Trams the Jerk

20 0 0
                                    

Mads' POV

"Oooh Trams."

I'm shaking. Di ako makapaniwala sa napapanuod ko. Bakit? Bakit ganun si Trams? Kanina lang nakikipagtawanan sya sakin. Kanina lang concerned sya sakin. Pero ngayon? Bakit nya ba ako sinasaktan ng paulit ulit. Ay mali. Let me rephrase my sentence. Bakit na NILA ako sinasaktan ng paulit ulit. Ano bang ginawang kong masama sa kanila? Wala naman diba?

"Ma-ds, kakanina ka pa jan?"

Unti-unti nagdidilim ang paningin ko, ang mata kong punung puno ng luha ay unti-unting sumasara..

**

Pagkagising ko ay inakala kong si Trams ang maaabutan kong nagbabantay sakin pero as usual umasa nanaman ako. Walang nagbabantay sakin di kagaya ng inexpect ko. Well, sino bang may pakialam sakin aa school na to? Wala. Hays. Sana umuwi na si Jinky. >.

Tumayo na ako at nagpaalam na sa Nurse. Tinanong nya kung okay na daw ako at sinabi kong oo kahit ang totoo nasasaktan padin ako. Nasasaktan padin ang puso ko. Kahit naman sabihin ko sa kanyang masakit to wala naman syang mabibigay na gamot e. Kasi yung gamot na kailangan ko malabong bumalik sakin.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa Clinic ay nakita ko si Trams. Nakaupo sa balustre. Ewan ko ba dito sa puso ko. Di na natuto. Binuhay nya na naman ang pag asa sakin na maaaring hinintay nya ako. Scratch that.. malabong mangyari yun. Baka kahit matunaw pa ang yelo sa north pole e di ako babalikan nyan.

Nagsimula na akong maglakad at balak kong lagpasan nalang sya. Para san pa kung papansinin ko sya? Sasaktan ko lang ang sarili ko at hindi pa ako masokista para gawin yun.

1..2..3.. steps away from him. Kakayanin ko to ng hindi lumilingon.

"Wag kang lilingon. Wag kang lilingon MarjorieTrisha kung ayaw mong masaktan." Nagsisimula palang akong magrecite ng mantra ko ng tawagin nya ako.

"Mads.."

Tinawag nya ako. Dati rati parang tumatalon ang puso ko sa tuwa pag naririnig syang sinasabi ang pangalan ko pero bakit ngayon iba na? Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko pagkarinig ko nun.

Humarap ako sa kanya at nagpoker face nalang.

"Y-yes?" Bakit ako nagsta-stutter? Psh.

"Okay ka na? Yung nakita mo.. kalimutan mo nalang. You're not supposed to see that. Kalimutan mo nalang kung anong nakita mong ginagawa namin dun. A-ayokong machismis ang girlfriend ko."

"... A-ayokong machismis ang girlfriend ko."

"... A-ayokong machismis ang girlfriend ko."

"... A-ayokong machismis ang girlfriend ko."

That moment I wished I was Sammy. Pero agad kong inalis sa isip ko yun. Kailangan kong magmukhang matatag sa harap nya.

"Sure. Hindi naman ako kasing demonyo ng iba jan at hindi kasing bitch ng girlfriend mo." Matapang na sagot ko.

Bago pa nya ako maunahan ay umalis na ako. Hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ako ng isang segundo sa harap nya dahil baka lahat ng lakas na natitira sakin ay mawala na at mauwi nanaman ako sa Mads na nagmakaawa sa kanya noon.

**

Pagkatapos ng eksenang yun ay agad akong umuwi ng bahay. As usual mukmok to the max nanaman ako. Naisip kong mag inom para mawala lahat ng to kahit saglit lang pero naisip ko na mahina pa ako at hindi nga pala ako nakapaglunch kanina. Gaya ng sabi ko hindi pa naman ako masokista para gawin yun.

Lima? Anim? Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak. Pati sina mama nag aalala na. Pero sinabi ko na wag silang mag alala dahil okay lang ako. Hanggang ngayon di padin alam ni mama na nasasaktan ako. Para san pa? Masyado na syang maraming iniisip at ayokong dumagdag pa.

Kinabukasan..

Maaga akong bumangon at pumasok sa school. Ayoko kasing makita ni mama na ganito ang itsura ko. So 5am palang andito na ako sa school. Kasabay ko pa nga yung guard na nagbubukas ng gate e. Well, iba na talaga ang epekto ng brokenheart.

What's the best thing to escape from this world? Edi pumunta sa ibang mundo! Don't get me wrong ha. Wala naman akong balak pumunta sa Mars at Jupiter. Ang tinutukoy kong mundo ay mundo sa loob ng libro. Well, proud bookworm here.

Nag open ako ng tab at syempre pumunta sa wattpad app ko. I'm currently reading Palengke Lovestory ni Epiiicduhxx e. Sayang nga on-going pa.

Natapos ko na yung 2 chapters ng maisipan kong ibang story naman. Nakita ko sa Library ko yung Three Words Eight Letters Say It and I'm yours. Sabi kasi ni Epiiicduhxx e favorite story nya daw so binasa ko. Sa sobrang pagkahumaling ko e nasa kalhati na ako ng story ng mapansin kong 7:29 na! Malelate na ako sa klase. Agad agad akong nagayos at pumunta na sa classroom. Luckily, wala pang teacher sa unahan.

Pagkadating ng teacher ay nagturo na sya. Bla bla bla. Wala akong naiintindihan. Lumilipad ako este yung isip ko. Kailangan ko magconcentrate! Pero wala e. Lunch break na agad.

Pumunta ako sa Caf. Kung mamalasin ka nga naman wala nang bakanteng table kundi yung table sa tapat ng table nina Sammy at Trams. Hays. No choice. Kesa naman mahimatay nanaman ako sa gutom.

Nagbasa nalang ako ng story habang nakain para di ko sila mapansin.

Patapos na ang break ng matapos ko ang story. Iyak ako ng iyak! Pano ba naman namatay si Kean!

"See? Wala talagang happy ending. Kaya ikaw Mads, hayaan mo sila. Magbebreak din yun!" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang classroom.

Malapit na ako sa building kung nasan ang classroom namin ng makita ko si Trams..

May kahalikan.. What's new? Yung girl. Hindi si Sammy yung girl.

Dahil dalang dala parin ng story yung emosyon ko ay nilapitan ko sila.

"Trams! Kulang pa ba ang panloloko mo sakin? Kaya pati si Sammy lolokohin mo din? Hindi ka ba nakukuntento sa isa? Tsaka yan! Si Chelsea yan diba? Kasama sya ni Sammy sa cheering squad! Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginagawa nyo?"

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko pero maya maya lang ay nag iba ang itsura ni Trams. Mukha syang galit na galit.

"Hoy Mads! Anong sinabi mo? Niloko kita? For your info, break na tayo nung naging kami ni Sammy. BREAK NA TAYO NUNG NAGING GIRLFRIEND KO SI SAMMY! Hindi kita niloko! Ikaw lang naman tong hindi makamove on sa ati--"

*paaaaaaaak!

I slapped him. Buong lakas yun. Ang sakit. Sobrang sakit ng mga sinabi nya. Pero sa isang banda tama naman sya e. Ako lang talaga tong hindi makamove on. Pero masakit parin!

"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo at sa inyo ni Sammy. Pero wag kang mag alala. Di ko ugali ang manira ng relasyon ng iba.." sabay tingin ko kay Chelsea. "I won't tell her."

"You know what Trams? YOU'RE A JERK. I regret falling inlove with you. You're not worth my tears or even Sammy's. Just remember this jerk, Karma is a Bitch."

Pinahid ko ang luha ko at taas noong umalis.

Si Trams sa side. :)

Whenever You RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon