Mag assist ng gawain ng isang public school teacher.
Again and again, ayon kay Edgar Dale sa kanyang Cone of learning, 90% ng actual mong ginagawa ang maalala mo.
Malaking tulong rin kung tutulong ka sa isang teacher sa mga needs niya.
Magcompute ng grades, gumawa ng powerpoint presentation para sa aralin or demo niya, magdesign ng rpms, mag encode at download sa lis materlist, magsama sa mga home visit, mag edit ng lesson plan, mag check ng assessment ng mga pupils, at kung ano-anong report ng isang guro.
This way, magiging expose ka sa system ng DepEd.
Mapag-aaralan mo ang grading system, learners information system, contextulaized learning activity sheets o CLAS na ginagamit sa modular learning at marami pang iba, na kasama na ngayon sa New Curriculum.
Huwag ka nga lang mag expect ng bayad.
Kumbaga ito ay parang OJT, lalo na sa mga nag-earned lang ng units. Gagawin mo ito ng bukal sa loob para matuto hindi para kumita. Ikaw ang gagastos at magbibigay ng lakas, effort, at talino for free.
Kung bigyan ka ng meryenda o apreciation gift, edi salamat. Kung wala, ayos lang dapat sa iyo.
Hindi naman ito pang matagalan, let say, mag dedicate ka lang ng one month para sa experience na ito, I'm telling you now, malaki ang maitutulong sa iyo ang one-month na iyon na experience sa araw ng exam. Sabi nga ni progressivist, experience is the best teacher.
Mas ok din sana kung makapasok ka na at magtuturo sa senior high kahit time consuming na pero at least nakastart na. Time management na lang kung paano mo isisingit si review.
![](https://img.wattpad.com/cover/323665043-288-k153848.jpg)
YOU ARE READING
LET Review Tips
RandomLicensure Examination for Professional Teacher LEPT review tips