Epilogue (SCHEMES)

1.3K 19 2
                                    

WATCHING. WAITING. WONDERING.

I was gazing at her... seeing how devastated she was while crying made me sigh. Nakikita ko kung paanong ayaw niyang umalis sa libingan ni Hakeem. Mukhang gusto na rin yatang sumunod o mukhang gusto na yatang sumama mailibing, which is which... hindi ako papayag.

Hindi ako papayag lalo na at gusto pa niya yatang idamay ang anak ko sa depression niya.

Walang tigil yata itong iiyak at sa nakikita ko sa langit ay mukhang iiyak na rin. Nilingon ko ang paligid at nakaalis na ang lahat, tanging ang sepulturero na lang ang naroroon at inaayos na lang ang himlayan ni Hakeem sa tabi ni Rodney. I smiled on that, nagawan ko naman ng paraan makatulong sa kanila sa huling pagkakataon kaya masaya na ako.

Ang alam ni Max ay siya ang nakahanap kay Rodney. Oo naman... but she will not easily found Rodney kung hindi ko pinadala si Tristan sa kaniya noong naghahanap siya ng imbestigador para mahanap ang lalaking minamahal ni Hakeem.

Patuloy ko siyang tinatanaw. Ilang saglit pa ay umalis na rin ang sepulturero. Ayoko siyang lapitan sana. Hindi na muna sana pero sa nakikita ko ay hindi siya aalis sa lugar na iyon at baka balak na roon na tumira. I puffed out some air annoyingly. Buntis siya pero hindi na nag-iisip.

Matigas ang ulo ni Max kaya gusto ko na rin sanang tikisin para siya naman ang gumawa ng paraan para bumalik sa akin. Kaso, sa nakikita ko ngayon, baka mauna pa itong magkasakit kaysa gumawa ng paraan hanapin ako.

Mabuti pa si Rodney at pinahanap niya para kay Hakeem, pero ako kaya... ipahanap kaya niya ako?

"Are you gonna kill yourself with misery?" tanong ko sa kaniya at mabilis siyang lumingon sa akin. Ilang hakbang na lang at mahahawakan ko na siya.

Her eyes in weary staring back at me and the fuck... instead na tumigil umiyak ay lalo na siyang umiyak. Kapag hindi pa ito tumigil ay siguradong magkakasakit na.

"Iiyak ka na lang ba? Hindi ka ba nagsasawang iyakan si Hakeem?" I stepped forward to get closer to her. I know na iba na ang iniiyakan niya this time, hindi lang si Hakeem kung hindi pati na ang muli naming pagkikita.

Six month na mula nang takasan niya ako. At four months na akong nagtitiis na tinatanaw lang siya at palihim na tulungan sa mga ginagawa niya. I made a way to make them find Rodney easier and I discreetly made a way to make their life easier here in Mindoro. Walang swerte at lucky charm na lagi niyang iniisip noon, nataon lang na lagi akong nakaabang sa mga gagawin niya at plano.

Kung may nakakalungkot ay ang hindi ko na nalapitan pa si Hakeem. Si Rodney na lang ang nakakausap ko na palihim. I hope nakausap ko pa si Hakeem pero wala na akong magawa, inunawa ko ang gusto ni Max na paglayo.

I was only from a distance. Nagtiis ako na tinatanaw lang si Max dahil tama naman siya sa sinabi niya... na hindi na namin dapat dungisan pa ang kasal nila ni Hakeem. Kahit tanggap ni Hakeem ay mali pa rin.

I make another steps palapit sa kaniya. She was almost in my grasp. Iangat ko lang ang braso ko ay mahahawakan ko na siya pero muli ay huminto ako nang isang hakbang na lang ang distansya ko mula sa kaniya.

Ayaw ko muna siyang yakapin. Ayaw ko pa. Gusto ko munang malaman mula sa kaniya kung kailangan na ba niya ako. Ewan... alam ko na hindi na ako dapat pang magdrama ngayon dahil tapos na... malaya na kami... but my insecurity... iyon na yata ang gumugulo sa isip ko.

Ngayon ay gusto ko munang marinig sa kaniya kung ano ba ang gusto niya, ang plano niya.. kung may plano pa ba siyang isama ako sa buhay niya.

I was standing in front of her at pareho lang kaming nagtititigan. Hindi ko alam bakit ayaw niyang magsalita at umiiyak lang.

Carnal SchemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon