My Fault

77 13 5
                                    

Inigo's POV

[Apartment]

Mag-iisang linggo na ang lumipas pero di ko pa rin makalimutan ang bawat pangyayari nung mga oras na yun.

Mali ang mga ginawa ko.

Mali ang pumatol sa estudyante ko.

Mali ang pagmamahal ko.

Mali lahat.

Bakit ko nga ba ginawa ang mga bagay na yun kahit alam kong mali! Kung alam ko lang na estudyante pa lang sya nung una......

Matagal ko na syang tinatanaw sa malayo lagi syang nasa Nightscale. Nagpaparty buong magdamag kasama ang mga friends nya nakikita ko ang mga ngiti nya na para bang sya ang nasa mga panaginip ko.

One time i saw her again sa Nightscale she's already tipsy at gusto kong lumapit para alalayan sya kaso hindi ko magawa.

Siguro.

Siguro ay nahihiya ako. Di ko naman masasabing torpe ako dahil di ko naman sya nililigawan.

Ah ewan! Di ko na lang sya tinulungan nung time na yun at baka kung ano pang isipin ng mga tao..

At dumating yung araw na sinubukan kong makilala sya sa pagsuntok sa lalaking sinasayawan sya.

Di ko matiis na makita iyon kaya sinuntok ko ang lalaking iyon.

At dun na rin pala magsisimula ang lahat..

[Faculty]

Ang lamig-lamig ng panahon~
Sana matapos na 'toh.

Umaasa ako na ngayong araw na 'toh ay papasok na sya gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa lahat-lahat ng mga nangyari.

Tumayo na ko sa aking kinauupuan at kinuha ang lesson plan at lumabas na ng faculty para pumunta na sa klase ko.

Pagkapasok ko ay nagulat ako at nandun sya nakaupo katabi ang bestfriend nya agad kong binago ang expression ko upang hindi mahalata na nagulat ako.

Babati na sana ako sa klase ng bigla syang tumayo.

"Good morning Sir~" bati nya na parang may ipinapahiwatig. Napansin kong lahat ng lalaki sa klase ay parang gusto sumabog naramdaman kong namula ako kaya naman

"Uh-Urghmmn!" i coughed para maconcentrate ko ang sarili ko "Good morning din Kahlen buti at pumasok ka na" dugtong ko.

"You know sir namiss ko kasi kayo." sabi nya na parang may pinapahiwatig sakin.

May iba sa ginagawa nya ngayon.

"Lalo na yung smile mo at yung dimples mong cute pati narin yung kindat mong nakakalusa-" di ko na sya pinatapos sa sinasabi nya dahil para akong naiinsulto sa ginagawa nya kaya naman sinigawan ko sya dala ng galit ko.

"Go outside!" nakita kong nagulat ang lahat at natahimik ang lahat sa ginawa ko

"Why sir?" tanung nya na para bang pinaglalaruan ako.

Kaya naman sinigawan ko sya ulit.

"I said go outside!" sigaw ko dahil naiinsulto ako sa ginagawa nya.

"Fine!" padabog nyang sagot at lumabas ng classroom.

Tahimik ang lahat ng nasa klase gulat parin sila sa pagsigaw ko. Lumabas ako ng classroom para kausapin sya ngunit wala sya kaya tumakbo ko para hanapin sya.

Nadaanan ko ang main stair pero wala sya kaya inilibot ko ang aking mata at nakita sya papunta sa left side ng building kaya naman hinabol ko sya. Pababa na sya ng hagdan ng hawakan ko ang balikat nya at isinandal sya sa dingding.

"Anung problema mo?" tanung ko sa kanya dala ng galit ko

"Bitawan mo nga ko!" sigaw nya sakin at pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanya kaya naman mas hinigpitan ko ang paghawak sa balikat nya "Ano ba!" pagpupumiglas nya pero di pa rin sya makawala.

Hinalikan ko sya bigla-bigla miski ako nagulat sa ginawa ko pinipilit nyang pumiglas pero di sya makawala.

Nakita kong pumikit sya at hindi na pumiglas kaya ginaanan ko na ang pagkakahawak ko sa mga balikat nya.

At dun na nangyari ang hindi ko inaasahan.

Tinulak nya ko ng buong pwersa nya at natama ako sa rails ng hagdan nadulas ang kanan kong paa at dere-deretsong nalaglag.


Nakita kong parang bumagal ang pangyayari.

Pumasok sa isip ko lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko kasama si Kahlen.


Nakita kong nagulat sya at isinigaw ang pangalan ko.

Ngumiti ako at ipinikit ang aking mga mata.....

Kahlen's POV

[Hospital]

Patuloy ako sa pag-iyak di ako makapagsalita, di ako makagalaw tanging iyak lang ang nagagawa ko..

Inigo!

Sigaw ko sa utak ko.

Gusto kong tumayo at hanapin sya at kung ligtas sya ngunit di ko magawa.

Nasa tabi ko si Renee pinapahiran nya ng panyo ang mga luha ko habang si mama ay nasa kabilang nakaupo at tinitingnan ako nakikita kong paiyak sya pero di tumutulo ang luha nya habang si papa ay tumawag ng doktor..

"Kahlen..." tawag sakin ni Renee ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko nanghihina ang buong katawan ko gusto kong pumikit pero naaalala ko ang mga nangyari ng malaglag si Inigo...

Kasalanan ko!
Kasalanan ko!
Kasalanan ko!
Kasalanan ko!
Kasalanan ko!
Kasalanan ko!

Nakita kong pumasok si papa at ang doktor pero bago pa man yun ay biglang pumasok ng kwarto ang kapatid ni Inigo si Melrose umiiyak at nagsisigaw sakin habang dinuduro ako.

"Kasalanan mo 'toh!" pagwawala nya pumasok ang isang lalaki at pinipigilan si Melrose "Wala na si kuya! Dahil sa kagagawan mo!" dugtong nya at ayaw magpaawat.

Natulala ako at mas lalong dumanak ang mga luha sa mata ko. Nagulat silang lahat sa sinabi ni Melrose.

Niyakap ako ni Renee.

"Ikaw ang may kasalanan! Walang hiya ka! Bakit mo pinatay si kuya!!!!" sigaw nya at patuloy sa pagwawala habang inaawat sya nung lalakit


W-wala n-na s-si Inigo...

B-bakit!

Bakit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Patuloy sa pagwawala si Melrose sa kwarto at ang tangi ko lang na magawa ay ang umiyak ng umiyak....

Niyakap sya ng lalaki at umiiyak na rin 'toh kumalma-kalma si Melrose at napaupo....


"Kasalanan mo 'toh" paghahabol nya sa paghingang sinabi dahil sa iyak nya...

Paulit-ulit na dinig ng tainga ko....

Ang Basag Na Puso Ng KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon