Hinihintay niya ang sagot ni Kade. Natatakot kasi siyang mag-isa sa room niya after what happened."Okay lang kung hindi ka papayag."
"Sige. Alam kong takot ka parin dahil sa nangyari, sorry talaga Eda. I should have stay."
"Ano ka ba, hindi naman kita sinisisi sa mga nangyari. At isa pa nagkataon lang iyon."
Hindi tumabi si Kade sa kanya, ipinagkasya nito ang katawan sa maliit na sofa.
"Ayos ka lang ba? Malaki naman itong kama."
"I'm good. Sige na, magpahinga ka na."
Humiga siya.
She's glad, Kade respected her.
Nang magising siya wala na doon ang lalake.
"Kade?" tawag niya.
Pumasok ang lalake na may dalang tray.
"Sakto gising ka na pala, heto dinalhan na kita ng pagkain."
"You should have wake me up."
"Hindi na, masyadong mahimbing ang tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising. Halika na."
Pagkatapos niyang kumain ay umuwi na rin sila. Humikab siya.
"You can sleep" ani Kade.
"Hindi na, can you open the window para hindi lang ako antukin."
"Sure."
Inihatid siya ng lalake sa bahay.
"Hindi ka na ba papasok sa loob?"
"Hindi na. May dadaanan pa rin kasi ako."
"Okay. Thank you for this trip, Kade."
"Eh nasira nga ang last stop natin sa Pala-Pala Market."
"Hayaan mo na. Nag-enjoy din naman ako kasama sina Andrew at Hazel. Alam mo 'yang girlfriend ni Andrew, napakabait, ang swerte ni Andrew sa kanya."
"Mas maswerte ako kapag ikaw ang naging girlfriend ko."
"Naisingit pa talaga eh. After two years nga."
"Sige na pumasok ka sa loob, aalis na ako."
"Ito naman nagtampo agad. Oo na."
He look at her confused.
"Ha?"
"Oo na nga."
"Sinasagot mo na ako?"
Tumango siya. Mabilis siya nitong niyakap.
Marahan niya itong pinalo.
"Yakap agad? Makita tayo ni daddy."
"Eh ano naman ngayon, girlfriend na kita. Parang ayaw ko na lang tuloy umuwi kung wala lang iniuutos si mama I will stay."
"Magkikita rin naman tayo next weekend."
"Umabsent na lang kaya ako. Nakakabaliw naman kapag nitong weekend pa bago kita makita ulit."
"Nasa restaurant din naman ako. Chat na lang muna tayo."
Kailangan niya pang itaboy ang lalake para lang makaalis ito. Sinalubong siya ni Gresilda.
"Mukhang masaya ka ah."
"Oo marami kaming pinasyalan ni Kade. Sa tagal ko rito sa Bacolod ngayon lang ko lang ang mga ito napuntahan."
"Buti naman."
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity
RomanceGrizedale 'Eda' Soler went back to the Philippines to study her TOTGA (The One That Got Away) course which is architecture then she met her art teacher Kade Ardiente. Unang pagtatagpo pa lang nila mainit na agad ang ulo nito sa kanya, akala niya noo...