Chapter 19 (All Her Lies)

14 3 0
                                    


Kade found out that Grizedale was rushed to the hospital after he lost consciousness so he immediately went to see him.

Across the room he caught her talking to Zoey.

"Zoey?"

"Sir?"

"Nagkaayos na pala kayo. Masaya ako para sa inyo."

He turned to Eda.

"What happened?"

"Over fatigued."

"Bakit naman kasi nagpapagod ka ng sobra?"

"Hindi lang naman ako physically exhausted pati na rin mentally."

"Here may mga dala akong prutas ubusin mo ito ah para bumalik 'yang sigla mo."

"Ang sweet naman pala ng art teacher namin" tukso ni Zoey.

"Ikaw naman Zoey, palalampasin ko na hindi ka pumasok sa klase ko kanina pero hindi na sa susunod."

"Thank you sir."

"Don't scold Zoey, she helped me a lot today especially none of my family came to visit me today."

"Hayaan mo na nandito naman na ako."

"Hindi ba may klase ka pa? Anong ginagawa mo rito?"

"I excuse myself para mapuntahan kita. Sure ka na maayos na ang pakiramdam mo?"

"Oo nga, huwag ka na mag-alala masyado."

When she felt better, he brought Eda home. But time to time he's checking on her condition.

"Are you sure you're okay?"

"Panglima mo ng tanong 'yan babe mula pa kanina sa ospital. Ayos lang sabi ako."

Sinalubong sila ni Gresilda.

"Eda, buti naman nakauwi ka na."

Akmang yayakapin ito ang dalaga nang sampalin ito ni Grizedale. Nagulat siya sa nasaksihan.

"Eda bakit?"

"Bakit? Talaga ba Gresilda or shall I call you Janelle?"

"Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Huwag ka ng magsinungaling pa Gresilda, alam ko na ang totoo!" sigaw ng dalaga.

"Eda, calm down kagagaling mo lang sa ospital" pigil niya rito.

"No Kade. Dapat malaman ng babaeng 'yan na hindi niya na ako maloloko pa."

"Eda! What is it again? Kababalik mo lang dito sa bahay ganyan agad ang isasalubong mo sa amin?" saad ni Mr. Soler.

"Sige since nandito lang naman ang lahat. Hayaan ninyo isiwalat ko ang pagkatao nitong si Gresilda."

Ramdam niya ang pagpupuyos sa galit ni Eda para sa kapatid. At alam niyang hindi magiging ganoon ang kasintahan ng walang matinding dahilan.

------------------------------------------------------------

She saw the fear in Gresilda's eyes when she looked at her. She faced her father and Kade.

"Listen, this woman here is disguising herself as Janelle. Dad, hindi po talaga kami triplet. Pinalabas lang ni Gresilda na tatlo kami para hindi ko siya pagdudahan. Hindi ba Gresilda?"

"I don't know what you're talking about. Please, don't listen to her dad. Alam natin na lulong siya sa droga."

"Really? Kaya pala nag-effort ka na lagyan ng drugs ang gatas na iniinom ko gabi-gabi, is that it?"

"Gumagawa ka talaga ng kwento, Eda."

"Well sorry dear, hindi ako tanga para gumawa lang ng kwento kagaya mo."

Pumasok si Nick at Zoey.

"Why are you so late Nick?"

"Sorry naman, did I make you wait my princess?"

"Princess mo mukha mo. Pakisabi nga rito sa ilusyunada kong kakambal ang nalaman mo."

"Good evening everyone. I'm Nickolo Ardiente. Inutusan ako ni Eda na manmanan si Janella which is Gresilda herself. Dito ko nalaman na siya ang naglalagay ng drugs sa inumin ni Eda making her experience some hallucinations. Umamin na dyan ang kasambahay na nakakita sayo. At napag-alaman ko rin na bukod doon ay marami ka pang ginawa Gresilda lalo na kay Eda."

"Like?" tanong ni Kade rito.

"Siya ang nag-utos kay Zoey to post that cryptic post on facebook. Siya rin ang may pakana ng aksidenteng nangyari while you were on Pala-Pala Market."

"What?" she only found out.

"Yes Eda. Inutusan niya ang lalake na mag-eskandalo habang wala si Kade doon. Bukod doon siya rin ang may pakana kung bakit maraming customers ang nagrereklamo sa restaurant ninyo. She paid them to make complains."

"Hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling kayong lahat!" sigaw ni Gresilda.

"Bistado ka na namin Gresilda. Aminin mo na lang kasi ang lahat."

"Wala akong aaminin sa inyo. Dad? Sa akin ka maniwala please."

Kanina pa tahimik ang daddy niya. Tumayo ito at malakas na sinampal si Gresilda.

"Wala akong anak na sinungaling!" bulyaw nito.

"Dad?"

"Paano mo nagawa ito sa kapatid mo ha Gresilda? Sumagot ka!" nakakatakot na sigaw ng kanyang ama rito.

"Because I hate her! Inagaw niya sa akin ang lahat."

"Wala akong inaagaw sayo, Gresilda. Naging patas ako sayo mula nang tumira ka rito kasama namin."

"Oo naging patas ka nga pero kung tutuusin dapat lang dahil may karapatan din ako sa bahay na 'to. At higit sa lahat inagaw mo sa akin si Kade!"

"Ano bang pinagsasabi mo, wala naman kayong relasyon ni Kade kaya paanong inagaw ko siya sayo?"

"Magiging kami na dapat kung hindi ka lang umeksena! Sayang lahat ng effort ko para paghiwalayin silang dalawa ni Carla. Bwisit ka talaga kahit kailan. Kaya wala akong pinagsisihan na ginawa ko iyon lahat sayo."

Tinalikuran sila ni Gresilda at mabilis na umalis.

Nilapitan siya ng ama.

"Sorry sweetheart, hindi ko akalain na magagawa iyon sayo ni Gresilda. Sorry kung mas pinaniwalaan ko siya sayo noon."

"Okay lang po dad at least alam niya na naging patas ka sa amin dalawa. Nakakalungkot lang na niloko tayo ni Gresilda. Marami siyang sinira na mga buhay."

After her twin left, she never came back. She tried to call her but she won't answer.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon