Unknown 01: The Gift

13 0 0
                                    

Charm's PoV

Busy ako sa pakikinig ng mga music ng may biglang nagdoorbell.

"Vain, pakibukas nga ng pintoan." Utos ko kay Vainry Heart, Vain for short. Sya ang pinakamabait/ Angel sa aming tatlong nakatira dito. Nagiisang anak yan ng may ari ng Gallen-Heart Enterprises. Top 3 sa pinaka makapangyarihan na company di lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa.

"Teka lang unnie, naghuhugas pa po ako ng pinggan." Sagot nya na nasa may kusina pa.

"Leigh, open the door please?" Utos ko sa pinakabata sa amin na si Princess Leigh Park, Leigh for short. Ayaw nyang tawagin na Princess. Kasi ang parents lang daw nya ang pwde tumawag sa kanya ng Princess. Ang arte no? Pero mabait yan. Wag mo nga lang gagalitin at baka di ka na masikatan ng araw, amasona yan eh.

"Opo." Sagot nya.

"Salamat!"

Magpapakilala naman ako. Ako si Charm Cathlynn Skyle. Ang pinakamaganda sa amin. Echos! Hahaha! May kapatid ako, si Chris Zyler Skyle. Sya ang naghahandle sa business namin abroad. Wala na kasi ang aming mga magulang. Pinatay ng mga walang hiyang Drakes na yan! Pero di ba past is past? Kaya move on na. Hehehe!

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?"

"AY MOVE ON!" Whooo! Lecheng Vain to oh! Gulat ako don ah!

"Ayyiiee! Anong move on yan unnie? Ikaw unnie ha? May tinatago ka samin." Tingnan mo nga tong babaeng to. Mukhang tangengot! May pasundot sundot pang nalalaman.

"Tumigil ka nga Vain! Para kang sira." Saway ko sa kanya.

"Tumigil nga kayo dyan! Oh Charm!" Si Leigh yan sabay bato sakin ng... Regalo?

"Leigh, di ko naman birthday ah! Bakit mo ako binibigyan ng regalo?" Sabi ko sa kanya, totoo naman eh.

"Tange! Nakita ko yan sa tapat ng pintoan natin." Sagot nya.

"Ouch! Maka tange ka naman!" Umarte akong nasasaktan.

"Baliw! Buksan mo na!" Makautos to wagas eh no?

"Ano ba laman nito?" Tanong ko. Kasi malay mo diba? Baka bomba laman nito.

"Bakit ako tinatanong mo? Kita mong di pa bukas eh! Tss!" Pagsusungit nya.

"Psh! Sungit natin ah!? PMS ka teh?" Pangaasar ko sa kanya.

"Tss! Oo PMS ako. P for Pinaka M for Maganda and S for Satin! Kaya tumahimik ka na." Eh!? Pwede sumuka? Ewww!

"Talaga Leigh? Sino nagsabi?" Tanong ko sa kanya.

"Tss! Eh di si mama!" Hahaha! Mama lang pala nya eh!

"Sus! Si Ti---" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil biglang may nagdoorbell.

"Buksan ko lang." Paalam ni Vain bago pinagbuksan ang pinto.

Pagka alis ni Vain ay bumalik ako sa pakikinig ng music. Si Leigh? Ewan ko kung san na---.. lagi nalang di natatapos ang iniisip o sinasabi ko. Nakita ko kasi si Leigh na bubuksan na yung regalo.

"Ano ba yan! May lock pala!" Rinig kong bulong nya.

"Charm unnie, envelope oh!" Sabay bigay ni Vain sa akin ng envelope kaya binuksan ko na. Eh!? Bakit may susi?

"Anong laman?" Excited na tanong ni Vain.

"Susi." Sagot ko.

"Susi? Akina nga!" Nagtaka naman kami ni Vain kasi nagmamadaling kinuha ni Leigh ang susi at ginamit para pambukas sa regalo.

"Waaaah! Nabuksan!" Sigaw ni Vain na halatang excited.

"Oh, anong laman?" Tanong ko.

"Sulat lang eh. Teka, babasahin ko." Sabi ni Leigh na akmang bubuksan na ang sulat. Pero inagaw ko syempre! Haha! Bakit? Kasi maganda ako! Hahaha! Walang papalag! :P

"Bakit mo inagaw?" Reklamo nya.

"Ako na magbabasa." Sabi ko at natahimik naman sila. Pagkabukas ko ng sulat. Ito ang nabasa ko.

A/N: Oops! Pabitin muna. Hahaha! Mas detailed po yung una kong tinype! Kaso lang po biglang nawala! Huhuhu! Pero sana po nagustuhan nyo. Comments and votes are highly appreciated!
Love lots,
♥ ExoPrincess19 ♥

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon