𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 14

929 11 0
                                    

Veronica's Pov

Papunta ako ngayon sa mansion nila mom. Dalawang araw na kasi akong hindi makatulog kakaisip sa nakita namin ni Nicole doon sa mall.

Hindi ko nga pinapasin si Tryke e. Tinatanong niya ako kung may problema ba daw ako o kaming dalawa ang sagot ko naman sa kanya ay wala.

"Madame may bisita po kayo." nasa likuran lang kasi ako ng katulong.

"Mom."

"Nica! Napadalaw ka? Come." naglakad ako palapit kay mom at nagmano sa kanya. "Kamusta ka na? Hindi mo kasama si, Tryke?" umiiling ako. "May problema ba, anak?"

"Mom..." tumatango si mom sa akin. "I t-think...T-tryke is cheating on me." nanlaki ang mga mata ni mom.

"What? Saan siya?"

"Kasi mom pumunta kami ni Nicole sa kumpanya niya tapos sabi ng secretary nya nasa meeting daw, ganon din ang sinabi ni Kingston nung pumunta siya sa bahay kasi may kinuha siyang documents. Umalis kami ni Nicole sa kumpanya at pumunta ng mall at nakita namin si Tryke, Kingston at Lee. Nagtataka lang ako kung bakit niya pinaupo si Lee sa tabi niya."

"Wait here, may tatawagan lang ako." tumango ako.

Umupo muna ako sa sofa. Bakit si Lee pa? Ang daming babae dito sa South Korea bestfriend ko pa.

"May pupuntahan tayo, anak." pinakuha ni mom yung shoulder bag niya tsaka ako hinila palabas ng mansion nila. Pumasok agad kami sa kotse at inutusan ni mom yung driver niya na bilisan ang pagmaneho.

"Saan tayo pupunta mom?"

"Sa kumpanya ng asawa mo. That jerk akala ko nagbago na." akala ko nga rin mom.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami dito sa kumpanya ni, Tryke. Lahat ng employees na bumabati kay mom hindi niya pinapasin. Hangang sa makapasok kami sa elevator ay hindi rin pinapasin ni mom yung mga employees.

Tahimik lang ako kasi alam kong mainit ang ulo ni mom. Huminto sa floor kung saan ang office ni Tryke.

"Good afternoon po." naunang pumasok si mom sa office ni Tryke.

"Pasensya ka na mainit ang ulo." ngumiti naman at tumango yung secretary ni Tryke. Binuksan ko na yung pinto at pumasok.

"I'm not cheating on her mom. Hindi ko alam yang sinasabi ninyo mom, babe ano naman itong sinusumbong mo?"

"I saw you yesterday, akala ko ba nasa meeting ka. Bakit mo kasama si Kingston at Lee? Pinatabi mo pa nga si Lee sayo." kumunot ang noo niya.

"What the hell are you talking about?"

"Minahal mo talaga ako o ginamit mo lang ako. Parausan lang?" ang sama ng tingin niya sa akin.

"Nandito lang ako sa kumpanya kahapon, 2pm ko na nga nakain yung dinala mo after that may meeting ako ulit. Bakit naman kita lolokuhin kung masaya ako sa piling mo." umiiling ako.

"Sinungaling. Kung gusto mo pala si Lee edi sana sinabi mo sa akin para natulungan kita diba? Hindi ko yung makikita ko kayo. I hate you. I hate cheaters!" nagmamadali akong lumabas sa office niya at tumakbo papunta sa elevator.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Mas masakit itong nangyari sa akin ngayon kesa yung sa last breakup ko.

"Nica!" nilingon ko si Kingston at kasama na niya si Tryke. "What happened?" tinignan ko ng masama si Tryke. Tinanggal ko ang ring na nasa kamay ko.

"Maghiwalay na tayo. You cheater. Ayaw na kitang makita." binato ko sa kanya yung ring at nagmamadaling lumabas sa building. Pumara ako ng taxi. Hindi ko alam kung saan na ako titira ngayon.

"Please drop me at nearest hotel, thank you." sabi ko doon sa taxi driver.

"Yes, Ma'am." iyak lang ako ng iyak. Hindi ko akalain na babalik ako sa ganitong sitwasyon. Maghahanap ako ng trabaho para buhayin ang sarili ko or uuwi na lang ako ng Pilipinas.

Uuwi na lang ako ng Pilipinas may tinayo naman si kuya Terrence na business pwede akong pumasok doon.

Pagkadating ko sa hotel ay nagcheck-in ako kaagad. Gusto ko na kasi magpahinga at tatawagan ko pa si Nicole makikisuyo ako sa kanya kung pwede niya ba dalhin yung mga gamit ko dito. Hindi na ako babalik doon sa bahay ni, Tryke.

•••

Nagising ako ng madaling araw kasi may tumatawag sa akin, si Nicole pala. Papunta daw siya dito sa hotel para ihatid yung mga gamit ko. Buti at nakuha niya doon sa kwarto na hindi nakikita ni, Tryke.

Bumangon ako at sinuot ang jacket ko. Hihintayin ko na lang siya sa baba. Lumabas na ako ng room tsaka naglakad papunta sa elevator at buti na lang malapit lang yung elevator sa room kung saan ako nagiistay.

Habang naghihintay ako sa elevator na bumukas may dumating naman na lalake. Matangkad, maganda yung katawan kaya lang hindi kita yung mukha.

*TING*

Pumasok na siya sa elevator at sumunod ako. Pinindot niya yung...panira naman itong tumatawag. Kinuha ko sa bulsa ng shorts ko yung cellphone ko at sinagot ang tawag ni, Nicole.

[ Hello, saan ka na? ]

Nandito na ako sa baba ate pero hindi ako pwede magtagal...

[ Bakit? Nakahalata ba sila? ]

Parang? Kasi kanina biglang dumating si sir Tryke tapos hinahanap ka niya then umalis din siya kaagad...

[ Hintayin mo ako sa lobby ]

Pinatay ko na yung tawag at bumukas na yung elevator. Nagmamadali akong lumabas at naglakad papunta doon sa lobby.

"Nics." nilingon naman niya ako.

"Ate." niyakap niya ako ng mahigpit. "Aalis kana ba talaga?" tumango ako. "Hindi ka na babalik ate?"

"Hindi na. Wag kang magalala magkikita parin naman tayo kung uuwi ka ng Pilipinas."

"Kainis naman. Nandito na yung mga gamit mo." inabot niya sa akin yung dalawang echo bag tapos yung luggage ko. "Gaya ng inutos mo hindi ko dinala yung mga bigay ni sir Tryke sayo."

"Thank you, Nics. Sige na baka hanapin ka na. Magiingat ka, okay?" tumango siya. "Maraming salamat sa lahat Nics mamimiss kita. Sabihan mo ako kung uuwi ka ng Pilipinas para doon ka sa amin." nginitian ko siya at niyakap.

"Maraming salamat din ate at mamimiss din kita." binigyan ko siya ng pera at remembrance. Umiiyak siyang lumabas ng hotel.

Kinuha ko na yung mga echo bag at naglakad papunta sa elevator. Aayusin ko lang yung mga gamit ko at aalis na din ako dito. Sa airport na ako matutulog para hindi ako maiwan ng flight ko.

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon