Weird. Ang weird na babae. Although hindi naman malabo na artista siya kasi napakaganda niya, ang weird nung nasa kanya naman na ang lahat, nagrereklamo pa. Yung mga rich kids talaga, feeling entitled. Kaunting issue, big deal, mag-iimpake, magso-soul search kuno pero ang totoo, nag-aaksaya lang ng pera. Ang daming time.
"'Pag-pumupunta kami ng parents ko sa mall noon, naku, nagtatakbuhan ang mga tao para makapagpapicture sa akin. Literal na stampede. 'Yung iba madampian lang ang balat ko—'Ahhh- oh my God!' Ganun!"
Pinakinggan ko siya, nababawasan ang lungkot ng mukha niya tuwing inaalala niya yung mga panahong 'sikat' pa siya.
"Tapos nung eleven ako, first time kong reglahin! Sa set pa ng Might Baby Nene! Na-headline 'yun sa maraming tabloid."
Natawa ako. "Importanteng malaman ng sambayanan iyon?" Hindi niya ako sinagot. May kinang sa mga mata niya na parang pangarap lang ang sinasabi niya pero hindi, isa iyong alaala na nangyari sa kanya.
"Lahat ng gustuhin ko 'nun, nakukuha ko. Chocolates, laruan, gadgets.."
"Boyfriend?"
"Maliban dun. Sasakalin ako ng Mama't Papa ko." Finally, naramdaman niya rin ang presence ko. "Tapos nung nagdadalaga ako, tumumal ang projects ko."
"Dahil?"
"Eh siyempre, nagustuhan ako ng mga tao bilang child star. Ang cute-cute ko kaya 'nun."
"Hindi na sila nakukyutan sa'yo ngayon?" Ang taas naman pala ng standards ng mga Pilipino sa Pinas, kasi kung ako ang tatanungin, ang ganda talaga niya. Hindi basta cute ah. Maganda, sobra.
Hindi sinagot ni Miss na Maganda pero weird ang tanong ko.
"Tapos may bago pang kid sensation ang sumulpot. Si Tana Frias. Akala mo naman ang ganda-ganda, mukha namang bisugo. Tapos may putok iyon, sobra! At saka andaming lisa! Kadiri. Feeling ba niya, pagtanda niya, maku-kyutan pa rin ang mga tao sa kanya? Bwisit!" Hindi itinago ni Miss na Maganda pero weird ang himutok niya, nanatili pa rin akong nakikinig.
"Alam mo, kung ayaw na ng mga tao sa akin, eh 'di ayaw ko rin sa kanila! Kaya ko kahit wala sila! Kaya ko kahit ako lang."
She was full of conviction. Sa harap ko ay isang babaeng pagod na pagod na sa lahat ng shits sa buhay. Hindi masyadong malaki ang shits niya pero sino ba naman ako para humusga ng baggage ng kahit sino? Hindi ko naman pupwedeng ipilit na meron pang mas malalaki ang problema kaysa sa problema niya kaya hindi dapat siya nag-iinarte. She tilted her head and looked at me with her naked eyes. I saw a lot of emotions, sadness, angst, insecurity.
"Hindi ka na mag-aartista?" Tanong ko.
"'Di na! I quit!" Malakas ang pagkakasabi non ni Miss Maganda pero weird. It echoed through the streets of Saga, paano kasi ay tahimik na talaga at wala nang ibang taong lumalaboy ng ganitong oras. Ang lamig kaya. Saka sa probinsya ng Japan, wala masyadong activities ang mga tao, kahit nga sa Tokyo, sarado na ang karamihan ng alas-otso. May kaunting bukas na restaurants at Karaoke bar sa paligid pero hindi ibig sabihin pupwede na siyang magsisisigaw.
"I quit!" Mas malakas na iyon kaya pinanlakihan ako ng mata.
"Ssssh! Wala ka sa Maynila!"
Nagkibit-balikat lang si Miss na Maganda pero weird sa suway ko. "Ano na ang gagawin mo sa buhay kung magku-quit ka?"
As if I heard a sound effect of crickets, Miss na Maganda pero weird stared at me blankly. Lumiwanag lang ang mukha niya nang may makita siya sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Between Maybes (Novel Version)
Chick-LitAn ABS-CBN Film starring Julia Barretto and Gerald Andreson based on the screenplay of Direk Jason Paul Laxamana.