First day of being a guardian to a stranger. Tinitingnan ko ang numero ni Miss Maganda sa cellphone ko. So Hazel Ilagan pala ang pangalan niya. Nagkibit-balikat ako habang idina-dial ang numero niya.
"Hello?" She answered on the second ring.
"Buhay ka pa?"
"Oo."
Nagpatuloy ako sa pag-gawa ng miso soup para sa breakfast. Hindi naman pala ganoon katrabaho ang maging guardian.
Kahit naglilinis ako ng lamesa sa trabaho nung tanghali, hindi ko siya nakalimutang tawagan. Mabuti at hindi naman ako pinagbabawalan ni Sadako na magcellphone siguro dahil alam niyang OFW ako, kaligayahan ko na ang may katawagan. Akala niya lang 'yon. Madalang pa sa patak ng ulan ang tawag na ginagawa ko sa isang araw, madalas pa tungkol sa trabaho.
"Hello?" She answered.
"Okay ka pa?"
"Heto, may binibisitang shrine. Ang ganda nito 'oh!"
Napapikit ako, ang ingay talaga niya. "Hinaan mo lang ang boses mo. Tawagan kita mamaya."
"Okay fine!"
Nang dumating ang gabi, tinawagan ko muli siya. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsalita.
"Hello?" Ako na mismo ang nagsalita.
Nakarinig ako ng pagpukpok ng malakas. "Ba't ayaw lumabas nung pinili ko?"
"Saan?"
"Sa vending machine!"
"Magkano ang ipinasok mo?"
"100 yen."
"Magkano ang nakalagay sa pinipindot mong button?"
"130.. Ay kaya pala."
Nakangiti kong ibinaba ang telepono. At least merong conversation. Kahit papaano, nakakalibang pala na merong katawagan. I can live up to this.
Day 2. Naglalakad ako papabalik ng apartment galing sa pagtulong sa pangingisda.
"Hello?" Mahina at mabagal na sagot ni Hazel.
"Humihinga pa?"
She just sighed as an answer. Ibinaba ko na ang tawag dahil tingin ko nagising ko siya. Tumawag lang ako ulit nung tanghali na. Personal na oras ko iyon dahil lunchtime.
"Hello?"
"Buo pa ang bungo?"
"Yes!" Nagmamadali niyang sagot, I heard a dial tone after.
Nang gumabi, tumawag ulit ako kay Hazel. Nakarinig ako ng ingay sa paligid.
"O?" Walang ganang sagot niya.
"Tumitibok pa ang puso?"
"Ano sa tingin mo?" It was as if she was annoyed. "Uy, Louie, parang masyadong marami ang tatlong tawag kada araw. Dalawa na lang. Isa sa umaga, huwag masyadong maaga, ha? At saka isa sa gabi."
I shrugged. Second day pa lang, pakiramdam niya hindi na rin niya ako kailangan. Ang bilis naman niya ma-dettach. But then, sino ba ako para magtanong?
Day 3. Medyo matagal sinagot ni Hazel ang tawag. Kakababa ko lang sa fishing boat.
"Buhay ako!" Nagulat pa ako nang sigawan ako ni Hazel kaysa mag'hello'.
Nung panggabi kong tawag, hindi pa ako nagsasalita, nagsalita na siya.
"Buhay na buhay!"
Day 4. Sumagot siya sa isang ring pa lang nang umagang iyon.
"Wala na, patay na."
Nung gabi naman..
"Booo... hayyy."
Day 5. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Hazel. Nagri-ring naman pero hindi siya sumasagot. Nakaramdam ako ng pag-aalala pero sabi niya, isang tawag lang ang kailangan niyang sagutin para malaman kong ayos siya. Susubukan ko na lang ulit mamaya.
Ano ba, Louie. She's okay. Baka ayaw lang ng kinukulit. Sabi ng konsensya ko.
Bakit? Ako ba ang humiling na tawagan ko siya? Siya naman 'di ba? So bakit ako nag-aalala? Sagot naman ng isa ko pang konsensya.
Nakatingin ako kay Sadako na abala sa cashier. Ayoko sanang gawin pero..
"Miss Sadako?"
"Nani?" (What?)
"Watashi wa 3-kakan ofu ni toru koto ga dekiru baai, watashi wa omotte imashita." (I was wondering if I could take three days off.)
"Itsu?" (When?)
"Ashita kara hajimarimasu." (Beginning tomorrow)
Tiningnan ako ng masama ni Sadako. This time para talaga siyang si Sadako ng The Ring.
"Doko ni iku no?" (Where are you going?)
"Doko nashi." (No where.) Chismosa rin pala ang Haponesa na ito. May vacation leave naman talaga ako at hindi ko iyon nagagamit.
Gabi nang sinubukan kong i-dial ulit ang number ni Hazel. Umaasa akong sasagutin niya dahil kung hindi, mapapraning na naman ako at hindi ako sanay na mapraning para sa ibang tao. Bakit ba ako pumayag na gawin siyang responsibilidad? I heard a beep tone after three rings. Sinubukan ko ulit pero ganun ulit ang ginawa ni Hazel, kina-cancel niya ang tawag. Ibinaba ko ang cellphone ko. Pagkalipas lang ng ilang sandali, sinubukan kong tawagan siya pero kahit ring ay hindi na nangyari. Pinatay na niya ang cellphone niya. Ayaw siguro ng kausap. Usap? Usap ba yung mga one word niya tuwing sinasagot ang mga tawag ko? Siya na nga rin ang nagbababa. Wala pang thank you 'yun ha.
"Eh di huwag." Masama ang tingin ko sa cellphone ko. Napailing ako. Ito pa ang igaganti niya sa pag-aalala ko?
BINABASA MO ANG
Between Maybes (Novel Version)
Chick-LitAn ABS-CBN Film starring Julia Barretto and Gerald Andreson based on the screenplay of Direk Jason Paul Laxamana.