Chapter 15 (Argument)

8 3 0
                                    


Her dad told she was addicted to drugs when she didn't even try one. She look at him confused.

"What? Dad, baka nagkamali lang sila. Ako? Magpapositive? Oh come on bakit naman ako titikim ng ganyan?"

"I don't know but it's clear na positive ka nga. Ano bang nangyayari sayo Eda? Hindi mo na nga naaasikaso ang restaurant tapos malalaman ko na ganito, buti nga nandyan si Janelle to manage our business."

"Janelle is here?"

"Oo. Ayusin mo 'yang sarili mo."

Nilingon niya si Kade na kanina pa walang imik.

"Babe, naniniwala ka rin ba na gumagamit ako ng drugs?"

"Hindi ko alam, naguguluhan ako. You are positive on using drugs, Eda."

"I swear hindi ako gumagamit. Kahit nagulat nang sabihin niyo na positive ako. Someone is trying to frame up me."

"Sino naman?"

"I don't know. Alam mong maraming nangyayari na hindi maganda sa akin. Pero hindi ako adik, maniwala ka naman sa akin oh."

Natigil ang pag-uusap nila nang dumating si Janelle.

"Oh hi there sis, kumusta ka na? I heard na dinala ka sa ospital kaya nandito ako."

"Maayos naman. Mabuti naman naisipan mo rin magpakita" she's still mad because of fixing her issues.

"That's because dad let me handle the restaurant since ipapasok ka nga nila sa rehab."

"Rehab? Teka, Kade ano 'to?" she look so surprise.

"Eda makinig ka muna, ang gusto ni tito ay tuluyan ka ng huminto that's why he talk to me about sending you to rehab. Ilang buwan lang din naman."

"Ilang buwan? Kahit na. Hindi nga ako adik, bakit ninyo ako ipapasok doon?" she yelled.

Napabuntonghininga siya.

"Babe, talk to dad please."

"Sis it's for your own good" ani Janelle.

"Tumahimik ka Janelle. Baka akala mo nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo sa akin. Tell me, you're also part of this right?"

"Hala siya nambibintang ka kaagad? Isang beses ko lang ginamit ang pangalan mo pero makasumbat ka naman. Hindi mo kasi naranasan ang hirap dahil lumaki ka kay daddy pero para sa katulad namin ni Gresilda, every day is a battle."

"Sorry. Hindi niyo ako masisisi I was surprised, hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Please Janelle, talk to dad baka sakaling sayo eh magbago ang isip niya."

"I will try pero alam mo naman na kay daddy parin ang huling desisyon."

"Salamat."

Pero habang nasa bahay siya ay mas lalo lang siyang lumalala. She's starting to hallucinate and her mood swings worsen.

"Please help me Kade something is wrong with me. Mas lalo lang naging malala ang kondisyon ko nang umuwi ako rito. Hindi kaya nilalagyan ng mga kasambahay namin ang pagkain ko ng drugs?"

"Hindi naman siguro. Matagal na silang nagtatrabaho sa inyo Eda, ngayon mo pa ba sila pag-iisipan ng masama?"

"Then who? Why I'm still feeling this way?"

"Baka nasisiraan ka na talaga ng bait Eda?" pabirong komento ni Janelle.

"What did you said?" angil niya sa kapatid.

"Nagbibiro lang ako, chill."

"Sa tingin mo may time ako makipagbiruan ngayon?"

"Bakit ka ba nagagalit? Binibiro lang naman kita. Baka nga high ka na naman."

"High? Halika rito at malalaman mo kung sinong high sa ating dalawa!"

Sinabunutan niya ang kapatid. Pinipilit siyang nilalayo ni Kade pero hindi parin siya nito naawat. Iyon ang tagpong naabutan ng daddy niya.

"Anong nangyayari rito?" umalingawngaw ang boses nito sa bawat sulok ng bahay.

"Dad, binibiro ko lang naman si Eda tapos nagalit siya agad" sumbong ni Janelle.

"Ikaw lang naman natutuwa sa biro mo."

"Eda, sumusobra ka na. Buti na lang wala rito si Gresilda kundi makikita ng kapatid mo iyang pag-uugali mo ngayon."

"Ako na naman dad? Bakit hindi niyo rin kausapin itong si Janelle para alam niya when to joke and when to get serious. Imagine sinabihan niya na high na naman ako."

"Baka nga high ka na naman kaya ka nagkakaganyan. Dahil ang Eda na kilala ko noon ay hindi sasabunutan ang kapatid niya for such a petty joke."

"That's not a petty joke dad."

"Mabuti pa siguro pumayag na lang ako na dalhin ka sa rehab."

"Bakit nga hindi niyo na lang ako dalhin doon? Dahil mukhang wala rin naman akong silbi rito."

She walk-out.

"Grizedale, come back here!"

Ngayon lang siya nasigawan ng ama. Pakiramdam niya wala na siyang kakampi sa bahay na iyon. Nakatanggap siya ng tawag kay Gresilda. Nag-out of town kasi ito kasama ang mga kaklase nito.

"Hello Eda? Kumusta dyan?"

"Pinagtutulungan nila akong lahat Gresilda" hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha buti na lang wala doon ang kapatid.

"Sino?"

"Sina daddy at Janelle."

"Pabida talaga 'yang Janelle na 'yan simula nang dumating siya sa bahay ay lagi na lang may dalang gulo."

"Kailan ka ba uuwi?"

"Sorry Eda, hindi pa ako makakauwi. Marami pa kasi kaming kailangan tapusin. Tapos nagvolunteer pa kami sa isang org for mural paintings. Baka matatagalan pa bago ako umuwi."

"You're the only one who understands me."

"Hayaan mo kapag nakauwi ako dyan ako mismo ang kakalbo dyan sa Janelle na 'yan, igaganti kita for sure."

She somehow laughed at her sister's joke.

"Mag-iingat ka dyan ah, huwag ka magpapagutom. I love you sis."

"I love you din sis. Sige na Eda, tinatawag na ako ng coordinator namin tatawag na lang ako ulit."

"Sige bye."

Kahit papaano ay maluwag na ang kanyang nararamdaman. Doon niya lang napagtanto na iniwan niya ang nobyo sa labas.

Lumabas siya ulit pero nakita niyang nakauwi na pala ang lalake.

Hindi pwedeng ganito na lang lagi. She needs to stand on her own. Alam niyang meron talagang sumasabotahe sa kanya. Ayaw niyang isipin na ang kapatid niyang si Janelle ang may gawa ng lahat ng iyon pero tama si Gresilda mula nga ng dumating ito lahat na nagbago sa kanya.

Tinawagan niya si Kyle. Isa ito sa mga malapit niyang kaibigan. Busy na kasi ito kaya hindi na sila halos nagkikita but he belong to her circle of friends.

"Kyle, are you busy?"

"Hindi naman bakit?"

"I want you to investigate something."

"Tungkol saan?"

"I'll tell you the details tomorrow. Magkita tayo."

She hung up the call.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon