Somethings Wrong

35 4 0
                                    

Kahlen's POV

"Huh?" ako

"Sabi ko alam mo ba na nahulog na ko sayo." pag-ulit nya.

Hindi ko sya hinaharap dahil ramdam kong namumula ako ng biglang bumalik sya sa pwesto nya sa pagkakaupo at pinatong ang ulo nya sa balikat ko.

OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Di ko alam kung bakit. Pero bigla ko na lang 'toh naramdaman tuwing kasama kita.." siya na nakapatong parin ang ulo.

Malumanay ang pagbanggit nya ng mga salita di ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya at kung ano ang sasabihin ko.

Matutuwa ba ko? O malulungkot?

"Ah. Haha, ganun ba." awkward kong sabi.

"Mahal kita Kahlen..." sabi nya at humarap sakin ng nakaluhod.

"Ah- ah- ha..." ako na confuse na nalilito.

Di ba gusto mo rin sya Kahlen!

Sigaw ng puso ko.

"Kahlen..." banggit nya sa pangalan ko.

Kitang kita ko ang mukha nyang napaka sincere sa sinasabi nya.

Namumula na talaga ko kaya yumuko ako.

"G-gusto d-din kit-ta" utal-utal kong sabi.

Di ko alam kung anung expression ng mukha nya ng sinabi ko yun basta ang alam ko nasabi ko ding gusto ko sya.

Niyakap nya ko ng sobrang higpit na parang ayaw nya na kong pakawalan.

Biglang bumalik sa alaala ko ang yakap ni Inigo sakin.....

Ang yakap nya.

Yakap nya na nagpalaglag sakin.

Ang braso nya.

Ang tibok ng puso nya.

Naluha ang mga mata ko.

B-Bakit ganito?

"Ayos ka lang?" si Ashton na bumitiw sa pagkakayakap ng makita akong naluluha.

"Huh? Oo." at punas ko sa mga luha ko. "Ayos lang ako...." dugtong ko at niyakap nya ulit ko.

Natapos na ang sunset pero nandun parin kami nakatingin sa langit dinadama ang bawat sandali.

Humiga na rin ako kagaya nya nagkatinginan pa kami at ngumiti sa isa't-isa.

"I love you..." sambit nya sakin.

"I love you too." ako bigla syang umibabaw sakintat nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Ang bagal ng oras.

Pumikit ako at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang labi nya na dumampi sa mga labi ko ang mainit nyang paghinga ang presensya ng buong katawan nya.

*PIM POM PAM POM~* ring ng phone ko.

Naalimpungatan ako sa ingay ng phone at nagising.

Lamig na lamig ang katawan ko antok na antok ang mga mata ko.Parang galing ako sa napakahabang paglalakbay. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang notification bar.

"88 missed calls!!!!!!!!!!!" sigaw ko at napatingin sa time ng phone. "Ten fifty-two!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko ulit at agad-agad tumayo.

Nagring ang cellphone at agad ko 'tong sinagot.

On phone...

/Renee/
"Kahlennnnnnnnnnnnnnnnnnnn!" sigaw nya ng pagkalakas-lakas na para bang sasabog ang eardrums ko.

Ang Basag Na Puso Ng KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon