CLOSER.
We were there, Max and me. Touching, cuddling, kissing... Showing and expressing how we love each other. Yes, we were always in that scenario but were always deprived by our fate, too.
I closed my eyes tightly. Tama pa ba ang pinaglalaban ko? O mas tama si Max? I remember the last time that we talked. I remember when the conversation was heated between us.
"Your body wants me... Your mind wants me. Your heart. Your soul... I am always been the one you will ever wanted and yet... yet you are rejecting my love just because of conscience that you are telling me now!" masama na ang loob na sabi ko kay Max. Mukhang kahit anong sabihin ko na paliwanag ay ayaw niya akong pakinggan. Hindi ko na alam kung ang nagawa niya ba talaga kay Laurent ang nasa isip niya o talagang hindi niya lang maamin pero si Hakeem ang pipiliin niya kaysa sa akin.
"You are only blinded right now..." umiiling na tugon niya. Nasa mga mata niya ang dismaya sa akin. "You are a good man, Adyell... but now you can't see why I need to choose Hakeem over you. You have everything you want! Pero si Hakeem... ako lang ang mayroon siya."
"I don't have everything in life dahil wala ka!" Gusto ko nang magwala. "Ikaw ang kailangan ko! Ikaw lang ang kokompleto sa akin... at hindi naman ibig sabihin na bumalik ka sa akin ay pabayaan mo na si Hakeem. Sabi ko nga ay tutulungan kita..."
"Oh... so do you want me to divorce him or make you my lover? Alin doon, Adyell?"
"Kahit saan!" My tears started to blur my eyes. "Kahit saan, Max!!! Kahit saan... Kahit gawin mo akong kabit ay masaya na ako basta alam kong akin ka!"
She pursed her lips tightly. Tumango kasabay ang pagpatak ng luha niya. "Then... then you really prove to me na hindi ka nga naiba sa kapatid mo. You are remaking what Laurent did to you and my twin."
What the fuck?! She gave me an option, and now she compares me to my psycho brother. That's fucking absurd!
"Again... between you and Hakeem, I choose him," desididong sabi niya. "I'm sorry... pero hindi ko kayang lokohin pa si Hakeem. He doesn't know na sumama ako sa iyo noon. I lied to him para lang magawa ang plano ko para sa kakambal ko. At dahil doon... kahit anong gawin natin ay hindi na rin magbabago ang totoo... Ako ang pumatay sa kapatid mo, at ang kapatid mo ang pumatay sa kakambal ko... We were doomed to be together, Adyell. And we need to accept our fate."
****
"WHAT now?" Kevin disturbed my thoughts with that question.
Kasama ko nga pala siya kanina pa. At marami na siyang sinasabi pero naglakbay na naman kay Max ang utak ko.
I was reading the new information about Hakeem that he presented me when I remembered what Max said nights ago. So ito pala ang dahilan... Hakeem's businesses were all turned to bankruptcy. Lahat naibenta na. Kaya pala sinasabi niya na siya na lang ang mayroon si Hakeem. At kaya pala nagtatrabaho na siya para sa lalaking iyon.
Biglang pumasok sa isip ko ang sabi ni papa kagabi nang nag-usap kami. Isang buwan na kasi ako rito sa Greece, specially here in Kalambaka. And staying here for a month now made papa worried. Umuwi na raw ako at kailangan ako sa Manila. I told him na wala akong magagawa ngayon. He needs to rely on the general manager of the hotel habang wala ako.
Ngayon ay naisip ko na paano kaya kung mangyari sa amin ang nangyari sa negosyo ng mga Kazan? Paano kung malugi kami dahil sa kapabayaan ko?
No, I won't let that happen. Maaayos ko rin ang lagay namin ni Max at kapag okay na ay saka ako babalik ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Carnal Schemes
Romance-COMPLETED- SPG!!! EROTIC SCENES! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Adyell Andreev was a Russian-Filipino billionaire. He lost his wife in an accident, and when he found her again, he did everything to make their marriage works even though s...