Sammy the Bully

23 0 0
                                    

Mad's POV

Kaaga aga e iniinis ako ng mga taong to. Kung makatingin! At kung mapagkwentuhan ang buhay ko e parang wala ako sa harap nila. Hays!

By the way, nandito lahat ng students sa may gym. Orientation kasi, since first day of school. Kailangan daw malamang ng mga freshmen ang kalakaran. Duh? Ano namang kinalaman namin jan? Ts. Ewan ko ba sa eskwelahang ito.

"Goodmorning guys! And welcome to our freshies there. I hope you enjoy your stay here at Southville. Thank you." Sa hinaba haba ng speech ng principal e yan lang ang naintindihan ko.

Aba at di parin tapos! May performance pa ang cheering squad. Ts. Cheerleader nga pala si Sammy. Hay nako.

After 123456789 years natapos din ang performance nya. Oo. NYA. Pano ba naman pasikat.


Ang kakapal ng mukha! Nakuha pang maghalikan nina Trams at Sammy sa harap ng madaming tao! Bwisit! Kainis! Kainis!

Makaalis na nga dito! Since nagsisilabasan nadin naman ang iba. After nito e wala daw munang klase. At free daw ang students especially ang freshies na maglibot sa school. Like duh? 10am palang! Ano namang gagawin ko? Wala pa naman si Jinky. Napasarap na sa Paris ang bruha.

Naglalakad lakad ako at nagiisip kung ano ang pwede kong magawa nang maramdaman kong..


"Sht! Sasabog na ang pantog ko!!"

Nagmamadali akong tumakbo papuntang cr syempre sa may gym kasi di pa naman ako nakakalayo.


Ow. Kumbaga sa sa chess e checkmate nako. Balwarte nga pala ng cheerleaders at players tong gym. Andito lang naman sa cr si Sammy kasama ang mga bratinela nyang friends.

"Ow. Look who's here. Hello there Marjorie."
Psh. Plastik. Sabay irap pa.


Di ko nalang sya pinansin at nagdiretso na sa loob ng isang cubicle. Uunahin ko pa ba sya kesa sa pantog ko? No way!


Nang mailabas ko na lahat ng dapat ilabas e lalabas na ako pero..

"Waaaaaah! Help! Help! May tao ba jan? Buksan nyo tong pinto! Help!"


Grabe. Ang creepy! May naglock sakin dito sa loob! Grrrrr. Sina Sammy siguro.


"Help! Help!"


Mukhang wala nang tao! Kaya no choice, gagapangin ko nalang tong ilalim ng pinto. Since slim naman ako e siguro kasya ako dito.


1..2..3.. Hays. Success! Nakalabas na ako ng cubicle ng biglang..

*Splaaaaaaash


O____________O

Binuhusan nila ako ng pintura..

"Hahahahahahaha! Ang ganda mo Marjorie! Mukha kang living painting! Ay mali! Living mural! Since mukha ka namang pader. You know, flat. Hahahahahahahaha!"


Pinagtatawanan nila ako. Naiiyak nako!


"Goodluck kung makakalabas ka pa ng ganyan ang itsura. Hahahahaha. Kung ako sayo dapat nagpalock ka nalang sa loob ng cubicle. Hahahaha. Bye!"


At umalis na nga ang mga demonyita. Asar! Pano na ako! Kanina ko pang pinipigilan umiyak. Kasi hindi ako papatalo sa kanya! No way!

Dahil eto ako mukha nga daw living mural edi pinagtatawanan ako ng mga students at pati mga freshies nakikitawa. Lalo tuloy akong naiiyak.

Sa sobrang hiya e nagtago nalang ako dito sa may Serenity Garden, wala naman masyadong estudyante kasi start na ang klase. Oo. Late na ako at di pa ako nakakapaglunch. Umubob nalang ako pero napansin ko na may nakaluskos


"Sino yan? Lumabas ka na jan! Hindi ako natatakot say--jdngvsjdmjk"


Aba! Tinakpan ang bibig ko! Makikidnap pa yta ako!


"Jksbdhzj usbsyskshdn siakmndfnsus!" Sigaw ko. Pero sino bang makakaintindi nyan?

Hinila nya ako hanggang sa likod ng isang malaking puno. Agad kong tiningnan sya.


"Kidnapp--Trams?"

Siya. Si Trams ang humila sakin. Pero bakit?


"Bakit mo ako hinila? Bakit? Aawayin mo pa ba ako? Lalaitin? Sure! Eto na oh. Mukha na akong basahan dahil sa magaling mong girlfriend. Masaya ka na?" Sht. Yung mga luha na kanina ko pang pinipigilan. Kumakawala na. Sa harap pa nya! Bakit?

"Ibibigay ko lang sayo to." Sabay abot ng isang paperbag.

"Ano namang gagawin ko jan? Peace offering? Thanks, but no thanks. Sayo na yan! Iregalo mo sa bruha mong girlfriend!"

"Mads! Nalaman kong si Sammy ang gumawa nyan sayo. Kaya binili agad kita ng damit para may masuot ka at makapasok sa klase."

Did he just said he bought me clothes? Really?


"T-thank you." Kesa naman di ako makapasok diba?

"Ahm. Mads, sorry sa ginawa ko sayo ha. Sorry. Sana mapatawad mo ako."

"T-trams."


Unti-unting lumalapit ang mukha nya, kaya napapikit nalang ako.. After 1..2..3.. seconds wala padin. Pag mulat ko nakangisi sya.

"Akala mo siguro hahalikan kita no?"


"What? Hindi kaya! A-ano napuwing kasi ako kaya pumikit muna ako! Tama! Yun!"

"Hahaha. Okay. Sabi mo e. Ahm, Marjorie.."


"Bakit?"

"I .. lo--"

"Traaaaaams! Nasan ka na?" Epal naman oh. Si Sammy yun. Hays.

"Sige Mads, ahm maiwan na kita. Bye."

"Sige."

Naglakad na sya palayo ng bigla syang lumingon..

"Khnhom srolanh neak na Marjorie.."


Saka sya nagtatakbo..

Loading.. loading..


"Ha? Anuuu daw?" Bakit ganun? Di ko naman naintindihan ang sinabi nya pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Hay Trams! You're making my life miserable!


Nang makarecover ako sa pagpapalpitate e nagdesisyon akong pumunta na sa shower room at magpalit. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng kaunti ay lumabas na ako ngcr para pumasok sa susunod kong klase. Nang mapatapat ako sa isang bakanteng room.. Di sinasadyang napatigil ako sa narinig ko.

"Oooh Trams." Ungol? At ano daw? Trams?

Nailaglag ko nalang ang dala ko sa nakita ko...

Sina Sammy at Trams nagmemake out sa loob.

Epiiicduhxx

Whenever You RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon