𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3

1.1K 13 0
                                    

Veronica's POV

Kakarating lang namin ni Lee dito sa Incheon, mamaya pa sila ma'am Dhimples kasi may pinuntahan pa daw sila. Naghanap kaagad kami ng restaurant kasi hindi pa kami kumakain ng lunch.

"Bes, alam ba ng family mo?" umiiling ako. "Bakit? Natatakot ka?"

"Yes, tsaka may sakit si nanay ngayon ayaw kong dagdagan yung problema nila. Kaya ko na 'to bes basta hindi lang ako sasaktan ni sir, Tryke."

Pagkadating namin dito sa restaurant nagorder kaagad kami ng pagkain.

Nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko kaya agad ko itong kinuha. Napakunot ang noo ko sa natanggap ko na text.

From: +82******

Wag mo ituloy ang kasal kundi may mangyayari sa pamilya mo.

Kinabahan ako sa sinabi niya.

"Basahin mo 'to." pinakita ko kay Lee yung text.

"Girlfriend niya yan. Ipakita mo kay ma'am Dhimples tsaka wag kang matakot dyan."

"Paano kung totohanin nga niya? Ayaw ko naman may mangyari sa pamilya ko, sila nanay at tatay matanda." tumango si Lee.

"Screenshot mo yan at ipakita natin kay ma'am Dhimples mamaya, okay?" tumango ako.

•••

Nandito na kami ni Lee sa mansion nila ma'am Dhimples. Ang ganda talaga ng mansion nila. May pagbabago lang sa mansion nila, noon wala pa silang pool at garage ngayon meron na.

"Hello there ladies." bati sa amin ni Chairman.

"Hi, chairman."

"Hello, chairman." bumaba na din sila ma'am Dhimples at naglakad patungo dito sa sala.

"Kumain na ba kayo? May hinanda kaming food."

"Yes po, bago po kami pumunta dito sa inyo kumain na kami." sabi ko naman kay ma'am Dhimples.

"Ohh, sige later na lang yung food. Take a sit." umupo naman kami ni Lee sa malaking couch nila.

"Veronica, alam mo naman siguro kung bakit ko kayo pinapunta diba? Lalo ka na." tumango ako. "Pumayag na si Tryke sa kasal ninyo pero..."

"Kung hindi nagwork ang kasal natin maghihiwalay tayong dalawa. This will be a secret marriage, understand?" tumango lang ako sa sinabi ni sir, Tryke. "Aalis kana sa apartment niyo at sa akin kana tumira simula bukas kahit next month pa yung wedding." napatingin naman ako kay ma'am Dhimples.

"And why?" tanong ni Chairman kay sir Tryke.

"Para may oras pa akong itigil ang kasal kung mamatay tao pala siya." napailing-iling na lang kami ni Lee.

"Ang sabihin mo brad may plano kang...ouch!" sinamaan ng tingin ni sir Tryke si sir Kingston.

"Anyway iha you can call us anytime kung may ginawa itong si Tryke sayo." sabi ni chairman.

"Magsumbong ka lang, okay?" tumango ako. "Let's eat na." tumayo na rin kami at sumunod kanila ma'am Dhimples sa backyard nila.

•••

Kakatapos lang namin kumain at magisa lang ako dito sa pool area. Kanina kasama ko dito si Lee kaya kinausap kasi ni sir Kingston, sila ma'am Dhimples naman may tinapos na business meeting.

"Bakit ka magisa dito?" napatingin naman ako sa likuran ko.

"Ahhm k-kinausap kasi ni sir Kingston si Lee." napatango naman si sir Tryke at umupo sa gilid ko. "S-sir k-kung napipilitan ka lang talaga p-pwede ka naman gumawa ng paraan para hindi matuloy yung k-kasal...m-mas kaya mo yun gawin kesa sa akin."

"I know. Kung hindi ko ituloy ang kasal magagalit na naman si dad sa akin."

"Diba po may girlfriend kayo?" tumango siya. "Bakit po hindi niyo sabihin sa kanila na ikakasal na kayo o di kaya nabuntis mo." ngumisi at umiiling si sir Tryke sa sinabi ko.

"I already said that pero hindi sila naniniwala tsaka hindi nila gusto ang girlfriend ko."

"Do you think magwo-work itong marriage natin?" napatingin siya sa akin. "Hindi ako umaasa, okay? Baka kasi hindi sila papayag na maghiwalay tayo." he shrugged.

"Getting to know...hey chill!" babatuhin na sana ni sir Tryke sir Kingston e.

Parang habang buhay na ako nakatali kay sir Tryke pero wag naman sana kasi ayoko sa mundo niya. Magulo. Kaya sana hindi magwork itong marriage na ito.

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐫. 𝐂𝐄𝐎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon