Nicole's PoV
Grr! Nagiinit talaga dugo ko don sa lalaking panget na yun! Akala mo kung sino! Nakakainis! Hindi nya ba alam na may mga taong pwdeng mamatay sa gulat? Grr! Buti nalang dumating na si Kuya Zyler at pinabalik na kami sa aming mga upuan. Kundi nako! Baka makasapak ako ng panget!
"So class, dahil wala tayong proper introduction kahapon because of some reasons. Ngayon na tayo magkakaroon ng introduce yourself portion. Pero hindi lang to basta bastang pagpapakilala, lalagyan natin ng twist. Ganito ang mangyayari, kada studyante dito, tutal 30 lang naman kayo, kailangan magpakilala sa harapan at magtatawag ako ng 7 student para magsabi ng kung anong expectation nila sa kaklase nilang nagpakilala. So simulan na natin." Sir Zyler
Pagkatapos nya magexplain tinawag na kami isa isa.
"Heart, Vainry." Tawag ni Sir kay Vain at pumunta na siya sa harap.
"Hi classmates! Im Vainry Heart, Vain for short. Hope we can all be friends. (*^﹏^*)" pagkatapos niya magpakilala nagtawag na si Sir ng 7 students. Pero ang nakakuha lang ng atensyon namin ay ang dalawang mukhang magkapatid ata. Alam nyo anong sinabi?
"Pabibo!"
"Malandi!"
"Aba! Sinong may sabi sayong pwde mong pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko?" Gigil na sigaw ni Leigh.
"Bakit? Totoo naman ah! Kebago bago kung makadikit sa MSG kala mo linta!" Bless daw pangalan. Sabay tawa pa nila ng kapatid nya.
"Baka kayo ang linta! Bwi--" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi pinutol na ako ni Sir.
"Enough girls! Bawal magaway dito. Just respect what your classmates' opinion is. Okay?" Mahinahon nyang saway.
"Pero Kuya!" Aapila pa sana si Charm.
"Its ok unnie!" Nahihiyang awat ni Vain at bumalik na ito sa kanyang upuan ng nakadungo.
Bwiset na mga ingrata! Akala mo kung sino. Si Vain pa talaga ang malandi eh anong tingin nila sa sarili nila? Kung makasuot ng damit eh akala mo naghihirap at kinulang sa tela. Tapos yung mukha pa nila dinaig pa ang encyclopedia sa kakapal.. ng make up. I mean, dont get me wrong. Im not being judgemental here. Im just being honest.
"Ok class lets proceed." Saad ni sir nong medyo huminahon na ang klase.
"Montgomery, Trixie Prime." Tawag nya kay Trixie at ang gaga namula pa. Wow lang ha? Move on her ass! Hahaha!
"Good morning everyone! Trixie Prime Montgomery is the name! Please be friendly to me because if not? I'll let you taste the so called hell." Abah! Nanakot pa? "Pero syempre joke lang yun!" Pambawi pa niya sabay peace sign! Napabuntong hinanga nalang yung iba naming kaklase habang kaming magbabarkada, yung mga myembro ng MSG, at si Sir ay nagsmirk lang.
Nagtawag lang si Sir at so far ay maganda naman yung mga sinasabi nila kaya pagka upo ni Trix ay nakangiting wagas lang naman. Psh! Pacute talaga tong ungas na to.
"Park, Princess Leigh." Tawag naman nito kay Leigh.
"Morning guys! My name is Princess Leigh Park. Just call me Leigh and dont you ever dare to call me Princess or you'll really experience hell. If Trixie is joking, well sorry to tell you but I'm not!" Sabi niya with her death glare, whooo! Creepy! Umupo na sya agad sa kanyang upuan pagkatapos non.
"Ms. Park please comeback here in front. We are not yet done." Tawag pa ni Sir. Psh! Pasaway talaga tong batang to oh.
"Sir lets just proceed. I can here it from here so i think theres no problem if they will say there opinion or expectation while I'm here right?" Pilosopong sagot nya pa.
"Yeah whatever!" Sagot ni Sir. "Mr. Park." Tawag ni Sir sa unggoy na yun! Grr! At kung minamalas ka nga naman, pinsan pa talaga to ni Leigh. Grr! Di ko na hinintay ang comment nya. Psh. The hell I care! Inub ub ko nalang ang ulo ko sa lamesa. Ayaw ko marinig ang boses ng panget na yun! Like duh!
"Skyles, Charm Cathlynn." Tawag ng kuya niya. Naka ub-ub pa rin ako.
"Anyeonghaseyo chinggus! Charm Cathlynn Skyles here! Hope we can be friends? *wink*"
"Stop that Charm!" Napa angat ako ng tingin dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Sir. Narinig ko pang nagtatawanan silang lahat except kay Kuya na nanlilisik ang mata.
"Anong nangyari dyan?" Tanong ko kay Leigh.
"Pfftt! Haha! Ayun pagka-- haha! Pagkatapos mag-- hahahaha! Magpakilala ayun kumindat sa mga boys! Bwahahaha! Ayun! Nanggagalaiti si Kuya Zy. Bwahaha!" Sagot niya ng paputol putol. Nu bayan.
"Mianhe Oppa!" Pagpapaumanhin ni Charm kay Kuya Zy.
"Tss!" Sagot lang ni Kuya Zy sa wagas kung makangiting si Charm. "PJ Salvador." Tawag ni Kuya Zy kay PJ.
Napatingin naman ako kay Charm at para syang constipated kasi di mapakali at pagtingin ko rin kay Kuya Zy ay nakasmirk ito. Ano nga kaya ang meron dito kay Charm at PJ? Aalamin ko nalang mamaya. Makikinig nalang ako.
"Well Sir, for me the CHARMing lady in front is CHARMing." Sabi niya sabay smirk.
Pagtingin ko ulit kay Charm ay parang sasabog na ito sa galit. Napagtripan pa talaga. Bwahaha!
Nagpatuloy na sa pagtatawag si Sir/Kuya Zy. Ano ba yan! Ano ba talaga itatawag ko sa Kuya ni Charm? Akoy nalilitong litong litong lito! Hahaha!
"Nace Dein Xanders and Nicole Xanders. Sabay na kayong magpakilala." Tawag pa samin ni Sir at sabay na kaming tumayo ni Ace.
Di ko napansing nasobrahan ako sa pagub ub kaya halos di ko na napansin tinatawag na pala ako kung di lang ako tinapik ni Leigh. "Nic, ikaw na." Sabi niya pa.
Tumayo na ako pero hindi pa ako tuluyang nakakapunta sa harap ay may epal na biglang nilagay ang paa sa dadaanan ni Ace at dahil nasa likod ako ay parang naging domino effect ang peg namin! Grr!
"Yan kasi tatanga tanga!" Sabi pa ni Yesha, ate ni Bless. Grr! Isa pa tong magkapatid na to eh! Mga peste sa buhay. Umirap nalang kami at nagtuloy tuloy sa harapan. Humanda sila! Makakaganti rin kami! Mata lang ang walang latay! Peste!
"Bad morning everyone!" Nakangiting bati ni Ace sabay irap. Gosh. Shunga shunga rin tong shungang to. Bad daw pero nakangiti? Siniko ko nga.
"Hi! I am Nicole Xanders!" Ako
"And I am Nace Dein Xanders!" Ace
"We are twins!" Sabay naming sabi sabat pose! Wahaha! Eh sa ganito kami magpakilala eh. Paki nyo ba?
"Psh! Ugly clown!" Pagpaparinig pa ni Ugly Zeke. As if I care? Duh!
Nakampante naman ako nong di sya natawag para magbigay ng "opinion" kuno.
Pagkabalik ko sa upuan ay nagtatawag na si Sir ng boys.
------------------------------------
Next is the Introduce Yourself for the boys!