Leigh's PoV
Nakasakay na kami ngayon sa aming sasakyan papuntang skwelahan. Yeah, Monday na ngayon. -_- Nakakatamad pumasok! Kung di lang talaga para sa mission di na ako magaaral. Tss! Alam ko naman halos lahat ng itinuturo eh. So, bakit pa ako magaaral? Dagdag gastos lang yun.
Gusto nyong malaman kung pano namin nalaman kung saang lupalop ng mundo ang Prime Academy?
Well, dahil yun kay boss. Kinabukasan kasi nong natanggap namin yung mission, may natanggap naman kaming isang package. Anong laman nong package?
Well, mga school supplies, gadgets, OUR School Uniform, OUR map for the campus, OUR schedules, and many more things na kailangan dito sa paglipat namin. Kasali na sa package yung susi at address para sa aming condo.
Hay naku! I cant feel any excitement sa paglipat namin sa P.A. -__- AS IN!
"Were here!" Masayang anunsyo ni Charm. Tss! Isa pa tong babaeng to. Di talaga halatang excited. Kanina akala mo kung anong gagawin at gumising ng maaga, akalain mong magluto ng breakfast at 3:00 am. Tapos ang pasok namin 7:00? Tsk! Ayun pagka kain namin ang lamig na ng kanin. Tsk! Kung di ba naman kasi excited eh no..?
"Yeah obviously! Nakikita kaya namin Charm! Tss." Pambabara pa ni Ace. And yeah! You read it right! Kasama na namin ang tatlo pa naming kasama. Sina Ace, Nic at Trix.
Nace Dein Xanders, maarte, fashionista, sadista pero mabait! Pinaka galante sa grupo.
Nicole Xanders, mabait, mahinhin pero pag galit aba eh mas pa sya sa isang dragon. Hahaha! Magkapatid sila ni Ace. Pero ang isang to napaka kuripot. Tsk!
And last but definitely not the least, Trixie Prime Montgomery, sya ang pinaka matalino pero pinaka tamad mag aral. Tsk! Ewan ko ba kung saan nya nakukuha ang mga alam niya! Sabi nya pa mayaman "daw" sya sa stock knowledge. Tss! Daming alam eh no? Masyadong knowing.
"Tara na nga! Baka malate pa tayo eh!" Pag aaya samin ni Nicole.
Habang naglalakad kami maraming palakang nagbubulungan sa gilid ng daan.
"Sino ba sila?" Palaka #01
"Ewan ko. Ang gaganda nila no?" Palaka #02
"Hmp! Mas maganda pa rin ako noh!" Palaka #01
Tss! Maganda raw? Saan banda? Sa kili kili? Psh!
"Ang sesexy pare oh! Witwew!" Unggoy #01
"Oo nga! Ooohlala!" Unggoy #02
Pshhh! Ano ba yan! Akala ko mga palaka lang may mga unggoy pa pala! Tss!
Hindi talaga nawala ang mga bulong bulongan hanggang nakarating kami sa tapat ng classroom namin.
"Hala! Sa Premium Section pala sila? Ano ba yan! Wala tayong chance mga pre!" Unggoy #03
"Oo nga! Nandyan pa naman si Kent! Tss!" Unggoy #04
Huh? Sino kaya yung Kent na'yon? Psh! Maybe some ugly monkey again!
"Sino kaya yung Kent?" Tanong sakin ni Nace kay Charm.
"Aba ewan ko! Ngayon lang ako nakapasok dito noh! Duh!" Pagtataray ni Charm.
"Ayyy! Galit? Galit? Parang nagtatanong lang eh! Psh!" Pilosopang sabat ko. Bakit ba naman kasi kailangan magtaray diba? Bakit kaya highblood tong isang to?
"Kent? Akalain mo yon Charm! Kapangalan pa ni Kuya Kent." Halatang kinikilig na sabat ni Trixie.
Psh! Napaghahalataang may crush kay Kuya Zy. Kalandian nga naman! At pinanindigan pa talagang Kent ang itawag! Psh! Bahala nga sya jan.
*tok* *tok* *tok*- katok ni Charm.
Nakasirado kasi ang pinto eh. Naka-lock pa talaga! Psh!
*creeek* (sounds pagkabukas ng pinto XD)
"HALA!" Ako
"WHOA!" Nics
"BULLSHIT!" Ace
"FREAK!" Vain
"SHOOTS!" Trix
"KUYYAAAAA!" Charm
Siguro alam nyo na kung sino nakita namin? Yeah! You got it right! Si Kuya Zy lang naman po ang nakita namin habang may kahalikan! Aba!
*sob* *sob*
Napatingin ako sa pinang galingan ng sobs, este napatingin kami pala.
(T_T)-- trixie
"Waaaaaaah!" Ngawa ni Trixie habang tinatakpan ni Nace ang mata niya. Tsk! Pagibig nga naman oh!
