DISCLAIMER: This is a work of fiction.
Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.ꨄ︎ᥫ᭡ꨄ︎ᥫ᭡ꨄ︎ᥫ᭡
Veronica's POV
Kanina pa ako gising pero ayaw ko lang bumangon. Sobrang sakit kasi ng ulo ko tsaka buong katawan ko, hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi kagabi e.
Pagdilat ko ng mga ko nagtataka ako kung bakit iba yung kwarto ko. Shit. Napabangon ako at nilibot ang tingin ko sa unfamiliar place. Where am I? Napatingin ako sa katawan ko na comforter lang nakatakip. NO! Hindi pwede.
"Hmmm." napatingin ako sa katabi ko. You fucked up, Veronica. Tumayo na ako at nagmamadaling magbihis. Hindi niya ako pwede makita. Ano ba kasi nangyari kagabi.
Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako sa condo niya. Paano kung mabubuntis niya ako? Paano kung may asawa na yun or girlfriend.
Nagmaneho na ako papunta sa apartment kung saan ako nakatira. Wala akong pamilya dito sa South Korea pero may isa akong kaibigan. Siya ang nakakaalam kung ano ang nangyari kagabi sa club.
•••
Nakarating na ako dito sa apartment namin ni Everlee Adriana Young. Dalawa na lang kaming natira dito sa South Korea kasi yung dalawang kaibigan namin umuwi na ng Pilipinas.
"Good morning bespren...sungit mo naman."
"Anong nangyari kagabi? Bakit paggising ko may kasama akong lalake and we're naked." kumunot naman noo niya.
"What are you talking about?" inirapan ko siya.
"Ikaw kasama ko kagabi diba? We're both drunk..."
"Dumating si ma'am Dhimples kagabi she said siya na lang daw ang maghahatid sayo dito sa apartment. Hinintay nga kita dumating kagabi pero hindi ka dumating." napaupo ako sa sofa.
Ibig sabihin si ma'am Dhimples ang naghatid sa akin dun sa room ng lalake? Hindi ko na nakita yung mukha ng lalake kanina kasi nagmamadali akong umalis sa lugar na yun.
"Gwapo ba bes?" tanong ni Lee sa akin.
"Hindi ko nakita yung mukha pero malaki katawan tapos marami siyang tattoo sa katawan."
"Yung bespren ko hindi na virgin...aray ko naman."
"May galit ba sakin si ma'am Dhimples para gawin niya yun sa akin?" napailing-iling na lang kami. "Gusto ko na tuloy mag-resign." nawalan ako ng tiwala sa manager namin.
"Kausapin mo muna si ma'am Dhimples tsaka sayang din yung limang taon mo dun sa hotel." receptionist kasi ako ng hotel.
•••
Nandito ako sa hotel para kausapin si ma'am, Dhimples. Kung sinadya talaga ni ma'am yun magre-resign na ako. Habang naglalakad ako ay nakita ko naman si ma'am Dhimples may kasamang guests.
"Good afternoon ma'am, can we talk?" agad naman tumango si ma'am Dhimples.
"Adriana, please take them to their rooms." sabi ni ma'am Dhimples kay, Lee.
"This way sir." hinila naman ako ni ma'am dun sa lobby. Umupo kaming dalawa.
"May nangyari ba?" filipina din si ma'am Dhimples at napangasawa niya korean.
"Ma'am, kasi paggising ko kanina may lalake akong kasama at parihas kami hubad." nanlaki ang mga mata ni ma'am Dhimples sa sinabi ko.
"Iniwan kita kagabi doon sa condo ko dahil nagka-emergency dito sa hotel...I'll check the CCTV, okay? Wag ka muna pumasok bukas. I'm very sorry, iha." naglabas si ma'am Dhimples ng cheke. "Kung gusto mo mag shopping use this money, kung may kailangan kang bilhin ito ang pera. Take it." ayaw ko sana kunin kaya lang pinasok ni ma'am sa bulsa ng coat ko.
"Thank you po."
"I'll investigate. Kung sino man ang lalakeng yun kailangan ka niyang panagutan. Magiingat ka lagi, iha." tumango ako. Nagpaalam na si ma'am Dhimples sa akin.
•••
Lumipas ang dalawang linggo ay nalaman na namin kung sino yung lalake na kasama ko sa condo ni ma'am Dhimples.
"Iha...kilala ko yung lalakeng kasama mo sa condo ko." kinabahan ako bigla. "He's...m-my son."
"Po? P-paano p-po siya nakapasok sa c-condo niyo?" son nga diba tanga ka ba, Veronica?
"Nasa kanya yung isang key card ko and hindi ko alam na nakabalik na siya from London. Nakausap ko na din ang anak ko at pinakita ko sa kanya yung CCTV. I told him kung hindi ka niya pananagutan makakarating sa daddy niya yung ginawa niya sayo."
"Ma'am hindi naman po ako buntis p-para panagutan niya. Tsaka po mukhang may girlfriend na po yung anak ninyo ayaw ko po makasira ng relasyon." bago kasi ako lumabas ng kwarto ay nakita ko yung likod ng cellphone niya, may mga pictures ng babae tapos picture nila together.
"Iha hindi naman pwedeng hindi ka niya panagutan, buntis ka man o hindi kailangan niyang gawin yun. Don't worry walang makakaalam sa nangyari." pwede naman palabasin na one night stand ang nangyari. Mapilit talaga si ma'am Dhimples.
ಇಇಇ

BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.