LET Review Tip #12

39 0 0
                                    

Magkaroon ng goal.

Mindset ba, mindset!

Ano ba ang goal mo? Makapasa.

Be specific.

Ok na ba sa iyo ang 75%? Aanhin mo pa ang sobra, hindi mo naman na kailangan? Tatay Digong, is that you?

O gusto mo rin kahit papaano medyo mataas ng konti? 80% sapat na. Kasi once nakapasa ka, lifetime mo ng dala-dala ang results na iyan. Walang second chance.

Alalahin mo, kapag nagtuturo ka na, darating ang panahon na meron at merong mag i-interview sa iyo kung kailan ka naging teacher? O kung ano ang passing rate na nakuha mo sa board exam. Reminds me of Field Study (FS) subjects sa CTP.

O gusto mo mag topnotcher? Gusto mo may license ka na, may incentive ka pang matanggap mula sa school o review center mo? Gusto mo mataas din ang passing rate para hindi ka naman itapon sa malalayong isla kung mag-apply ka na sa DepEd?

O gusto mo lang pumasa at madagdagan ang kaalaman para makaprepare ka na rin sa future teaching days mo kasi naniniwala kang, "you cannot give what you don't have."

Hindi ka lang nag-aaral para sa exam kundi para sa pagtuturo. Very good ang ganitong goal. Isa ito actually sa fears ko, ang tanong na, "kaya ko na bang magturo?"

Kaya goal ko na bago ako maging LPT kasabay dapat na confident na akong magturo. Marami na akong dalang kaalaman na ise-share sa future.

Dapat firm ang goal, kasi ito ang magdidictate sa iyo kung gaano karaming efforts ang ibibigay mo sa pag-aaral.

Ito ang mag ga-guide sa iyo as motivation para magsumikap pa.

Kapag may effort, mas madali mag-aral.

Parang pag-ibig ba. Kung sino mas ma effort sa manliligaw, doon mas madali mafall.

Sabi nga sa principle of teaching, "begin with ends in mind."

Ano ang ending na gusto mo?

Ano bang objective mo?

LET Review TipsWhere stories live. Discover now