MISSING...
My wife still can't be found. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin mahanap si Max. Nawawala siya at nawawala din ang kapatid ko. Ayokong mag-isip ng masama pero parang mauulit na naman ang nakaraan.
"Sa tingin mo ba ay may pwedeng sinamahan si Max, Adyell?" tanong sa akin ni Tristan na nagtatrabaho sa NBI. Kababata ko siya dahil anak siya ng abogado ni papa.
"I don't know..."
Tatoong hindi ko alam. Ayokong isipin na magkasama sila ng kapatid ko. Sana hindi. Sana mali ako.
"Anong oras mo siya huling nakita?" muling tanong sa akin ni Tristan. Natanong na niya iyon sa akin kanina at mukhang inuulit-ulit lang para malaman kung nagsasabi ako ng totoo.
"I told you na hindi ko sigurado ang oras, may CCTV at hindi ko alam bakit ang tagal ng review niyo sa footage."
Tumango lang si Tristan at muling magsasalita pa sana nang pumasok ang dalawang kasama niya sa office ko at sabihin na na-review na nila ang mga CCTV footage. I puffed out some air annoyingly, hindi ko alam kung anong kabagalan ang ginagawa nila. I checked the time in my wrist watch, it is already six in the morning. Kung tinakasan na naman ako ni Max at sumama sa kapatid ko ay siguradong malayo na sila.
"Adyell..." tawag sa akin ni Tristan na pinapanood mula sa laptop nito ang footage.
Tumayo ako mula sa swivel chair na inuupuan at nilapitan silang tatlo na nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop.
"That's my wife," I confirmed as I saw the back of Max walking out the ballroom. She was walking alone. Gusto kong makahinga nang maluwag na hindi niya kasama si Laurent, ang kapatid ko, na dati ay naging... kalaguyo niya.
Yes, my wife has an illicit affair years ago with my half-brother. Nagkaroon sila ng relasyon noon dahil sa kalokohan ni Laurent. My wife was just a victim.
"She went alone..." bulong ko habang humahakbang pabalik sa upuan ko kanina.
"Sino itong kausap niyang babae? Kaibigan?" tanong ni Tristan na dahilan para bumalik ako sa likod nila at tingnan ang tinutukoy na babae.
"That's... that's Michelle..." ani ko nang makilala ko kung sino ang tinutukoy nilang babae.
"Friends sila?"
"Dati."
"Dati? May tampuhan sila ngayon?"
Hindi ako makasagot agad. Paano ko ba sasabihin na dating magkaibigan sina Max at Michelle? Si Michelle ang girlfriend ko dati pero dahil kailangan ko pakasalan si Max dahil nabuntis siya ng kapatid kong siraulo ay ginawa kong dahilan iyon para magkahiwalay kami ni Michelle. Simula iyon na hindi na sila magkasundo pero after maaksidente ni Max ay nawala na siya. Walang naaalala si Max ngayon, she is suffering with amnesia. Natagpuan ko siya almost ten months ago sa Greece, working in a flower shop.
Masyadong magulo kung sasabihin ko pa ang lahat nang pangyayari. Magulo. Kasinggulo ng isip ko ngayon kung bakit ako tinakasan na naman ni Max...
"Ano ang pinag-awayan nila?" tanong ni Tristan.
"May amnesia si Max kaya hindi niya maalala ang lahat. I just found her in Greece months ago at ilang buwan kami na sa ibang bansa nagpapalipat-lipat dahil sa negosyo. Bago lang sila muling nagkita ni Michelle, nang makabalik lang kami dito sa Pilipinas."
Tumango si Tristan at pinalabas na ang dalawang kasama niya. Muli niyang ni-review ang footage at saka ako binalikan.
"Nakuhaan ang pag-alis ng asawa mo ng alas-diez y media ng gabi. 10:32 P.M. to be exact. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo na lalabas?"
BINABASA MO ANG
Carnal Schemes
Romance-COMPLETED- SPG!!! EROTIC SCENES! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Adyell Andreev was a Russian-Filipino billionaire. He lost his wife in an accident, and when he found her again, he did everything to make their marriage works even though s...