𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6

1.3K 15 0
                                        

Veronica's Pov

Nakauwi na ako sa bahay. Pinipilit parin nila akong magpagamot. Kasi kung magpagamot ako sila ma'am Dhimples ang gagastos ng hospital bills ko.

"Vian, kumain ka muna." nilapag ni Tryke yung dala niyang tray. "Come." inalalayan niya akong bumangon.

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Mas kailangan mo ako dito, si Kingston muna bahala sa kumpanya." tumango na lang ako.

"T-tuloy parin ba tayo sa Pilipinas?" tanong ko sa kanya.

"Yes, isang buwan lang naman."

"Sabihin ko muna sa kanila yung sakit ko bago ako magpagamot." ngumiti siya. "Pahiramin mo muna ako ng pera tsaka na lang kita bayaran kapag magaling na ako."

"Pahiramin? Are you serious? I'm your husband Vian hindi mo kailangan bayaran. Believe me ikaw ang mahal ko." nginitian ko lang siya. Mahirap kasi maniwala e.

"Tsaka mo na yan sabihin sa akin kapag nandito na si, Ashley. Mahirap kasi paniwalaan, sorry."

"I understand. Mamaya may pupuntahan tayo." tumango ako. "Drink your vitamins." kinuha ko naman yung vitamins na binigay niya sa akin.

"Thank you. Can I stay sa living room?"

"Of course, tara." tumayo na ako at inalalayan niya akong maglakad. Pigilan mo yang nararamdaman mo Veronica baka ikaw lang masaktan sa huli.

•••

Nanuod muna ako ng movie habang hinihintay si Tryke, kausap niya si Kingston. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at naglakad patungo sa kitchen.

"May kailangan ka po?"

"Nagugutom kasi ako." sabi ko sa katulong.

"May binigay po si madame Dhimples kanina." binuksan niya yung ref at kinuha ko yung isang container. "Ito po, nakalimutan po ata ni sir Tryke ibigay sayo." red velvet cookies.

"Thank you po."

"You're welcome po." pagkakuha ko ng cookies ay lumabas na ako at bumalik sa living room.

"Vian, alis na tayo." sinamaan ko siya ng tingin. "What? May pupuntahan tayo, bring clothes. Mag overnight tayo."

"Saglit lang ah, nagugutom ako." he chuckled.

"Dalhin mo na lang yan." tumango ako. Umakyat na kami sa hagdan para maghanda ng gamit namin. Masarap yung red velvet cookies ni ma'am Dhimples.

"Nakalimutan ko pala ibigay yan sayo."

"Sabi nga rin ng kasambahay e." pumasok na kami sa kwarto. Kinuha ko yung tote bag na wedding gift ni Lee sakin. Wala akong ibang bag na pwede malagyan ng mga damit e tapos magdadala pa ako ng toiletries.

"Saan pala tayo pupunta?"

"Changwon, kakabukas lang nung bar ng kaibigan ko." after ko magayos ng mga gamit ko ay nagpalit na ako ng damit. Skirt, long sleeve and coat. "Are you done?" tumango ako.

Sa kotse na lang ako magaayos ng buhok tsaka mukha. Kinuha ko yung heels at sumunod na sa kanya palabas ng kwarto. Pagbaba ko ay agad akong lumabas ng bahay at pumunta sa kotse.

"Pumasok ka na." pumasok na nga ako at nagsimulang magayos ng mukha ko. Light makeup lang tapos light lipstick.

•••

Nakarating na kami dito sa Changwon. Ngayon lang ako nakapunta dito. For 4hrs si Tryke lang yung nag drive, ayaw niya akong ipadrive e.

"Malapit na tayo." inayos ko na yung gamit ko at sinuot ko na ang heels ko. "Nandito na tayo." parang sarado naman. Lumabas na kami ng kotse.

"Sarado ata." sabi ko kay Tryke.

"Sarado pero nandyan yung mayari, let's go." pumasok na kami sa loob ng bar. Marami naman tao dito sa loob, yung iba nakita ko na nung wedding.

"What are you doing here?"

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Pilipinas ka?" anong ginagawa ni Ethel dito. Napayuko siya.

"Do you know each other?" tanong ni Bennett Rowan Gomez. Kaibigan siya nila Tryke at Kingston.

"Unfortunately, yes. Ang pagkakaalam ko kasi nasa Pilipinas siya."

"She is but something happened to her." napataas ang kilay ko at tinignan ko si Ethel.

"They need to talk, tara tol." hinila na ni Tryke si Rowan. Hinila ko naman si Ethel at lumabas kami ng bar.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka nandito?"

"My parents died at pinalayas ako ng mga kapatid ko sa bahay namin kasi wala na akong maibigay na pera sa kanila. Yung cellphone ko sinangla nila kaya hindi ako naka-contact sa inyo ni Lee. Namasukan ako biglang katulong nila Rowan, maayos naman ang trabaho ko sa kanila pero nung magiisang taon na ako sa kanila nahanap ako ng mga kapatid ko. Pinapauwi nila ako sa bahay at gusto nilang kunin yung perang naipon ko para makabalik dito. Pero pinabugbog nila ako kasi hindi ko binigay ang pera na gusto nila. Then nag decision si Rowan na pakasalan ako para hindi na ako magalaw ng mga kapatid ko. Kaya ako nandito kasi nandito ang asawa ko."

"Hindi mo man lang kami dinalaw ni, Lee."

"I went there pero wala ng tao doon." lumayas na ba si Lee sa apartment? Paano yung mga gamit ko doon? Lintek na babae yun. "I'm sorry."

"It's okay, nagulat lang ako na nandito ka." niyaya ko na siyang pumasok sa loob kasi nilalamig na ako. "Hindi ko alam kung saan na nakatira si Everlee ngayon. Wala naman kasi siyang nabanggit."

"Tawagan na lang natin mamaya. Ikaw, I heard kasal ka kay Tryke." tumango ako. Kinuwento ko sa kanya lahat na nangyari sa akin. Hindi nga makapaniwala e. "Crush ng bayan." si Tryke daw crush ng bayan.

"Are you guys okay now?" tanong ni Rowan sa amin.

"Yeah/yes."

"Let's go, let's eat lunch." umupo na kami sa mahabang couch. Ang sarap naman ng mga pagkain.

"Kumain ka na, Vian." nilagyan ni Tryke yung plate ko ng maraming pagkain. "Finish that, okay?" nginitian ko siya. Mauubos ko kaya to? Marami pang foods at gusto ko itry lahat.

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon