources na available ka sa paligid.

Kung may internet lang din, manuod ka ng mga videos, magbasa, magresearch.

Maging mapanuri. Alamin mo kung tama ba ang nasa answer key. Kasi may mga answer key na mali naman.

Isa rin sa mga pinagka-abalahan kong basahin ang yellow book ng CBRC. Maganda kung mabibili mo ang tatlo na yellow book kasi mapagco-compare mo mga situational na examples mas madali mong maintindihan. Sa akin actually, 6 books from CBRC nabili ko: 2 bullets, 3 yellow at 1 soc sci. May mga items na parang sa PRC exam, paulit-ulit.

Akala ko noon typo error lang until mag exam bago ko naintindihan na may purpose pala iyon. Sa akin kasi pinangbubura ko ang nagdoble-doble. Pinaprepare pala iyon na katulad sa actual exam pero ang iba lang, a & b lang ang choices sa kanila habang a, b,c &d sa actual na exam.

Kung gusto niyo naman na puro mga tao na may theories, book ng polaris review center, naka table na detailed ang mga nakalagay roon.

Kung gusto mo naman, pwede mo rin basahin ang Prof Ed Tidbits ko na book. Succinct ito, maikli ngunit malinaw at mas maraming situational na updated. Libre pa. Download mo lang ang wattpad at idownload mo siya sa private library mo.

 Download mo lang ang wattpad at idownload mo siya sa private library mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LET Review TipsWhere stories live. Discover now