Chapter 5 (Cryptic Post)

13 3 0
                                    


Nilingon niya ang lalake.

"Bumalik ka na sa loob dahil alam ko naman na labag sa loob mo na ihatid ako rito. Huwag na tayo magplastikan pa sir."

"I'll see you in class."

She roll her eyes.

Pagdating sa bahay ay may nadatnan siyang mga pulis.

"Dad, what's going on?"

"Buti naman umuwi ka na. I'm about to report na missing ka."

"Hindi po ba tumawag si Zoey sa inyo na kinausap ako ng art teacher ko?"

"Hindi. Teka may ginawa ka bang gulo sa school mo?"

"Wala po. It's just a misunderstanding."

"Saan ka natulog?"

"Sa isang kaibigan ko."

"Pinag-alala mo ako Eda."

"Sorry, hindi na po mauulit dad."

"Dapat lang. Sige na, magbihis ka na para makapasok ka."

Nagulat siya pagpasok niya lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya.

"Eda! Totoo ba ito?" tanong ni Zoey sa kanya sabay pakita ng isang cryptic post sa Facebook.

"Sino ang nagpost nito?"

"I don't know nakita ko na lang 'yan this morning at nakashared na sa lahat ng student dito."

"This is not me."

"Grizedale, grabe ka ganyan ka pala."

"Akala ko ba galing ka ng London?"

"Naniwala naman kayo? Eh gawa-gawa niya lang naman siguro 'yon" komento ng isa pa niyang kaklase.

"Hey! Tumigil na nga kayo!" pagtatanggol sa kanya ni Zoey.

"Grabe na talaga ang panahon ngayon tag-init, taglamig at taglandi" parinig ng ibang kaklase niya.

"Sino kaya ang lalakeng kasiping niya, ang alam ko isa raw teacher."

"Kawawa naman ang teacher panigurado na frame up sa kakatihan ni ate girl."

"Excuse me, anong sinabi mo?" hindi na siya nakapagpigil hinarap ang mga ito.

"Ang alin ang makati ka?"

"Gusto mo paduguin ko 'yang pula mong nguso. At kayo, nagpapaloko kayo sa social media. Kung sino man ang nagpakalat niyan may malaking galit sa akin so don't judge me as if hindi ka rin malandi."

Nagmamadali siyang umalis.

"Eda sandali."

"Zoey, naniniwala ka rin ba na ako 'to?"

"Syempre hindi pero paanong kamukha mo talaga 'yan?"

"Hindi ko alam. Baka nga talaga may kakambal ako."

"May kakambal ka? Paano?"

"Hindi ko alam pero baka meron nanggagaya sa akin. Who knows? Basta ang alam ko hindi ako ito. I swear."

"Naniniwala naman ako sayo."

"Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito ingungudngod ko ang mukha niya sa semento."

Napatigil siya, isang tao lang ang pumasok sa isip niya at posibleng gumawa nito.

"Oh saan ka pupunta?"

"May pupuntahan lang ako Zoey, babalik din ako agad."

Pinuntahan niya si Kade. She locked the door para alam niyang walang makakakita at makakarinig sa kanila.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon