Chapter 18 (Zoey's Truth)

12 3 0
                                    


Nang makabalik si Kade sa seminar  ay agad niyang dinalaw si Grizedale.

"I heard na madalas ka ritong dalawin ni Nick, nagkakamabutihan na ba kayo habang wala ako?"

"Si Janelle ba may sabi niyan sayo? Kahit kailan talaga..."

"Huwag ka ng magalit sa kapatid mo."

"Dalawang beses niya lang naman akong pinuntahan dito."

"Para saan? At teka nga bakit ka pa nakikipagkita sa lalakeng 'yon hindi ba sinabihan na kita."

"Hindi mo naiintindihan, Kade."

"Paano ko maiintindihan kung hindi mo sa akin sasabihin?"

"Okay. I think someone is behind all of this."

"Nandyan ka na naman."

"See? Sasabihin ko sayo hindi ka naman maniniwala. Tapos kong makapagselos ka kay Nick wagas, bahala ka nga dyan ang labo mo kausap."

Humalukipkip ito sa tabi.

"Hindi mo ba talaga ako kikibuin? Kararating ko lang oh."

"Kung hindi ka lang kasi maniniwala––"

"Okay, talk. I'll listen."

"Nalaman ko kay Nick na plinano lahat ni Gresilda ang lahat ng nangyari sa inyo ng gabing 'yon. At siya rin ang sumulat ng pangalan ko at gumamit ng pirma ko sa logbook ng hotel that night at hindi naman pala si Zoey."

"At naniwala ka naman kay Nick?"

"That's what my reaction at first. Kung hindi niya lang pinakita sa akin ang video na hawak niya talagang hindi ako maniniwala."

"Anong dahilan ni Gresilda para gawin iyon? You know your sister don't you? She is sweet and––"

"Kilala ko nga ba talaga ang kapatid ko, Kade? Hindi ko sila nakasamang lumaki, recently lang naman kami nagkasama."

Napaisip din siya sa sinabi nito.

"What about me? Why did she do that to me?"

"Maybe she likes you."

"That's absurd."

"Ewan ko. That's why I need to talk to her personally pero anong magagawa ko limitado lahat ng kilos ko rito sa loob."

"Kaya mo kinausap si Nick?"

"Nope. I talk to Nick because of what is happening to me. Si Janelle, ayaw kong mangbintang at sana nga mali ako sa hinala ko."

"Si Janelle?"

Tumango ang dalaga.

"Huwag na nga muna natin sila pag-usapan. Kumusta ang naging seminar mo?"

"Maayos naman. Nagkita nga kami doon ni Carla, hindi ko akalain na parte rin pala siya ng seminar."

"Ganoon."

"Oh selos ka naman agad?"

"Hindi ah, alam ko naman na wala na kayo at saka kampante ako na hindi ka magtsicheat dahil selos na selos ka nga nalaman mo lang na dumadalaw sa akin 'yang pinsan mo."

"Haba ng hair ah."

Natawa ito.

"Pero seryoso Kade, sana magkaayos na kayo ni Nick aminado naman ako na minsan gusto mo talaga siyang batukan pero mabait naman siya."

"Sige, kakausapin ko siya ulit. Kumusta ka na nga pala rito?"

"Heto nabuburyong na ako sa loob. Walang araw na hindi yata kami gumagawa ng art crafts. Heto nga oh hindi ko pa natatapos ang handmade basket ko."

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon