SADNESS...
Iyon ang nararamdaman ko mula sa mga naririnig kong kuwento ni Max tungkol sa kabataan niya. We are in my hotel room now, both naked as we were just done with making love a while ago.
Limang buwan na mula nang maging okay na kami ni Max. Naging maayos ang buhay namin at kahit si Hakeem ay alam kong masaya para sa amin. For the first three months kahit pabalik-balik ako sa Pilipinas ay sa bahay na nila ako tumutuloy kapag narito ako sa Greece.
But two months ago... ay nagkasundo kami na rito na lang sa hotel kami magtagpo. Ayaw na ni Max na tumuloy ako sa bahay nila dahil ayaw niya ang naririnig na usapan ng mga tao... na pati ako ay pinaghihinalaan na may AIDS.
Wala naman sa akin iyon. Pero big deal kay Hakeem, lalo na kay Max. Nahihiya si Hakeem sa akin kaya siya na rin ang nagsabi na tama si Max, na malaya naman kaming magkita sa labas. And he even told me na kapag wala na siya ay huwag na huwag ko sanang pababayaan si Max.
Of course, never kong pababayaan si Max.
"Iyon ang isa sa thankful ako sa parents namin ni Maximiana, they never hide from me ang totoo na may kambal ako."
"At kaya hinanap mo si Maximiana?" tanong ko. Natutuwa ako na nag-open up siya sa akin ngayon.
"Yep..." she pursed her lips. "Iyong alam ko na may kakambal ako ay nakakatuwa na. Kaso lagi rin nina mama at papa sinasabi na... huwag ko nang hanapin dahil hindi rin namin malalapitan. Iyon ang usapan nila ng mga umampon kay Maximiana eh."
"How come pala na halos pareho ang pangalan niyo kung baby pa pala kayo nagkahiwalay?" curious kong tanong. Matagal ko nang iniisip ang tanong na iyon. Akala ko kasi noong una ay magkapangalan sila kasi kambal nga pero nalaman ko na ang mga umampon kay Maximiana ang nagpangalan sa kaniya ng gano'n."
"Maximiana's adoptive parents named her like that from their names. Maximo ang papa ni Maximiana, hindi ba? At Mariana ang mama niya..." sinabi lang niya ang nasa isip ko kanina.
Tumango ako. "Kaya nga... bakit Max ka rin?"
"Si papa ko na ang nagsabi na iginaya nila sa pangalan ng kambal ko. Iyon ang kuwento ni mama sa akin. Noong malaman nila na nabinyagan na si Maximiana ay bago lang nila ako binigyan ng pangalan." She sadly laughed. "They make sure na para pa rin nilang kasama ang kakambal ko. Dinagdagan lang nila ng L at I since Lito si papa at Irene si mama."
"Masama ba ang loob mo noong malaman mo na iginaya lang ang pangalan mo sa kakambal mo?"
"Kaunti, oo. Parang pakiramdam ko ay nakadepende lang pala ako sa kakambal ko. Na sana pinaampon na lang din nila ako."
Hindi ako umimik, wala akong masabi. I pulled her to me. Closer and kissed her right shoulder.
"Noong una kong malaman na mayaman nakakuha sa kambal ko ay naisip ko pa na napakaswerte naman ni Max. She was the one given to a rich family samantalang kami ay hirap na hirap. Inisip ko na siya talaga ang mas mahal ng mga parents namin... bata pa kasi ako noon eh. Pero noong dalaga na ako ay naisip ko na nagawa lang nila mama at papa ibigay siya kasi kailangan. They need to save me. Sakitin kami pareho pero mas lalo na siya kaya kailangan niya mapunta sa mayaman... to survive."
"Where did you inherit your red hair? Maximiana's hair is reddish, too... pero mas mapula talaga ang buhok mo."
"At mas kulot?" natawa siya sa sariling tanong. "Kay mama namin namana. Ewan ko kung anong lahi ang tatay ni mama. Hindi rin alam ni mama eh. Basta ang alam niya ay anak lang siya sa pagkadalaga. Prostitute noong araw ang lola ko, ang mother ni mama. Sa dami niya naging kustomer na iba-ibang lahi ay basta European daw ang tatay ni mama. Foreigner ang lolo ko pero wala na akong plano hanapin pa pinagmulan. Okay na iyon."
BINABASA MO ANG
Carnal Schemes
Romansa-COMPLETED- SPG!!! EROTIC SCENES! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK! Adyell Andreev was a Russian-Filipino billionaire. He lost his wife in an accident, and when he found her again, he did everything to make their marriage works even though s...