Veronica's Pov
Nakarating kami nila kuya Terrence dito sa address na iniwan ni Tryke. Malaking bahay pero mansion ang tawag ko dito sa ganitong bahay. May mga security guard na nakabantay sa gate at maraming CCTV cameras.
"Dito ba siya nakatira?"
"Siguro? Dito tayo dinala ng GPS e." inayos ko muna yung mukha ko bago lumabas ng kotse. Lumabas din sila kuya Terrence.
"Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Tryke Lewis?" tanong ko sa mga security guard.
"Yes po." binuksan naman nila yung gate. "Pasok po kayo."
"Ikaw na lang Vian, doon muna kami sa mall." may mall kasi na malapit dito.
"Calls us kung may nangyari, okay?" tumango ako. Pumasok na ako sa loob ng mansion.
"Si Tryke po?" tanong ko sa nakasalubong kong babae.
"Nandun sa sala iha." tinuro niya yung daan papunta sa sala. Nagdadalawang isip pa akong tutuloy ba ako o hindi. Paano kung ito na pala katapusan ko? Bumuntong hininga muna ako bago naglakad.
Sa paglalakad ko may nakita akong CCTV cameras sa bawat sulok ng mansion. Hindi ka basta-basta makapagnakaw dito. Nang makarating ako sa sala I saw him.
"Buti pumunta ka." he said. Tumayo siya at tinignan ako. "First of all I want to say sorry. Sorry if nasaktan kita pero hindi ko intension na saktan ka. Tryke didn't cheat on you." kumunot ang noo ko.
"Are you not, Tryke?" umiiling siya. "Who are you then? Nagpa surgery ka ba para maging kamukha mo si Tryke?"
"I'm his twin." napanganga ako. "Ako ang nakita mo sa mall at hindi si Tryke. I'm Lee's boyfriend." napailing-iling ako. "I'm Tyler Taj Lewis."
"Why are you here? Diba dapat si Tryke yung nagpapaliwanag sa akin ngayon."
"I'm here baby." nilingon ko siya. "I'm sorry kung hindi kaagad kita..." niyakap ko siya ng mahigpit. "I miss you so much." tinignan ko siya at hinalikan ang labi niya.
"I miss you more babe. Ito kasing kakambal mo..." natawa lang si Tyler. "Avianna." nakipag shake hands naman si Tyler sakin. "Not nice meeting you." natawa silang dalawang.
"Pasensya na talaga."
"Sandali. Kung boyfriend ka ni Lee bakit siya nagpapaligaw kay Kingston aber?" tanong ko sa kanya.
"She's not. She rejected Kingston ng dahil sa akin. Hindi pa kasi alam ni Kingston na kami na ni Lee basta mahabang kwento." tumango na lang ako.
•••
Bumalik kami dito sa resort kasi gusto magpaliwanag ni Tryke kanila nanay at tatay. Nakilala din nila si Tyler. Bukas ang balik namin sa korea, gusto pa nga nila mag stay ng isang linggo kaya lang may trabaho si Tryke.
"Wag mong sasaktan prinsesa namin ha?" rinig kong sabi ni tatay kay Tryke. Sumilip ako sa bintana, nagiinuman pala sila.
"Anak." nilingon ko si nanay. "Ang mapapayo ko lang sayo ay matuto kang makinig sa paliwanag bago ka mag decision." tumango ako.
"Sorry po. Natakot lang naman po ako na baka lokohin ako ni Tryke. Ayaw ko na po kasi masaktan nay."
"I understand anak, pero next time kapag nangyari yung ganito makinig ka muna. Kung feeling mo na nagsisinungaling si Tryke mag imbestiga ka. Tsaka may girl instinct." tama naman si nanay. "Tulungan mo ako doon sa kusina."
"Sige po."
Ang swerte ko siguro sa part na pinuntahan niya ako dito. Kasi kung ibang lalake pa yun naghanap na talaga ng iba at may ibang lalake din na hahayaan ka
lang talaga imbes sila ang susuyo sayo, ikaw pa ang susuyo sa kanila.•••
Pagbalik namin sa korea ay humingi ako ng tawad sa family ni Tryke and nagkausap na rin kami nila Lee at Kingston.
Kingston we're sorry kasi hindi niya sinabi sa akin yung tungkol sa kakambal ni Tryke, bilin din kasi daw ni Tyler sa kanya. Kahit si Lee alam niya pala. Ang dahilan kung bakit nila tinago si Tyler kasi isa siyang gangster, ayaw niyang may nakakaalam sa pagiging gangster niya.
I understand naman kahit ako, kung gangster man ako hindi ko rin ipapaalam kasi ayaw kong matakot sa akin yung mga tao.
THE END
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎
Romansa𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.