Habang hinihintay ang order nila nakita niya si Andrew na kakarating lang kasama ang girlfriend nitong si Hazel."Are you alone, Eda?" tanong nito.
"No, I'm with Kade."
"Ahw. Alam mo Hazel interesting ang lovestory nitong si Eda at ng pinsan ko. Did you know na dati niyang art teacher si Kade?"
"Really? That's so cute."
"Lovestory ka dyan Andrew eh hindi ko pa nga sinasagot ang pinsan mo."
"Eh 'di sagutin mo na. Nasaan na nga pala 'yon?"
"Pinuntahan lang si Janelle saglit."
"Janelle?"
"My twin sister."
"Ahw. Siya okay ka lang ba rito? Nasa dulo pa kasi ang table namin ni Hazel."
"I'm fine. Marami naman tao rito. Sige na baka makadistorbo pa ako sa date ninyong dalawa."
"Are you sure na okay ka lang dito?" ani Hazel.
"Oo nga ang kulit ninyong dalawa. Go!" pagtataboy niya sa dalawa.
Dumating na ang inorder nilang pagkain wala parin si Kade. She tried to call him pero out of coverage ito.
"Are you alone?" saad ng isang boses.
"Hindi, may kasama ako."
"Parang wala naman eh."
"Desisyon ka?" pabiro niyang sagot.
"Wala ka naman yatang kasama, wala nga akong nakikita oh."
"Umalis lang saglit pero babalik din 'yon."
"Kaya nga wala kang kasama sa ngayon."
"Sinabi na ngang meron" medyo nairita siya dahil paulit-ulit ito.
"Bastos ka ah, ayusin mo nga 'yang pagsagot mo" sigaw nito.
Naalarma siya dahil nakatingin na sa kanila ang mga nasa katabing mesa.
"Sir, maayos ho ako nakikipag-usap sa inyo. Huwag naman po kayo sumigaw, nakakahiya po sa ibang tao."
"Bakit sa akin hindi ka nahihiya? Kilala mo ba ako? Anak ako ng isang business tycoon, kaya nga kitang bilhin eh."
Nakainom ito kaya halatang wala na sa wisyo. Hindi na lamang niya ito pinansin. She's trying to call Kade again.
Mayamaya pa nagulat siya nang baliktarin ng lalake ang mesa niya. Nahulog at nabasag ang mga plato. Natakot siya sa susunod na gagawin nito mabuti na lang may mga lalake ang lumapit para pumigil dito.
Bumalik din sila Andrew at Hazel.
"Are you okay?" tanong ni Hazel.
Tumango siya medyo shock parin siya sa mga nangyari.
"Ang mabuti pa doon ka na lang muna sa mesa namin."
"Sige" mahinang tugon niya.
Nawala ang gutom niya dahil sa nangyari. Ni hindi niya nga magawang sumubo ng pagkain dahil sa takot.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pinuntahan ni Kade si Janelle pero kanina pa siya paikot-ikot doon eh wala naman ito.
Bigla itong tumawag.
"Hello Kade nasaan ka na?"
"Nandito na ako. Kanina pa nga ako rito, nasaan ka ba?"
"Umuwi na ako ang tagal mo naman kasing dumating."
"Ha? Ano nga pala iyong sasabihin mo?"
"Next time na lang. Tatawagan na lang kita ulit. Bye."
Pambihira mag-isang oras na siyang nandoon. Nang makabalik sa Pala-Pala Market ay wala na si Grizedale sa mesa nila. Napansin niya rin ang mga nagkalat na bubog doon.
Nilapitan niya ang babaeng nagtitinda sa tabi.
"Ale, nakita niyo po iyong babaeng nakaupo rito kanina?"
"Ay oo, isinama siya ng lalake at babae kanina eh kasi naman may nanggulo sa mesa ninyo bigla na lang binaliktad ang mesa ayun tapon lahat ng pagkain. Sayang nga eh, mukhang hindi pa nagagalaw."
"Nasaan na po sila?"
"Doon sa ikatatlong station."
"Bandang dulo po tama?"
"Oo. Dumiretso ka lang."
"Sige po, salamat."
Nakita niya si Andrew at Hazel, kasama rin ng mga ito si Grizedale. Agad na niyakap niya ang dalaga.
"Are you okay?"
"I'm fine."
"Anong fine eh hindi ka nga makakain dahil sa takot mo doon sa nangyari. Saan ka ba kasi nagpunta Kade at iniwan mong mag-isa itong si Eda" litanya ng pinsan.
"Pasensya na Eda, hinanap ko pa kasi si Janelle pero nakauwi na pala siya. Sana hindi na lang talaga ako umalis, hindi sana nangyari 'to."
"Ayos lang talaga ako medyo nagulat lang tapos nanghinayang pa ako doon sa pagkain."
"Umorder na lang tayo ulit."
"Naku huwag na. Makikain na lang tayo rito kina Andrew. Okay lang naman 'di ba?"
"Oo naman. Double date na lang tayo Kade" ani Andrew.
Pagkatapos nilang kumain nagstay pa sila saglit bago bumalik sa hotel. Inihatid niya sa kwarto nito si Grizedale. Magkaiba kasi sila ng room. Okay lang naman iyon since hindi pa naman sila magjowa.
"Kade, can you stay with me tonight?" out of the sudden ay wika ni Eda.
"Ha?"
Bigla siyang nabingi sa sinabi ng dalaga. Papayag ba siya rito?
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity
RomanceGrizedale 'Eda' Soler went back to the Philippines to study her TOTGA (The One That Got Away) course which is architecture then she met her art teacher Kade Ardiente. Unang pagtatagpo pa lang nila mainit na agad ang ulo nito sa kanya, akala niya noo...