All she thought, Kade is taking her on a date. Pero nagulat siya nang huminto ang sasakyan nila sa isang rehabilitation center."Why are we here? Don't tell me..."
"I'm sorry, Eda. Nakiusap sa akin ang daddy mo."
"Si dad? So pinagtutulungan talaga ninyo ako? Is Janelle part of this too?"
"No, walang kinalaman si Janelle rito."
"Please Kade, ayaw ko rito. Hindi naman ako adik eh. You know it. Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla-bigla na lang akong naging ganito?"
"That's why I'm taking you here, kapag clean ka na eh hindi na iisipin ni tito na gumagamit ka."
"Hindi mo ba ako narinig Kade, ayaw ko rito! Please babe, umuwi na tayo" pagmamakaawa niya rito.
"Sorry Eda, it's for your own good."
"No! Mababaliw ako rito, Kade. Please, nagmamakaawa ako sayo" lumuhod na siya rito.
Tinulungan siyang tumayo ng nobyo.
"I'm sorry."
Doon na siya napahagulhol ng iyak. Iyong kahit maglulupasay pa siya doon talagang hindi na magbabago pa ang desisyon ni boyfriend.
Niyakap siya ni Kade.
"Huwag mo sanang isipin na hindi na kita mahal kaya nagawa ko ito. I love you, Eda. Gusto ko lang na mapabuti ka."
"By taking me here? Naexcite pa naman ako akala ko magdidate tayo dahil hindi mo ako kinakausap simula nang makita mo kami ni Nick nang magkasama. Umasa lang pala ako sa wala."
"Sorry. Promise dadalawin kita rito lagi."
"Huwag ka ng magpromise alam ko naman na hindi mo 'yan magagawa dahil sa trabaho mo."
"Huwag ka ng magtampo."
"Sino ang hindi magtatampo kung ang boyfriend ko mismo ang nagdala sa akin dito, anong gusto mo maging masaya ako?"
"Eda..."
"I'm disappointed with you Kade."
Lumabas ang ilang staff doon at pinapapasok na siya sa loob. Doon niya na realize na simula ng mga oras na iyon ay magbabago na ang buhay niya.
Noong una ay madalas pa siyang dalawin ni Kade, pero nitong mga nakaraang buwan eh kahit weekends ay hindi na ito nakakapunta.
_________________________________________
Umaliwalas ang mukha niya nang sabihin ni Mrs. Enriquez na may dalaw siya. Ngunit nawala ang ngiti niya nang makita si Nick.
"Good morning, Eda" bati nito sa kanya.
"Sira na ang umaga ko dahil sayo."
"Aray naman."
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sabay upo.
"I waited for your call pero hindi mo naman ako tinawagan tapos nalaman ko na lang na narehab ka. Hindi ko alam na adik ka pala."
Hinampas niya ito sa braso.
"Hindi ako adik. Kaya nga kita kinausap para rito. Hindi ko naman akalain na ipapasok nila ako rito kaya hindi na kita natawagan."
"Do you think someone frame up you?"
"Ano pa nga ba. Gusto kong manmanan mo si Janelle. Alamin mo kung may kinalaman ba siya rito."
"Si Janelle? Your twin is hot."
"Huwag kang magkakamali na maakit sa kanya hinayupak ka, focus on what I told you to do. Saka ka na lumandi kapag may concrete evidence ka ng maipapakita sa akin."
"You're so strict."
"Dapat lang, hindi rin ito madali para sa akin lalo na kapatid ko ang pinapamanman ko."
She sighed. Hindi niya lang lubos maisip na kaya iyong gawin ng mga kapatid niya sa kanya, ni hindi niya pa nakakausap si Gresilda. Ano pa ba ang hindi niya alam?
Inakbayan siya ni Nick.
"Oh sumisimangot ka na naman, pumapanget ka tuloy."
Inalis niya ang kamay nito.
"Ang bigat ng kamay mo tukmol ka."
"Anong tukmol? Sa gwapo kong 'to? Baka nakakalimutan mo isa akong Ardiente, Eda."
"Magpinsan nga kayo ni Kade parehas kayong mayabang."
"Hahaha excuse me noh, mas lamang ako doon."
"Hindi kaya, mas gwapo parin ang boyfriend ko."
"Aminin mo na kasi mas gwapo talaga ako."
Sinundot nito ang tagiliran niya.
"Isa! Huwag ka ngang makulit. Feeling close ka masyado" ingos niya rito.
"Close naman talaga tayo. Kita mo nga oh magkatabi tayo."
Imbes na mainis ay natawa na lang siya rito. Katulad na katulad ito kay Kade magbiro. Maybe it runs in the blood.
Iyon ang tagpong naabutan ni Janelle.
"Uy ang sweet ninyo ah parang magjowa" komento nito.
Kakarating lang nito nang-asar na agad. Hmp.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Grabe ka naman sis, parang hindi ka naman natutuwa na dinalaw kita rito."
"Mukha ba akong natutuwa? Alam ko naman na ikaw ang nagsulsol kay daddy na ipasok ako rito."
"Hala siya, nambibintang ka na naman. Bad 'yan."
"Huwag na tayo magplastikan pa Janelle alam ko naman na ayaw mo sa akin. Bakit? Naging unfair ba ako sayo bilang kapatid?"
"Huwag ka naman ganyan, Eda. Ayaw kong makipag-away okay. Nandito lang ako para dalhan ka ng prutas at bulaklak. Pinapadala 'yan ni Kade dahil hindi siya makakapunta."
"Si Kade?"
"Nasa seminar kasi siya ngayon kaya pinakiusapan niya na lang ako. Dinaanan talaga kita rito bago pumunta ng restaurant tapos aawayin mo lang pala ako rito."
She sighed.
"Sorry, hindi naman kita inaaway. Ang akala ko lang kasi ikaw ang kumausap kay daddy na dalhin ako rito. Ikaw nga ba?"
"Hindi ah, kinausap ko nga si daddy na huwag ng ituloy ang binabalak niya kaya lang hindi naman siya nagpaawat. Sorry sis wala akong nagawa, hayaan mo kakausapin ko ulit si daddy."
"Huwag na, hindi rin naman makikinig 'yon sayo. Salamat sa pagdalaw, Janelle. Si Gresilda nga pala, nakauwi na ba siya?"
"Oo noong isang linggo lang."
"Ganoon ba. Eh bakit hindi niya pa ako dinadalaw?"
"Gusto niya nga sumama ngayon kaya lang may midterm sila."
"I see."
"Siya hindi na rin ako magtatagal."
"Sige ingat ka. Sa susunod eh sabay na kayo ni Gresilda na dumalaw para makapagkwentuhan naman tayong tatlo."
"Ha?" gulat na bulalas nito.
"May problema ba?"
"Ah wala, sige susubukan ko. Alis na ako."
Gusto niyang maniwala na wala ngang kinalaman ang kapatid sa lahat ng nangyari sa kanya pero part of her believe na pinaplastik lang siya ng kapatid.
"Ang sweet ah" komento ni Nick sa tabi niya.
"Do you think she's lying?"
"I don't know pero aalamin ko."
"Okay. Hindi ka pa ba aalis? Naabadbaran na ako sayo."
"Grabe siya, sige aalis na ako huwag mo akong mamimiss ah."
"Sige na alis na Nickolo dami pang sinasabi."
Nang makaalis ang lalake ay bumalik na siya sa loob. Sana lang may maganda itong ibabalita sa kanya sa muli nilang pagkikita. And she hope she's wrong. Sana lang talaga eh walang kinalaman si Janelle sa nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity
RomanceGrizedale 'Eda' Soler went back to the Philippines to study her TOTGA (The One That Got Away) course which is architecture then she met her art teacher Kade Ardiente. Unang pagtatagpo pa lang nila mainit na agad ang ulo nito sa kanya, akala niya noo...