Ito ang nabasa ko...
Hey Princesses! Here's your Mission #02...
Target's Basic Infos
Name: Shinery Chan
Age: 19 years old
School (present): Kingdom Academy
Year level: 1st year college
Course: (course na magiging parang KPOP idol ka. Di ko alam tawag eh. Hihihi!*^O^*)
Hobby/Talent: Dancing, Singing, Composing a song, and Acting
Sports: Fencing, Karate, Swimming, Basketball, ang Badminton.
Specialties: Holding a gun, Holding a Sword/Knife, ang Investigating.
Parents: Shin Chan (deceased)
Reynalynn Smith-Chan (deceased)Other infos
*Gang Leader of the Mythical Stupidents Gang
*Swimming Champion in an International Competition
*Member of the Dance Troupe in Kingdom Academy
*Main Vocalist if the Love Hymn Band
*Can play many instruments like: Guitar, Drum, Violin, etc.Those were the Basic Infos for you to know. Pero di labg sya, may iba pa akong ipapadalang sulat, doon nakalagay ang lima pang info para sa mission nyo. Ang Mission nyo ay ang bantayan ang bawat kilos ng mga yon. Guard them. Protect them. Make friends with them. I will send you letters for farther instructions. But for the mean time, para di kayo mahirapan sa mission nyo. Lilipat kayo sa paaralan nya, sa Kingdom Academy. I'll send you your school supplies and your school uniform tomorrow. Magsisimula na ang klase sa lunes. Naenroll ko na kayo kaya wala na kayong problema. May condo na rin akong binili para sa inyo. Malapit lang yun sa academy kaya di kayo mahihirapan.
Good luck Princesses,
A.S.S.G.Charm's PoV
Whoa! Totoo ba to? Ang galing naman ng lalaking to. Nasa kanya na ang lahat? Hahaha! Nagbibiro ba to si boss? Bakit ganito nasa profiles nya? Parang ang perfect naman nya? Except nalang don sa gang na part. Ayaw ko talaga sa mga Gangsters. Bakit? Kasi sila ang pumatay sa magulang ko. Oo, mga gangsters/mafia members ang Drakes. Grrr! Enough with that.
"Pano ba yan? Another mission. Ooh! I'm so excited!" Ani ni Vain. Halata namang excited sya kasi para pa syang kinikilig. Tss. Isip bata talaga to oh.
"Tingin ko mas exciting tong mission na toh kesa sa iba pa nating mga naging mission. Ano sa tingin mo Charm?" Tanong ni Leigh sa akin at sabay pa silang tumingin sakin ni Vain. Napangisi nalang ako. Hmmm. Mukang magiging maganda talaga tong mission na toh. Pero di ako mapakali. Tingin ko may mali eh. Kinakabahan ako sa lalaking to, pano nalang kaya yung iba pang lalaki sa mission namin. Parang may hindi tama sa kanila. Hmm. Never mind na nga lang. Gagawin ko nalang to ng may propesyonalismo. Hahaha! Kung may ganoon ngang word. ~^O^~
"So, kailan daw tayo lilipat sa ATING condo?" Halatang excited din tanong ni Vain. Ngayon pa lang kasi kami magkakaroon ng aming condo kaya hindi talaga maitatangging excited talaga kami.
"Ewan ko. Magpapadala lang siguro ng sulat si boss kung kailan tayo lilipat." Sagot ko sa kanila.
"Teka unnie, pano na sila Ace? Baka magtaka yun kung bakit tayo lilipat sa isang condo?" Tanong ni Vain.
Hala! Oo nga! May mga kasama pa pala kami sila Ace, Nic, at Trix. Wala sila dito ngayon, pumunta ng SM naggrocery.
"Ipapabasa nalang natin sa kanila tong sulat. At pwede rin naman natin sila isama." Sabi ko sa kanila.
"Wiiiih! Im so so so excited!" Sabi ni Vain na para naman kiniliti. Hahaha! Baliw talaga tong babaeng to. Sobrang hyper. Lage atang naka enervon.
A/N:
Short updates lang po talaga lahat. Hehehe. Sorry po! Nahihirapan ako pagmatataas ang tinatype ko eh. So, abangan nyo ang paglabas nong tatlo pang kasama nila. Ayyiiiee! Excited na si ako. Hahaha! Nahahawa na rin ako kay Vain. *^▁^*