Chapter 13

1 0 0
                                    

May narinig akong nabasag sa second floor ng bahay kaya tumakbo ako paakyat dun nung nabuksan ko yung pinto nagulat ako ng nakita ko si Rio na nakaupo sa Gilid at umiiyak Tinignan ko ang buong kwarto andaming nabasag lahat ng mga aklat nagkalat sa sahig. Lumapit ako sa kanya.

"Rio anong nangyari? May sugat ka." Sabi ko sa kanya. Bigla niya kong niyakap.

" Sydeia, bakit ganun naaalala ko siya sayo kahit anong pilit ko na hindi ikaw siya naaalala ko parin siya sayo." Banggit niya habang yakap ako patuloy parin siya sa pag iyak naaamoy ko ang alak sa kanya. Lasing siya.

"Shhh, okay lang yan Rio, tahan na." Pagpapatahan ko sa kanya nung naramdaman kong kumalma na siya pinakiramdaman ko ang hininga niya malalim na ito, nakatulog na siya sa kakaiyak. Isinandal ko siya sa kama niya tumakbo ako pababa papunta kay manong gaurd nagpatulong ako sa kanya na buhatin si Rio. Tinawag ko din si manang yaya niya ata nag-ayos siya ng pamalit at pamunas para kay Rio. Nagtulungan kaming bihisan siya at si manang na nagpunas sa kanya ginamot ko nalang yung mga sugat niya.

"Manang ano pong nangyari sa kanya?"tanong ko
"Hija, matagal ko ng alaga itong batang ito ako na nagmistulang ina niya, nung nakaraang nadalawang taon may dinala siyang Girlfriend niya dito. Ang mommy at daddy niya ay sa U.S  nakatira nag iisa siyang anak ng mag asawang Lawrence."tumigil siya saglit para tumingin sakin.

"Umuwi ang mommy at daddy niya dito nung nalaman nilang may girlfriend na si Rio pero ang nais ng mommy at daddy niya si Julie ang papakasalan nila. Nung panahon na yun malapit na silNg ikasal nung girlfriend niya matagal niya na itong ipinapaglaban sa mommy at daddy niyA pero hindi talaga iito gusto ng magulang niya. Nag away sila, hanggang sa humantong sa nagtanan silang dalawa umalis sila pero nalaman nito ng mommy niya kaya ipinahabol niya ito sa mga tauhan niya dun nabangga ang sasakyan nila dahil narin sa bilis ng pagpapatakbo niya. Dahil sa aksidente namatay ang girlfriend niya simula nun sinisi niya ang sarili niya sa pagkamatay nito lumayo ang loob niya sa mga magulang niya nung mga panahon na yun kasama niya lagi si Julie na kababata niya. Pero nung nalaman niyang nagkasundo ang mga magulang nila na ituloy ang pagpapaksal sa kanila lumayo na din siya kay Julie. Hanggang sa naging ganyan na siya naging playboy na ito nagbisyo na din siya. Kahit hindi naman talaga siya ganyan dati, pero hija ramdam ko na magiging malapit ka sa kanya dahil ikaw ang tinawag niya nitong ganto siya." Ngumiti si manang nung huling sabi niya hindi nalang ako umimik.

Umalis si manang tinitigan ko lang siya, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, maya maya naramdaman kong nahihirapan na kong huminga nagmadali akong kunin yung inhaler ko, Ano ba yan! Wala nang laman! Hinanap ko yung extra kong gamot pero wala.

Tumakbo ako palabas ng bahay ni Rio mabuti nalang may taxi na dumaan,pagdating ko sa bahay hirap na hirap na ko nagdoor bell ako narinig ko ang boses nina kuy na tumatawa. Pagbukas niya nagulat siya nangnakita niya kong nakahawak sa dibdib ko.

"NEZIE!! NICK!!JEDD!! Ihanda niyo yung oxegen tsaka yung gamot ni Nezie!!"sigaw niya habang nagmamadali akong binuhat papasok sa bahay.

Inupo niya ko sa sofa isinuot ni kuya Nick sakin yung oxegen.

"Hinga ka lang Nezie, Ito gamot mo."Binigay sakin ni kuya Jedd yung gamot ko.

"Anong nangyari Nezie, diba dala mo yung inhaler mo?"kuya Cedric

"Ano ba Cedric! Nakita mo nang nahihirapan siyang huminga tinatanung mo pa ng kung ano ano!" Pasigaw na sabi ni kuya Nick.
Ininom ko yung gamot tsaka ko sila tiningnan.

"Kuya Cedric, wala palang laman yung inhaler nakalimutan ko din yung extra kong gamot." Mahina kong sagot.

"Ano ba Nesay! Hayaan mo na muna si Cedric mamaya mo na siya sagutin magpahinga ka na muna." Si kuya Jedd. Nataranta talaga sila kuya Nezie ang tawag nila sakin e. Ganyan sila pag natataranta.

"Pano pag di ka dumating dito? Edi pano ka? Hindi ka manlang nagtext or tumawag!"si kuya Cedric. Siya talaga ang pinaka maaalahanin samin.

"Okay na ako kuya." Sabi ko sa kanya. Si kuya Nick may kausap sa phone pero nakatingin sakin.

"Cedric umalis ka na nga muna dito!" Si kuya Jedd tsaka tinulak si kuya Cedric. Kumalma na ko kaya pinatay ko na yung oxegen ko. Tsaka ako umupo , sila kuya talaga thankful ako kasi lagi nila akong inaalagaan. Ako lang ang nagkukuya sa kanila si kuya Nick at kuya Jedd hindi nila kinukuya si Kuya Cedric. Si kuya jedd din hindi kinukuya si kuya Nick.
Naalala ko nanaman si Rio. Rio tutulungan kitang makamove on sa kanya. Umupo si kuya Nick sa tabi ng sofa na hinihigaan ko.

"Are you okay? May problema ba?" Tanong niya sakin, nag alala din siya.

"I'm okay na kuya"ngumiti ako sa kanya.

"Tinawagan ko sina mama, they said na dapat daw we bring you to hospital, kukuha daw sila ng flight pauwi dito."mahinahong sagot niya.

"NO!", nabigla siya sa pagsigaw ko dahilan ng pag-ubo ko. Lumapit siya sakin.

"Don't shout Nesay, wag kang mag -alala sinabi ko ng wag na silang pumunta kasi alam kong ayaw mong maabala sila." Sabi ni kuya Nick

"Sorry"sabi ko nalang.

"Nesay alam ko may bumabagabag sayo, sabihin mo na sakin you can trust me."malambing niyang sabi. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Yumakap ako sa kanya.

"Kuya"sambit ko habang humihikbi. Sa kanilang tatlo si kuya Nick ang pinaka nasasabihan ko ng problema si kuya Jedd naman ang laging nakakapagpatawa sakin.

"Nesay it's okay, shhh" paulit ulit niyang sinasabi sakin yan.

"Kuya hindi ko alam kung pano pero sa palagay ko nahulog ako sa maling tao." Sabi ko sakanya sa pagitan ng paghikbi ko.

------------------

-Jeddmer Sanchez image

When a Playboy feel the LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon