Pahabol na tip.
Para sa mga nag earn lang ng unit.
Mas maganda po na habang maaga pa, habang wala pang registration para sa exam, nakapagpa-evaluate ka na ng TOR mo ng degree sa PRC.
Or better yet, habang hindi ka pa nakakapag enroll para sa additional units mo for teaching, unahin mo na ito kasi may mga instances din na tapos na kumuha ng units bago mag pa evaluation pero ang ending hindi pala kasama ang program na tinapos sa record ng prc, mas nakakapaghinayang iyon lalo na kung bago lang na offer ang program.
Mag email sa mga sumusunod na address:
licensure.division@prc.gov.ph,
licensure.office@prc.gov.phAkin after 2 weeks may result na mula sa board.
This way, hindi masasayang ang pagrereview niyo sa maling tao este maling specialization o subject.
Nakakapanghinayang ang time, effort at pera na pinambili ng books para lang mauwi sa wala.
UPDATE As of December 23 2022!!!
Sa ngayon pala meron ng Client Relationship Management System or CRMS ang PRC kung saan pwede kayong mag raise ng queries sa mga appropriate na office.
Buksan lamang sa browser niyo ang https://crms.prc.gov.ph/feedbackform i-click ang RAISE A CONCERN button at Yes, I Agree na nagpop-up na window para lumabas ang Feedback Form, i fill-out at pindutin ang SUBMIT INQUIRY.
Nauna pa akong mag-announce dito sa wattpad kaysa si PRC sa FB page nila noong January 19, 2023 na nag post.
Pero kung gusto mo ng mas madali, punta ka na lang sa malapit na office ng PRC para ma review ang TOR mo.
YOU ARE READING
LET Review Tips
RandomLicensure Examination for Professional Teacher LEPT review tips